Prologue

9.6K 157 4
                                    

Nandito ako sa may rooftop ng school. Hinaya kasi ako ng boyfriend ko eh. Kanina ko pa nga siya hinihintay eh. May sasabihin kasi siya sakin. Sus if i know may surprise lang yun dahil monthsary namin ngayon.


Makalipas ang limang minuto biglang may kalampag akong narinig. Aysus! Boyfriend ko lang naman pala, teka.. Bakit kasama niya ang bestfriend ko?

Magkasunod silang lumapit sakin. Sa pagkakataong ito nakaramdam na ako ng kaba.


"Chanel" tawag saakin nang boyfriend ko.


Kahit na naguguluhan ako sa mga nangyayari, nagawa ko paring magsalita.


"Zach, bakit ngayon ka lang?"

Tumingin ako sa likod


"At kasama mo pa si Lexi?" Tanong ko pa.


Hindi sila makatingin sakin.


"Chanel, may sasabihin kami sayo." Sabi naman ni lexi.


"Ano ba yun?" Tanong ko.


"We are getting marrired." Walang kagatol-gatol na sabi ni Zach.


Hindi ako makapaniwala. Naguguluhan ako.


"Ano? Bakit?" Umiiyak na tanong ko sakanilang dalawa.


"Dahil hindi naman talaga ikaw ang mahal ko, ginamit lang kita para mapalapit kay lexi." Sabi ni Zach habang diretsong nakatingin sakin. Walang pag-aalinlangan at pagsisi nyang sinabi sakin yun. For almost 2 years ginamit niya lang ako?


Nakita ko naman si lexi na nakasmirk sakin. Ibig bang sabihin nito ginusto nya yon?


"Let's break up Chanel, ikaw lang ang masasaktan pag pinagpatuloy mo pa ito dahil hindi kita mahal. Si lexi ang mahal ko!" Sabi ni Zach sakin.


Gusto ko silang saktan sa katarantaduhang ginawa nila sakin. Subalit hindi ata umaayon ang katawan at puso ko.


Pagkatapos non umalis na si Zach. Kaming dalawa nalang ni Lexi ang natitira.


Tinignan ko siya. Tinignan niya ako habang nakasmirk. Lalo akong nasasaktan. Bestfriend ko siya simula ng mapunta ako sa orphanage, pareho kaming wala ng magulang. Lumaki kami ng sabay. Pinagtatanggol niya ako sa mga batang umaaway sakin. Kaya sobra ko siyang mahal.


"Nakakaawa ka talaga Chanel. Wala ka na ngang magulang pati banaman boyfriend mawawala sayo? Hahaha! Buti nga sayo! Wala nang magmamahal sayo!" Sabi sakin ni Lexi sabay tawa.


"Bakit lexi? Ano bang ginawa ko sayo? Diba magbestfriend tayo? Bakit ka ganito sakin?" Sabi ko habang umiiyak. Okay lang namawalan ako ng boyfriend pero hindi ko yata kakayanin kung pati bestfriend mawawalan ako. Siya nalang ang pamilya ko.


"Dahil inagaw mo sakin ang lahat. Ikaw nalang palagi amg napapansin sa orphanage. Ikaw nalang palagi ang magaling! Kaya ngayon magdusa ka. Ipaparamdam ko sayo lahat ng naramdaman ko." Sabi niya at tuluyan ng umalis.


Bakit? Nagawa akong pagtaksilan ng taong mahal ko at nang tinuturing ko nang kapatid? Makakaya ko ba?
Maya-maya lang nagdilim na ang paningin ko.


****

Married To A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon