CEO57 - Change of Hearts

Start from the beginning
                                    

Tumango ako habang pinoproseso ang mga sinabi ni Wendy.

"Ciara already accepted her fate. Na walang lalaking magmamahal sa kanya nang lubos. May mga naging karelasyon din kasi si Ciara na sineryoso nya pero sa huli katawan nya lang din ang habol at ang masaklap pa ay pinagkakalat pa ang nakaraan nya. Nakakaawa nga ang babaeng yun pero ayaw nya na kinaaawaan sya. Tristan on the other hand loved her so much. Baliw na baliw si Tristan kay Ciara. Isa din yun sa reason kung bakit ginawa ko ang lahat para mapalapit kay Tristan noon. Ayoko na mabaliw sya kay Ciara dahil ang totoo walang pakialam si Ciara sa kanya. Ciara is friendly pero hanggang doon lang yun. When we finished middle school at nagkaroon ng magandang opportunity si Ciara para mangibang bansa ay agad nyang tinanggap ang offer sa kanya na magtrabaho bilang isang model sa isang sikat na magazine. Wala na kaming naging balita sa kanya after that."

"How about Tristan?" Usisa ko.

"Nong umalis si Ciara nagbago na lang bigla si Tristan. He came back to his normal self. Inisip nga namin noon na baka nagayuma si Tristan kaya ganon kabaliw kay Ciara. But as years passed naging maganda naman ang epekto ng pag-alis ni Ciara. Not until now." Alam ko na ang tinutukoy nya.

"Ano bang meron kay Ciara?" Naiinis kong tanong. "He invited her to my birthday tomorrow."

Natawa lang si Wendy.

"Walang meron kay Ciara, babae. The question is anong nangyayari kay Tristan kapag nandyan si Ciara?"

Pareho kaming natahimik ni Wendy.

"Dapat ko na bang kausapin si Tristan?" I asked.

Sinimangutan lang nman ako ni Wendy saka bumalik sa dati nyang pwesto.

Hindi ko alam ang gagawin ko. May fiancé pa ba ako na papakasalan two months from now?

Tanging buntong hininga lang ang naitugon ko sa sarili.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Birthday Party..

Maraming bisita ang dumating katulad ng inaasahan ko pero isang tao lang ang hinahanap ng mga mata ko. Si Ciara..

Nasa tabi ko lang si Tristan at mula kanina na mag-start ang party ay hindi nya binibitiwan ang kamay ko. Namamawis na nga eh.

Gusto kong isipin na totoo ang ginagawa nya pero natatakot ako na baka bigla na naman syang magbago pagnakita nya si Ciara.

"Hon, is there something wrong?"

Napatingin ako kay Tristan.

"Mahigpit kasi ang hawak mo sa kamay ko." Aniya.

Agad ko namang niluwagan ang pagkakahawak sa kamay nya.

"I'm sorry.." Saad ko. "Baka kasi bigla ka na lang mawala eh." I kidded kahit na yun naman talaga ang gusto kong sabihin kanina pa.

Natatawa naman nya akong hinapit sa bewang at pinaglapit ang aming mga noo.

"Hindi ako mawawala, hon. Never.. So don't be afraid." Aniya. He kissed my forehead.

Napapikit na lang ako at nagdasal na totoo ang sinasabi nya.

Sana nga hindi ka mawala sa akin.. Tristan. Hindi ko kaya.

"Hello there, lovebirds!"

Sabay kaming napatingin ni Tristan sa nagsalita. Nabuhay na naman ang takot ko nang makita si Ciara.

She's really a goddess. Napakaganda nya sa suot nyang sexy black pleated long gown na lantad ang likod at hanggang hita ang slit. Nakakaakit ang ganda nya.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now