Chapter 2 "The Guy at 4-C?"

456 54 24
                                    

"Kring kring kring!'

Tumutunog na yung alarm. Kainis. Tinatamad pa kong bumangon.

"Give me five minutes," ungol ko sabay takip sa tenga.

Ayaw tumigil ng alarm kaya sinubukan ko 'tong patayin nang nakapikit ang mata. Pero kahit ano abot ng kamay ko ay hindi ko makapa ang alarm. Nasaan na 'yun?

Napilitan akong idilat ang mabigat na mga mata. Saka ko na-realize na yung alarm na hinahanap ko ay nasa pagmumukha ko na. Ang salarin ay walang iba kung hindi si ate na sinadyang itutok ang alarm sa tenga ko.

"Hindi ka pa ba gigising? Late ka na," reklamo niya sa akin pagkatapos isara ang alarm na hawak nya.

Sinubsob ko ang mukha sa mabangong unan. Kalalaba lang siguro ni mama ng mga pundya. Heaven~ "Malapit lang naman yung school. I wanna sleep more. Leave me alone," walang gana kong sagot sa kaniya.

"Kamusta 'yung motor ko?"

Tinatanong ni ate 'yung motor. Tama 'yung Honda wave ang tinutukoy niya. Ang motor niya ay... ay...

Mabilis akong napabangon, nanlalaki ang mga mata, nakanganga at naninigas sa ibabaw ng aking kama.

"Ba’t ganyan ang reaksyon mo?" Pagtataka ni ate. "Teka, ANONG GINAWA MO SA MOTOR KO?!" sigaw niya na ikinataas ng mga balahibo ko.

"A-Ate, t-tungkol sa motor m-mo. Ano k-kasi.."

Anong gagawin ko?!

Mukhang kailangan ko ng maghukay  sa likod ng bakuran namin.

"Nasira mo?!"she shouted.

Mas mabuti nga sana kung nasira ko lang.

"Humanda ka sakin kapag..." nanggagalaiti niyang sigaw bago tumakbo palabas.

Kahit na lumabas pa siya, hindi niya makikita 'yung motor!

Agad akong tumakbo pababa ng hagdanan habang sumisigaw ng, "Ate magpapaliwanag ako!"

"Hoy Teumae! Aga aga takbo ka ng takbo! Anong oras ka nakauwe kagabi?!" Pagbabawal ni Mama na naaninag ko sa kusina.

Pero hindi ko na siya nagawa pang pansinin kasi nagmamadali akong lumabas sa pinto. Anytime would be  a death sentence for  me.

"Ate, magpapaliwanag ako! Kasi ang totoo nyan, kagabi muntik na kong mamat-"

Oh? Bakit nandito ang motor ni ate?

"Pinalinis mo ba 'to kagabi?"  Pagkamangha niya habang hinihimas ang motor niya.

Hindi flat ang gulong nito at ang kintab kintab pa.

Nagtataka, ay napaturo ako sa motor niya. "Papaanong-" ang nasabi ko nalang.

Paano napunta rito ang motor niya?

"Kaya ka ba nag alala dahil akala mo magagalit ako na di ka nagpaalam na ipapalinis mo 'to?" Sis asked.

Tumingin lang ako sa kaniya at napangiti ng peke.

"On the contrary, nagustuhan ko ang ginawa mo. Dahil diyan, hindi kita isusumbong na madaling araw ka ng nakauwi. Naaninag kita kagabi, pasaway na bata." Pinisil ni ate ang pisngi ko. "Kain na tay-" napahinto siya. "Ay walangya! Naiwan ko ata sa ref yung Cellphone ko!" Agad siyang tumakbo papasok sa bahay.

Pagkaalis niya ay dahan-dahan akong lumapit sa motor.

Isa lang ang naiisip kong posibleng gumawa ng bagay na ito.

Who am i?Where stories live. Discover now