Chapter 1

54 13 0
                                    

Binuksan ko ang ilaw at nagliwanag ang bahay kong kanina'y madilim. Hinubad ko ang sapatos ko at saka sinuot ang house slippers kong ulo ng panda ang design, napapangiti ako pag nakikita ko ito, ganito siguro talaga pag mag-isa ka lang. Actually, sanay na akong mag-isa.

Umupo ako sa couch at nilapag sa tabi ko ang binili kong pizza. Gutom na gutom na ako, hindi ako masyadong nakakain buong araw dahil sa dami ng trabaho kanina.

Binuksan ko ang TV dahil gusto kong manuod habang kumakain kasi masyadong tahimik ang paligid at lalo kong nararamdamang mag-isa lang ako.

Speaking of TV, itong nasa harapan ko ngayon ay napanalunan ko lang sa raffle. Never akong nanalo sa kahit anong klaseng event na may papremyo. Bingo, raffle, etc. Malas talaga ako sa ganon, kaya sobrang gulat ko nung ako yung nabunot. Akalain mo, swerte rin pala ako.

Kukuha pa lang ako ng pizza nang biglang naging black na lang yung nakikita ko sa screen ng TV. Anong nangyare?

Lumapit ako para i-check kung nabunot ba sa outlet pero nung makalapit ako, biglang nagkaroon ng white dots sa screen. Kinilabutan naman ako kasi naisip ko yung sa The Ring na palabas, baka may lumabas na babaeng nakakatakot.

Hinawakan ko naman yung screen, sobrang nagulantang ako dahil pumasok ang kamay ko sa loob TV, sinilip ko naman sa kabilang side kung nandoon ba ang kamay ko, baka butas lang ang screen pero wala, nasa loob talaga ang kamay ko.

Hindi ko alam kung sabog ba ako o sobrang gutom kaya kung anu-ano na ang nakikita ko. Tulog na ba ako? Nananaginip na yata ako.

Hihilahin ko na sana ang kamay ko palayo sa screen pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang force na humahatak sa akin palapit lalo sa TV, bigla namang lumiwanag ang buong paligid.

Pagdilat ko ay nasa loob ako ng isang magandang bahay. Tumalikod naman ako at nakita kong may bukas na TV sa likod ko, hindi naman ako familiar sa palabas. Dito ba ako lumbas?

"Who the hell are you?!" Sigaw ng babaeng gulat na gulat na nakatingin sa akin, may hawak-hawak siyang papel. Mukhang pareho lang kaming nasa mid 20's, maputi, maganda ang kutis, kulay brown ang buhok at halos magkasingtangkad kami, nasa 5'5ft siguro.

"Answer me!" Sigaw ulit niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung totoo ba 'to o panaginip lang ang lahat.

"I'm calling the police!" Sabi niya habang kinukuha ang cellphone niya. Nataranta naman ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala doon. Shit! Nasa bag ko pala!

"Wait!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung nakakaintindi ba siya ng tagalog, sobrang pahirap naman kung hindi.

"Who are you and how did you get here?!" Tanong niya na halatang kinakabahan.

"I'm Venus. I don't know how did I get here. I'm lost." Sagot ko naman sa kanya.

Tiningnan niya naman ako mula ulo haggang paa, medyo nagtagal pa nga siya sa slippers ko. Tumakbo naman siya sa pintuan at chineck kung nakalock ba o hindi.

"Hindi ako magnanakaw 'no." Mahinang sabi ko dahil nakakainsulto yung ginagawa niya. Hindi naman ako masamang tao pero hindi naman niya maiintindihan 'yon.

"Kung hindi ka magnanakaw, ano ka?" Nagulat ako dahil nagtatagalog naman pala siya. Pinahirapan pa niya akong mag english.

"I don't know how to explain this, pero sige eto, nasa bahay lang ako, nanunuod ng TV tapos bigla na lang naging black yung screen at nung lumapit ako nagkaroon ng white dots yung screen. Hinawakan ko yung screen pero tumagos yung kamay ko, sinubukan kong alisin pero hinigop na ako ng TV at pag dilat ko, surprise! Nandito na ako." Kwento ko ng buong pangyayare.

Channel BlackWhere stories live. Discover now