Plano

568 58 3
                                    

Ang gabi ay binalot ng takot  at  kalungkutan ngunit  kahit ganon paman naging matatag pa rin si Noel  sa kabila ng mga pangyayari.

Di na namin maibabalik ang mga nangyari  sa halip ay napagdisisyonan naming pumunta sa rooftop ng gusali at doon magpahinga.

nagpaiwan na muna si Noel sa kwarto upang kumuha ng mga gamit habang nauna na akong pumunta sa taas.

Di pa nakalapag ang aking paa sa semento ng rooftop ay nasilayan ko  na ang nakatayong tao sa bandang dulo ng gusali.

"Erupa!! Isang sumpa ang sakit na yan!!Wala na! Wala ng pag-asa ang bayang ito! Dahan dahang binubuksan ang pintoan ng impyerno!-sigaw ng lalaking nakita ko."

Kinilabotan ako sa kanyang mga sinabi, tinangka ko syang lapitan ngunit naunahan ako ng kaba sapagkat hindi ako sigurado kung isa syang tao.

Biglang tumahimik ang lugar at tila maraming iniisip ang lalaki na dahan dahang humakbang sa gilid ng gusali, kunting kunti nalang para syay mahulog.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at nagdesisyong pigilan sa anu mang plano nya.

"Huwag! Huwag mong gagawin yan! Isang kasalanan sa Dyos at sa sarili mo ang sumuko sa buhay!"-sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Eto lang ang tamang paraan maam joana! "

"Maam Joana?"-inulit ko ang pagbigkas nya sa pangalan ko.

Napatigil ako sa paglapit noong narinig nyang tinawag nya ako sa pangalan ko.

Marami syang sinabi sa akin ngunit parang nawala ang aking pandinig sapagkat paulit ulit kong narinig sa kanya ang aking pangalan.

Bakit nya ako kilala? Sino ba tong taong to-nalilito na ako.
-ngunit.....

....Nataohan ako ng hinakbang nya ang isang paa palabas sa eskrima ng gusali. Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit biglaan syang tumalon at nagpahulog.

"Huwa..."-napatigil ako sa pagsasalita at walang nagawa kundi tumingin sa kanyang nahuhulog.

Wasak na wasak ang kanyang katawan habang dahan dahang nagsilapitan ang mga edom at pinapyestahan ang katawan nya.

Nanlamig ako sa aking mga natunghayan. Ang lugar na tila impyerno !

Walang katahimikan! Halos kinuha na lahat ng Erupa ang kung ano man ang nasa isla ng Spratly.

Tama na

Di ko na kaya itong nangyayari sa buhay kong ito.

~~

Ilang oras din akong nakatingin sa ilalim ng gusali kung saan nagpakamatay ang lalaki sabay inisip ang posibleng mangyari sa buhay ko dito sa isla.

"Joana! Anjan ka lang pala"
lumingon ako at nakita ko si noel.

"Noel!-huhu .. nanlomo ako sa mga pangyayari"-umiyak ako at niyakap si Noel sapagkat naramdaman kong wala ng pag asa ang islang ito. Nakakulong na kami sa islang puno ng halimaw.

Tumingin sya sa akin ng nakangiti kahit naramdaman ko sa kanyang mga mata ang sakit at hirap. Talagang matapang sya at pilit nya akong pinatatatag.

"Ang bilis bilis kasi , di ko halos matangap ang nangyari! Bakit ba ang lahat ng tao na palapit na sa akin ay nawawala? May sumpa ba sa pagkatao ko?"-umiiyak na sinabi sa harap ni Noel.

"Ang lahat ng bagay na nangyari ngayon ay may dahilan at alam kong makakaalis din tayo sa bayan nato."-wika ni Noel.Ramdam ko rin sa kanya na magiging totoo ang mga sinabi nya sa akin.

Tahimik at kalmado padin si noel sa kabila ng mga nangyari sa kanya.

"Ano ba ang plano mo?"-di ko na napigilang magtanong sa kanya.

"Ngayong wala na ang mga kapatid ko,wala na akong magagawa kundi sundin ang plano naming umalis sa bayang ito"

"Plano? Sino bang makakatulong sa atin?"

"May mga kakilala kaming mga grupo na tutulong sa atin. Sa ikalimang araw simula ngayon ay pupuntahan  natin yung mga kasamahan na tutulong sa atin. May naghihintay na malaking barko at doon tayo sasakay paalis sa spratly.kaya naman magpahinga na muna tayo at maghanda."

Malalim na ang gabi at nasa ibabaw kami ng gusali , nagpapahinga at nakatitig sa pintoan na konektado sa hagdan pababa ,habang hawak hawak ni noel ang armas para sa proteksyon namin mula sa mga Edom.

Tahimik na ang gabi habang ang tanging ingay na lamang ay ang hangin at mga kaluskus na nagmumula sa ilalim.

Tumingin bigla sakin si Noel na tila may gusto syang ipahayag.di ko masyadong matingnan sya sa mukha sapagkat nakaramdam ako ng hiya.

"Joana? Natatakot kaba?"

"Oo Noel.Takot na takot ako."

"San kaba natatakot sa mga edom o sa mga tao dito na nasa isla?"

"Ano bang ibig mong sabihin?"-nalito ako sa kanyang tanong ng panandalian ngunit naisip kung gusto nyang ipahayag na mas delekado pa ang mga tao kesa sa mga edom.

"May mga espeya na kumakalat sa ating bayan na galing sa ibang bansa."-bulong nya sakin.

"Ha?paano mo nalaman?"

"Yun ang sabisabi ng mga sundalo dito noong di pa bumagyo."-wika ni Noel na nagpalungkot lalo sa kanyang mukha.

"Ha?!Kelan ba bumagyo sa islang ito"

"Ilang buwan na din  ang lumipas , anim o walo ! di ko lang  maalala masyado.
Ang bagyong  yon ay tila sumpa sapagkat  nawalan ng kuryente at Komyonikasyon ang  islang ito.Buti nalang talaga at nainhanda na nila ang isang malaking generator at mga solar."

"Alam ba nilang mangyayari ito?"-Tanong ko kay noel habang iniisip kung ano nga talaga ang mga nangyayari sa islang ito.

"May mga nagsabing plinano ito ng gobyerno! Sapagkat gusto nila mahuli ang mga espeya"

"Ano? Alin yung bagyo?"-nalito ako sa mga sinabi ni Noel kung ano ang tinutukoy nya at tila di sya mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Hindi ang bagyo! Kundi ang sakit!

Sakit na tinatawag nilang erupa."-mangiyakngiyak nyang sinabi.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now