Chapter 4 "Paper Airplane"

370 49 10
                                    

Ang kauna unahan kong naalala nang imulat ko ang mga mata ko mula sa pagkakatulog ay ang pagsapo sa akin ni Ahalki noong muntik na akong masagasaan at mahulog sa sahig.

Kung bakit?  Hindi ko alam.

Kung ano ang kakaibang pakiramdam na ito? Hindi ko rin alam.

Pero may isang bagay ako na tiyak: Nagtatampo ako kay Ahalki!

Sino bang hindi magtatampo sa ikinilos nya kagabi ha?!

"Hello Ahalki! Nakalimang tawag na ako sayo, bat ngayon mo lang sinagot yung phone mo?!" Pasigaw kong pakikipagusap kay Ahalki through c.p kagabi.

"May ginawa lang ako, " parang bored nyang sagot.

"Nakauwi na ako sa bahay. Wag kang mag alala! Safe naman ako at.." patuloy kong pagpapaliwanag.

Nang bigla nya kong banatan ng... "Okay. Goodnight." Then binabaan ako ng tawag.

Binabaan ba naman ako ng cellphone?!

Ako?! Ako na bestfriend nya?!

Hindi naman dun sa binabaan n'ya talaga ako nagalit eh.

Nagalit ako kasi parang wala syang pakielam sa akin . Biruin mo, sa harap n'ya mismo ay may humablot sa akin, sinakay sa motor at dinala kung saan. Tapos, kung makipagusap sya kagabi nung nagpapaliwanag akong safe na ako, parang walang pake.

Eh kung nirape ako or minurder nung gwapong gangster na yun?!

Huh! Grabe talaga!

Samantalang dati, parang praning yung Ahalki na yun pag di ako nagtetext kung nakauwi na ko sa bahay.

A basta! Magkakaalamanan tayo mamaya pag nagkita tayong bakla ka! Hmp!

"Teumae!" My sister is calling me from outside of my room.

Kasalukuyan kasi akong naghahanda sa pagpasok sa school.

"Bakit?!" Pasigaw kong tugon.

"Halika dito!" Utos naman n'ya.

Ano kayang problema?

Dinala ko ang bag ko papalapit kung saan naroon si ate.  Sa tono kasi ng pananalita niya,  parang nase-sense ko na kailangan kong tumakas.

Dali dali akong tumakbo papunta sa garahe kung saan naroroon ang minamahal kong kapatid.

"Bakit po?" magalang kong tanong.

Pero imbes na sumagot ay nameywang lang si ate at tumitig sa alpha wave nya. Hmm?

"Masakit ba beywang mo? May period ka ba ngayon?" Sunud sunod kong tanong. "Aha! Papabili ka nang napkin?! Anong brand? Bulong na may pakpak? Or..."

"May kaibigan ka bang milyonaryo?" Seryosong tanong ni ate.

Ano raw?! Kung meron man edi wow! Saglit. Meron pala. Muntik ko na makalimutan na mayaman si Ahalki.

"What?! Ano bang tanong yan ate? Super out of nowhere," reklamo ko.

"Wala ka ba talagang kaibigan na ubod ng yaman?" Tanong nya pang muli.

Bakit kaya? Mangungutang ba s'ya?

"Bakit ba gustong gusto mong malaman kung meron?" I asked.

"Pakiramdam ko kasi, brand new tong si alpha wave. Kung hindi brand new, parang napalitan ng mga bago parts. Like nagbago ang kadena, humigpit uli ang preno at bago ang exterior ng gulong."

Who am i?Where stories live. Discover now