T O X I C II

1.5K 46 4
                                    

[ T O X I C  II ]

"Umiiyak ka nanaman?" Hindi ko mapigilang tanong sa isang dalaga na nasa baitang ika-sampu. Hindi niya ako sinagot bagkus ay tiningnan niya ako sa mata nang napakalungkot.

Nang makita ko ang tubig doon ay hinagod ko ang kaniyang likod. Hindi ko akalain na ang mga mata ay minsan ding may sariling ekspresyon. Iyong damdamin na maaring magpakita ng puro at totoong nararamdaman.

"L-Lunod na lunod na ako. . ." Pumipiyok na kaniyang bigkas. Hindi man niya sabihin ang mga katagang iyan ay nararamdaman ko na, na iyon ang binibigkas nang kaniyang mga mata.

"Bakit hindi mo iahon ang iyong sarili?" Balik na tanong ko sa kaniya, ngumingiti para gumaan ang kaniyang pakiramdam, kahit hindi ko alam kung makakatulong ba o hindi.

Wala akong natanggap na sagot sa aking tanong. Nagpatuloy ang mahihinang hikbi niya. Ang nanginginig niyang katawan ay sadyang nagpapakita kung gaano siyang apektado at nasasaktan.

"Hija. . ." Marahang banggit ko. "Matuto kang magpahinga kapag pagod ka na." Sinserong bigkas ko. Nakuha ko ang kaniyang pansin. Patuloy ang pagpatak ng tubig sa kaniyang mga mata.

"Ang bigat bigat po sa damdamin. Parang napakadaming bagay po ang nakaatang sa akin." Sambit niya habang humihikbi. Hindi ako nagsalita at marahan na lamang siyang inalo.

Maya-maya ay dumating na iyong kaibigan niyang babae na mayroong mga ngiti sa labi. Nag-alala agad ito dahil sa kaniyang kaibigan. Hinayaan ko siyang alalayan ito upang makatungo na sila sa kanilang silid.

Noong maka-alis sila ay napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na bago sa akin ang makitang ganiyan ang mga kabataang narito sa ampunan kung aking tawagin. Hindi naman ito literal na ampunan. Isa itong boarding house, kung saan naninirahan ang apat na estudyante.

Ang kaisyahan nila ay minsan may malalim na pinaghuhugutan, minsan may mababaw na dahilan. Ang mga malulungkot na bahagi ng buhay nilang apat ay akin nang nasaksihan ang ilan. Umiyak dahil naloko ng lalaki, umiyak dahil sa maliit na tampuhan ng kaibigan, umiyak dahil pakiramdam nila nag-iisa na sila sa mundong ito, sanay na ako. . . Samu't saring mga kwento, pero iisa ang pinupunto.

"Everything in this world is a cliché, but experience makes it something unique." Minsan ng sinabi sa akin ng isang tao iyan. At pakiramdam ko ay sasang-ayon ako sa kaniya.

Maya maya pa ay umakyat ako sa itaas upang silipin ang ginagawa noong apat. Ang dalawa ay natutulog na at ang isa ay tahimik na malungkot sa isang tabi habang bukas ang kaniyang libro sa unahan. Napatingin ako sa kaniyang kasama. Pinagmamasdan niya ang kaibigan na tila ba kahati na niya ito sa sakit na nararamdaman.

"Ginawa ko naman ang lahat bakit kulang pa din?" Mahinang maktol nito sa kaibigan. "Ang hirap hirap nang huminga, sakal na sakal na ako, lunod na lunod na ako. Bakit laging ganito?" Emosyonal na dugtong pa niya.

Pinakinggan lamang siya ng kaniyang kaibigan. Hinayaang maglabas ng sama ng loob, at hinayaang makatulog dahil sa matinding iniinda. Palihim na lamang ako napabuga ng hininga at saka dumiretso sa aking silid upang magpahinga.

Kinabukasan ay matamlay pa din siya, kahit pinapasaya siya noong tatlo niyang kaibigan ay hindi gumagana. Matapos din nilang mag-almusal ay nag-paalam silang lahat sa akin at saka tuluyang umalis.

Tiningnan ko ang mga kwarto nila, maayos ang mga iyon. Responsable sila at marurunong sa buhay, kahit pa minsan minsan ay nawawala sa landas, nakakabalik din naman.

Patuloy ang takbo ng araw nila ganoon nang ganoon, parang silang plaka na paulit-ulit, parang nakasulat na sa isang libro ang mga nakatakda nilang gawin. Masaya man ang isa, malungkot naman ang iba at magbabaliktad iyon. Para akong nanunuod nang walang tigil na pareparehas na agos ng buhay.

ToxicWhere stories live. Discover now