Chapter -13-

2.4K 60 4
                                    


Chanel's POV

Napabuntong hininga nalang ako habang nakadukdok sa lamesa. Routine ko ngayon?

Eto

👇

Buntong hininga. Iling-iling. Dukdok sa lamesa. Tayo ng ulo.

"HINDEEEE!! MOVE ON CHANEL! MAY BUKAS PA!! " Ah shit.

* Flashback *

O _______ O

"Paano kung sabihin kong...
Gusto na kita?"

"Paano kung sabihin kong... Gusto na kita?"

"Paano kung sabihin kong...
Gusto na kita?"

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yung sinabi niya. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sakanya ng lumayo siya. Pinamulahan ang mga pisngi ko. Bahagya pang nakanganga ang labi ko. Ang epic ng mukha ko, sure ako dyan.

Nakita ko yung mukha niya. Hindi ko maintindihan kung nabigla siya oh ano eh. Basta hindi ko maexplain.

"HAHAHAHAHA! THAT FACE THOU! " Tawa siya ng tawa habang nakahawak pa ang isang kamay niya sa tiyan.

Ano yun? Joke time. Nakaramdam ako ng inis. Tama ba namang pagtripan ako? Aish! Nakakahiya.

Mabulunan sana siya kakatawa. Mawalan ka sana ng hininga. Medyo kumakalma na siya.

"Ha-h-hahah! Whoo. Grabe! Naniwala ka no? Galing kong umarte. Yung mukha mo? Ang epic! Hahahahaha."

"Sige tawa pa. Hindi ako naniwala. Tch."

"Sus. If i know nainvade ko ang puso mo sa loob ng segundo eh."

Kapal = _ =

" Invade your face! Wag mo nga akong pinagtitripan."

Pagkatapos inirapan ko siya.

" Hoy! Baka tumirik mata mo niyan. Saan bahay niyo? Hatid na kita. Baka marape ka pa dyan sisihin pa ako."

"Hinde pwede. Baka magalit parents ko kasi may kasama kong nakahithit ng drugs at makapal ang mukha." Hahaha!

"Sa gwapo kong to? Nakahithit ng drugs at makapal ang mukha? Ikaw yun eh!"

"At hindi lang pala yun. Liliparin rin sila sa hangin na dala mo."

" Ano? May hangin ba ako?"

*Poker-face*

"Bakit?" Nagtaka pa. Shungangers.

"Tumigil narin naman ang ulan kaya dito nalang." Sabi ko.

"Are you sure?"

"Oo."

"Wala man lang thank you dyan at goodbye kiss?" Ano daw?

"Ah. Thank you. Mauna na ako. Ingat."

Umalis narin siya pagkatapos.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Dumudugundong yon. Parang super bass lang.

Pagdating sa bahay, tulog na sila mama at papa. Dalawang oras din pala umulan.

Kumain lang ako at pumasok na sa kwarto para makapagpahinga.

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon