"Sinong tomboy?" Tanong ko.


"Yung asawa ni Achi. Para kasi siyang tomboy eh." Sabi naman niya habang nakakunot ang noo.


'Papaano mo nasabi? Eh ang ganda ganda nga niya eh." Tanong ko.


"I saw her with a girl." Sagot niya.


"So? Kung magkasama kami ni Kas ay tomboy na kami? Hay nku. Kung anu -anong sinasabi mo Jaylord." Sabi ko naman sakanya. 


"Tyaka kung tomboy yun bakit sila kasal ni Achilles?" Tanong naman ni Arkeen.


"I don't know. Pakiramdam ko lang." Kibit balikat na sabi ni Jaylord. "Kayo ba ni Kas ay nagkiss na sa lips mula noong naging magkaibigan kayo?" Tanong saakin ni Jaylord.


"Yuck! Ano kami tomboy?!" Sabay pa naming sabi ni Kasandra.


"Exactly!" He snap his fingers. " I saw her kissing a girl. In the lips." Sabi ulit ni Jaylord.


Gulat na gulat kami sa sinabi niya kaya hindi agad kami nakapagsalita. Anong sinabi niya? Mali ba ang dinig ko? Tomboy sino? Si Jasmine? Papano? Mukha siyang mahinhin, mukha siyang sweet, Palagi nga siyang naka pustura eh. Kaya papaano naging tomboy si Jasmine/ At kung tomboy nga siya ay papano sila nagpakasal ni Achilles?


"Siguro ay nagkamali lang ako sa nakita ko. Hayaan niyo na nga." Sabi ni Jaylord.


Ilang saglit pa ay dumating si Airah.


"Hi, oh buti nagkabati na kayo." Masayang sabi ni Airah.


Tumango naman kami sakanya at ngumiti.


"Ay nga pala, Gusto kang kausapin ni Doctor. Seryoso aa ang pag uusapan niyo kaya pinapatawag ka saakin." Sabi ni nurse Airah.


"Ha? Ah o sige." Sagot ko naman sakanya. "Pakihawak mo muna si baby Arkeen." Iaabot ko na sana si Shiki kay Arkeen ngunit binawalan ako ni Airah.


"Ah ano, isama mo daw si baby Shiki at ng matignan siya ni doctor. Nasa clinic niya siya ngayon. 15 minutes lang naman eh. Tara?" I feel something weird pero benalewala ko nalang ito.


"Sige, magpahinga ka na muna Arkeen. Hintayin mo kami ni baby dito ha?" Nakangiti kong sabi.


"Sure kaba Tasha? Hatid ko na kayo kahit hanggang sa pintuan lang nong office." Nag aalala niyang sabi.


"Hindi na, pahinga ka na lang muna. Mag usap usap na muna kayo diyan. Sandali lang naman ako." Sabi ko naman.


Hindi ko na sila hinintay na sumagot, Niyaya ko na si Airah na magtungo sa office ni doctor cruz.


"Ang cute talaga ni Shiki." Sabi niya habang hinahaplos haplos ang kanyang maliit na pisngi.


'Syempre mana sa mommy." Sagot ko naman habang natawa.


"Pakarga naman." Sabik niyang sabi. Agad ko namang bingay sakanya si Shiki.


Ng makarating kami sa harap ng ofice ni doctor cruz ay hindi ko pa man nabubuksan ang pinto pero bigla na akong nahilo, parang namamanhid ang buong katawan ko at naramdaman ko nalang ang isang mlakig injection na nakaturok sa aking leeg. Blurred na ang aking paningin ngunit nakaya ko pang lingunin si Airah na ngayon ay nakangiti na saakin ng masama, yung parang isang kontrabida sa isang palabas.


Pilit kong inaabot si Shiki sakanya ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko kaya, hilong hilo na ako. Bago ako nawalan ng ulirat ay narinig ko pa siyang nag salita.


"Sleep well Tasha. I'll wake you up later." Mapaglaro niyang sabi. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginawa.


At rinig na rinig ko pa nung sinabi niyang.


"And by the way. I'm the masked girl and I'll kill you all." Sabi niya at pagkatapos non ay nawalan na ako sa ulirat. 


-----


Vote and comment po mga bes! :)

AchillesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ