Wizard's Tale 3: Chapter 13

Start from the beginning
                                    


Madali kaming nagpunta sa kwarto ni Yana nang malaman naming gising na siya. Hinintay muna namin na makasama niya ang mga magulang niya, at pagkatapos nito ay pinayagan na rin kaming bisitahin siya.

Nang pumasok kami, nasalubong pa namin ang Hari at Reyna. We all bowed at them, but I kept my head lower. Nahihiya akong harapin sila after all I've done to their daughter.

Nang kami-kami na lang, tumuloy na kami sa mismong kwarto ni Yana at nakaupo na siya sa higaan niya. Si Master Lorcan ang kausap niya ngayon.

"Ayos na po ako, Lolo Lorcan! Ako pa!" She's already smiling. Laughing. I'm glad she's fine.

Pero bukod kay Master Lorcan, naririto na rin si Prince Rouel. Mukhang bantay-sarado ng Prinsipe ng Glaciever ang Prinsesa. Nang makita niya ako, agad siyang tumabi kay Yana at naupo sa dulong parte ng kama. May hindi ako gusto sa tingin niya, lalo na sa ipinapakita niyang pagiging malapit niya kay Yana.

"Prinsesa, Prinsesa, Prinsesa, Prinsesa, Prinsesa, Prinsesa—" Salitan na bati nina Vander at Lala. Pero wala pa nga silang ibang nasasabi, agad silang sinaway ni Prince Rouel.

"Kayong dalawang Garden Gnome, 'wag niyong masyadong kukulitin ang Prinsesa dahil kagagaling niya lang."

Nagkatinginan sina Vander at Lala, "Opo, pasensya na po."

Nang si Sylfer naman ang sumubok na lumapit kay Yana, "How are you doing my dearest lovely Princess Lo—"

"Isa ka pa, Sylfer!"

"What? Wala pa nga akong nasasabi?"

"You already said a lot. Subukan mong mangulit at ako mismo ang kakaladkad sayo palabas." Nagaya na lang din tuloy ng reaksyon si Sylfer sa dalawang Gnomes na napagalitan kanina.

And I hate how he acts over-protective about Yana. But I'm doing my best to calm myself and remain quiet.

"Ano ka ba naman?! 'Wag ka ngang masyadong masungit. Ayos na ako..."

"Baka nakakalimutan mo, I'm still in charge to look after you."

"That was two years ago."

"Effective until now."

Then they engaged on a staring contest. Napamura naman ako sa isip ko. I missed something the past two years na wala ako rito. And thinking about it makes me sick jealous! Mas matagal na ang pinagsamahan nina Yana at Prince Rouel compared sa pinagsamahan namin. Halos wala pa ngang isang taon 'yung sa amin!

"Mahal na Prinsesa..." Nakalapit naman si Kerria nang hindi siya pinagagalitan ng Lux Prince. "Mabuti po at walang malalang nangyari sa inyo."

"Kaya nga ako nagsanay noon, 'di ba? Para kapag dumating ang ganung pagkakataon, maipagtatanggol ko ang sarili ko. Salamat sayo Kerria kasi nasabihan mo agad si Rouel."

Rouel... she called him just by his name tapos wala man lang violent reaction dun ang Prinsipe. Stay calm, Brylle Zaffiro. I. Must. Stay. Calm.

"Mabuti na nga lang at nakasunod din sa inyo nun si Vander. Siya ang nagbalik ng Lux Amulet sa palasyo. Pagkatapos nun, naghanda na agad ang lahat papunta sa Atreria para iligtas ka."

Sa pinag-uusapan nila, they are missing one important detail. Na AKO ang kumidnap kay Yana at nagdala sa kanya sa Atreria. Na kaya sila nagkagulo ay dahil sa akin. Pero hindi na nila inungkat pa 'yun. Walang may gustong sisihin ako dahil wala naman daw ako sa tamang pag-iisip nun. Pero nakaka-guilty pa rin.

But looking at Yana from afar, knowing that I haven't lost her, it makes my heart beats fast. Everything is fine now. Everything will be alright.

"Master Brylle!" Biglang nangibabaw ang boses ni Vander. At sa pagtawag niya sa pangalan ko, nabaling ang atensyon ng lahat sa akin. "Lumapit ka na rito, Master! 'Wag ka nang mahiya!" Pero mas lalo yata akong nahiya sa ginawa niya.

Parang instant din na nabigyan ako ng daan para makalapit kay Yana. Humakbang na ako palapit sa kanila at ngayon ay kaharap ko na ang babaeng pinakamamahal ko... na nasaktan ko rin.

Nang magtama ang mga mata namin, "Hi!" She smiled at me, at mas nagkaka-urge tuloy akong yakapin na siya. But not yet. "So... may Master ka na pala, Vander? Kailan pa?"

Nagtaka kaming lahat sa bigla niyang itinanong.

"Prinsesa Yana... bakit... bakit... bakit ganyan ang tanong mo?"

"Eh paano, kinidnap lang ako sandali ng mga Hollowick tapos nagkaroon ka na agad ng Master!" tapos tumingin siya sa akin. "Ano nga palang pangalan mo?"

Natulala na lang ako at nanlamig ang buong katawan ko. Gusto kong tanungin kung nagbibiro lang ba siya pero natuyo na ang lalamunan ko.

"Prinsesa, siya po si Brylle Zaffiro."

"Ow! Nice meeting you, Brylle Zaffiro. Kahit parang sirang plaka at makulit 'yang si Vander, alam kong magiging mabuting Elemental Guardian mo siya. Alagaan mo siyang mabuti!"

Mas lumaki na ang pagtataka ng lahat. Mas kinabahan na rin ako. This is not what I think it is! No! It can't be!

"Mahal na Prinsesa, hindi mo ba naalala si Brylle Zaffiro?" tanong sa kanya ni Prince Rouel.

"Bakit? Nagkakilala na ba kami noon?" Napaisip si Yana sandali at saka ako tiningnan uli. Kinikilala niya ako pero, "Nagkakilala na ba tayo? Ngayon pa lang naman tayo nagkita, di ba?"

Everyone was speechless. I felt numb.

What is wrong with her? Could it be that the poison she took out of my body affected her too?

Ngayon, ako naman ang nakalimutan ni Yana.


Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now