Chapter Three

51 3 0
                                    

Nagtatawanan silang dalawa ng bago niyang kaibigan na si Roel sa labas ng clinic nang lumabas ang Ate Mirre niya at sinabihan siyang pumasok na sa loob dahil may sasabihin ang doktor. Agad naman siyang pumasok sa loob kasama si Roel at agad na hinarap ang doktor.

"Ano pong nangyari sa aso ko, Doc?" tanong niya na medyo may kaba sa dibdib. Baka kasi kung ano na pala ang findings ng doktor kay King.

Ngumiti sa kanya ang doktor na siya namang ikinahinga niya ng maluwag.

"Wala namang serious illness ang alaga mo. Nagkataon lang na may nailunok siyang pako. Kaya ayaw niyang kumain kasi sumasakit iyong tiyan niya gawa noong pakong nailulon niya. Buti na lang at naisuka niya ang pako kaya ngayon nagre-recover na siya."

Halos magtatatalon sa tuwa si Livia nang malamang walang anumang seryosong sakit ang alagang si King at ngayon ay okay na ito.

"Kung ganoon, Doc, pwede na po namin siyang maiuwi?" tanong ni Livia.

Tumango naman ang doktor. Siya naman ay pagkalaki-laki ng ngiting sinundan ang doktor papasok sa laboratory room kung saan natutulog ang aso niya at kinuha ito saka ibinigay sa kanya.

Pagbalik niya sa kung nasaan nandoon si Roel at Ate Mirre niya, nakita niyang may kausap sa phone si Mirre. Hinayaan na lang niya ito, baka tinawagan lang nito ang mommy niya.

Lumapit naman siya kaagad kay Roel.

"Iyan ba ang best friend mo?" tanong nito sa kanya.

"Oo, ito si King. Limang taon ko na siyang alaga. Ang cute niya 'no?" nakangiting sagot niya rito. Tumango naman ang bagong kaibigan sa sinabi niya.

"Ang cute nga niya. Grabe. Ang liit niya. Normal ba itong aso mo ha, Via?" sabi pa nitong parang namamangha hababg hinahaplos ang ulo nito.

Hindi na lang ito sinagot ni Livia at tumawa na lang siya.

"Pero wait... Parang familiar siya eh. Hindi ko lang masyadong matandaan. Basta ang naalala ko may nakita na rin ako dati na kagaya niya. Ah, basta. Limot ko na." dagdag pa nitong sabi habang nag-iisip.

"Baka sa ibang mga kaibigan mo lang. Hindi naman siya nag-iisa sa mundong ibabaw eh." sagot naman ni Livia at tumawa.

Nagkibit-balikat na lang si Roel baka nga naman sa iba niyang mga kaibigan siya nakakita ng ganoon. Pero matagal na panahon na iyon, baka nga patay na iyong asong iyon eh.

Hinarap naman silang dalawa ni Mirre at kinausap si Livia about sa phone call kanina. Iyong Mama niya ang kausap nito, ipinaalam lang daw ni Mirre ang nangyari kay King at masaya ito na hindi malala ang sakit ng alaga.

"Ano, Ling? Tara?" tanong ni Mirre sa kanya.

Bumaling naman siya kay Roel. Gusto pa sana niya itong makasama at makalaro ngunit kailangan na nilang umuwi ng Ate Mirre niya dahil uuwi raw ang mommy niya para sa tanghalian.

"Roel at your service, uuwi na kami. Magkikita na lang tayo ulit. Bye-bye!" sabi niya ng nakangiti at tumatakbo palayo sa kay Roel habang ang kanang kamay ay karga-karga si King at ang kaliwa naman ay kumakaway pa.

Napangiti na lang si Roel at kumaway pabalik. Medyo naalala na niya ang eksenang nakakita siya ng asong kapareha ni King--pero mas accurate pakinggan ang naalala na niya ang eksenang nakita niya si King habang nagbabasketball siya five years ago. Naalala din niya ang batang babae noon, na hindi siya pwedeng magkamali sa hinalang si Via ang batang babae na iyon.

Nakatayo lang si Roel at ngiting-ngiti habang papalayo sina Via sa kinaroroonan niya.

"Livia siya. Olivia si Mama. Ang dalawang Via sa buhay ko." nasambit na lang niya habang naglalakad na papunta sa boxing gym na malapit lang sa clinic.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cruel RoelWhere stories live. Discover now