SUKA NGA! Pfffft! Hahaha!

Sa sobrang hirap magpigil ng tawa ay tinakpan kong mabuti ang bibig.

"Si Teumae siguro 'yong nakalagay ng suka dito sa ref.  Hay, talaga yung bata na yun!" 

Walangya, ako pa 'tong sinisi.  Siya kaya tong lagay ng lagay ng kung ano ano sa ref!

Minsan nga inutusan nya akong mamili ng bulong na may pakpak(brand ng sanitary napkin). Sa sobrang busy niya sa paglalaro ng mobile legends, imbes na cheese yung ibinalik sa ref, yung pinabili niyang  napkin ang inilagay niya sa loob.

Eh sakto, may bisita kami that time. Pinakuha ni Mama kay Daddy yung cheese sa ref para sa bisita. Si daddy naman, dumampot lang basta basta at hindi tinitigan kung ano yung nadampot nya. Kaya di nya napansin na napkin pala yung nilagay nya sa plato at inihain sa bisita. Tandang tanda ko pa yung nanlalaking mata ng mga bisita namin nung makita yung napkin na katabi ng tinapay. 

"Daddy!" sigaw ni Mama na namumutla na sa hiya.

"Teumae!" sigaw nman ni ate habang bumababa sa hagdanan. "Sabi ko napkin bilhin mo! Hindi Cheese!"

Kung pwede lang sumigaw ngayon na wag na niyang isisi sakin ang mga weirdong bagay na napunta sa ref, sisigawan ko na sya eh. Kaso, kapag nahuli ako, malamang na isusumbong niya ko kina Mama. Baka makalbo ako ng wala sa oras.

Lumipas ang ilang minuto at matagumpay naman akong nakarating sa aking kuwarto. Wala na akong panahon para maghilamos dahil sa sobrang pagod, kaya napahiga na ako sa kama at nakatulog.
 

Kinabukasan.

Nakangiti akong gumising mula sa mahimbing na tulog. Nag-inat sa malambot kong kama at gumilid ng higa.
 
Maling desisyon 'ata na gumising sa oras na 'to.

"Mama! Daddy!" I exclaimed. Agad akong napabangon. Sakto kasing pagtagilid ko ay nakita kong nakatayo sa gilid si mama at si daddy.

"ANONG ORAS KA UMUWE KAGABI?!" sigaw ni Mama,  nakapameywang at nakataas ang kilay. Paktay na.

"ALAS DYIS NA KAMI NAKATULOG. PERO WALA KA PARIN. Ibig sabihin…" sermon naman ni Daddy .

Nang biglang pumasok si ate at sumabat.  "Kasama ko sya kagabi Mama, Daddy. Kaya wag nyo na syang pagalitan."

Teka, pinag tatakpan ako ni ate? Bakit?! Natutuwa ako na kinakabahan sa nangyayari.

"Talaga?" di pa makapaniwalang tanong nila Mama kay ate. 

"Opo, mama, daddy. Kailan ba ako nagsinungaling?" dagdag pa ni Ate na pakiramdam ko ay tinutubuan ng sungay sa panahong ito.

"Osige. Pero sa susunod, wag mo nang idadamay ang kapatid mo kung saan saan. High school student palang sya kaya naman..." pagsesermon pa sana ni Mama na agad kong pinutol.

"Opo! Promise promise promise!" I said, with matching taas ng kaliwang kamay at hawak naman sa dibdib gamit ang kanang kamay.

"O sya, bumangon ka na at kumain. Hayy, tambak na naman yung labada! kasi naman…" tuloy tuloy na dakdak ni Mama papaalis ng kwarto. 

"Kumain ka na at gumayak para hindi ka malate sa school," pahabol naman ni Daddy sabay ngumiti at umalis narin.

Pagkaalis nila ay siningkitan ko ng mata si ate. "Ate, umamin ka nga. Anong kapalit ng pagtulong mo sakin huh?"

She gasped. May patakip takip pa sa bibig na nalalaman. "Omg, pano mo nalaman na may kapalit 'to?"

"Kitang kita ko ang sungay mo kanina. Ano bang kapalit ang gusto mo?"

Who am i?Where stories live. Discover now