Chapter One

104 8 7
                                    

Naglalakad ang 7 years old na batang si Livia sa loob ng subdivision at malayu-layo na rin siya sa kinatitirikan ng bahay nila. Hinahanap niya kasi ang aso niyang si King, na isang Teacup Pomeranian. Mahirap hanapin kasi ang liit-liit. Gusto na rin niyang maiyak, dahil kanina pa niya ito hinahanaphanap pero ni ang makarinig ng maliit na kahol galing kay King ay wala siyang marinig. Papalubog na ang araw baka hinahanap na siya ng Mama Jessa niya.

May tumulo namang butil ng luha sa kaliwang mata niya.

Gusto na niyang umuwi dahil pagod na pagod na siya pero si King...

Pinahid niya ang tumulong luha at tumayo ng tuwid at maayos.

"Hindi! Hindi ako susuko! Hahanapin ko si King!" sigaw niya. At nagsimula na nga siyang hanapin ang aso niya.

Kanina kasi, habang naglalaro silang dalawa ni King sa garden ng bahay nila ay bigla na lang itong kumahol-kahol na nakaharap sa may gate nilang medyo nakabukas.

Naisip niyang baka gustong lumabas ni King at maglakad-lakad. Kaya pumasok siya sa loob ng bahay nila para kunin ang leash nito. Pero sa pagbalik niya sa kinaroroonan ng aso niya, nabigla na lang siyang wala na ito roon.

Ilang beses pa niyang tinawag ang alaga sa loob ng bahay nila pero hindi siya nito sinagot ng kahol. Napagpasyahan niyang lumabas baka sakaling hindi pa ito nakakalayo.

Pero hanggang ngayon, malapit ng maghapunan, hindi pa rin niya nakikita si King. Baka gutom na iyon.

Napadaan siya sa isang basketball court sa loob ng subdivision. May nakita siyang isang batang lalaki, na siguro ka-edad lang din niya, na naka-jersey. Halatang naglalaro. Nakaluhod ito at parang may hinahawakan na bagay. Hindi na lang din niya pinansin at dire-diretso na lang siya sa paglalakad, baka mamaya niyan nakalabas na pala ng subdivision si King.

Pero nakarinig siya ng kahol sa kinaroroonan ng lalaki, agad rumehistro sa utak niya ang kahol ni... King!

"Oo! Boses iyon ni King!" agad siyang tumakbo patungo sa court. At nang medyo nakalapit-lapit na siya, tumama nga ang hinala niyang si King ang kumahol.

Akmang tatayo na ang batang lalaki, buhat-buhat si King nang bigla niya itong sinuntok sa mukha. Nabitawan tuloy ng lalaki si King.

"Sino ka para kidnapin ang aso ko ha?!" sigaw niya sa batang lalaking nakahawak pa sa pisngi niyang nasuntok ni Via.

"Hindi ko naman iyan kinidnap! Tsaka ano yan, tao? Para makidnap?!" ganti naman ng lalaki.

"Oh edi, dognap! Dinognap mo siya 'no?! Umamin ka! Ipapakulong talaga kita sa pag dognap ng baby kong si King!!" nagulat naman si Via ng bigla na lang tumawa ang bata. Pinagtatawanan pa siya nito! Sa galit niya dahil pinagtawan siya, sinuntok niya ulit ito sa pisngi.

"Akala mo siguro, ang sakit-sakit mo nang manuntok. Parang kagat nga lang ng langgam eh. Hindi ko dinognap 'yang aso mo," tumawa na naman ito. "Nadatnan ko na lang siya sa paanan ko ng magsho-shoot na sana ako ng bola sa ring. Ang liit niya, buti at hindi ko naapakan. Kunin mo na iyang aso mo, baka tuluyan pa 'yang ma-dognap." tumalikod na ito at tumawa ulit ito ng malakas sabay kuha sa bola niya at naglakad na.

"Cheh!" tanging ganti niya rito.

Kumahol naman ng kumahol si King kaya agad niya itong kinuha sa may paanan niya.

"Kawawa ka naman baby King. Nahulog ka pa tuloy kanina, buti at naka-survive ka, takot ko lang na mabagok ang ulo mo at ma-coma ka. Baka magka-amnesia ka at hindi mo na ako maalala." malungkot niyang sabi sa aso niya at niyakap ito.

Nagsimula na siyang tahakin ang daan pauwi ng bahay nila.

Hindi na talaga niya ito pababayaan ng mag-isa, baka next time tuluyan na ngang ma-dognap si King at ibenta ang laman-loob nito.

---

Hello guys! Chapter one updated! Hindi ko alam kung maganda ba o ano. Pero basta, kayo na ang bahalang mag critique. Maraming salamat po sa inyong nag-aabang sa bawat chapters na gagawin ko. Thank you so much guys! :) Love na love ko talaga kayo! :)

-JreaksLOwl

Teacup Pomeranian

Teacup Pomeranian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Cruel RoelWhere stories live. Discover now