Wizard's Tale 3: Chapter 13

Start from the beginning
                                    

"Mukha mo, Zaffiro!" Inis naman na sagot niya sa akin. Minsan ko lang makita na totoong bad trip siya. 'Yun ay kapag, "Panalo ka na naman! Hindi na ako nanalo sayo! Malas!"

"B+ ka pa rin ba?"

"Yep."

"Katatapos lang ng Ranking Quest ngayong taon, 'di ba?"

"Oo. Si Sir Riego ang nanalo this year at Class A na siya ngayon. Hindi ako sumali dahil ang tagal mong nagbalik."

Hanggang ngayon pala, hindi pa rin nagbabago ang main goal niya. Ang gusto niya lang ay ang talunin ako.

"Ano ba naman kayong dalawa?!" pasigaw naman na sumingit si Vander. "Sa tuwing bagong pagkikita niyo, lagi kayong nag-aaway! Akala ko magpapatayan na kayo tapos kung makapag-usap kayo ngayon, parang walang nangyari!"

"Hindi ka pa nasanay sa aming dalawa, bulinggit!"

"Master Brylle oh! 'Yan na ang tinatawag saakin ng lalaking 'yan! Ayaw na ayaw na ayaw ko pa naman ng bulinggit!"

"Bulinggit ka naman talaga. Ilang dangkal ka ba?"

"Ikaw! Rararawr!" Napikon na si Vander kaya hindi ko na siya napigilan pa. Kinalmot, kinurot at sinabunutan niya si Sylfer.

"Nice one bulinggit, ang laking damage ng ginagawa mo. Free facial massage ba 'yan?"

"Ah ganun?" Vander grinned because he just found a weak spot. He poked Sylfer's eyes. Kitang-kita ko naman na nasaktan na talaga si Sylfer sa ginawa ng Garden Gnome ko. Tulad pa rin sila ng dati. I'm glad na walang masyadong nagbago sa pagkawala ko ng dalawang taon.

"Brylle!" Boses naman ng babae ang narinig ko—si Kerria. Haharapin ko na sana siya pero dinamba na niya ako. "At last, you're really back! Pinag-alala mo ako!" She's still a hugger.

At napangiti na lang din ako. Actually nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari noong makita nila ang likod ko. "I'm sorry I attacked you."

"I know what happened to you. Wala ka sa matinong kaisipan nun kaya pinapatawad na kita!" Galak na galak niyang sinabi. "Isa pa, masaya ako na naibalik mo ng maayos si Prinsesa Yana."

I'm thankful for her too dahil isa siyang matapat na kaibigan at alam kong nabantayan niya ng maigi si Yana habang wala ako.

"Siya nga pala, bakit sugatan ka? Hindi ka pa ba nagagamot nang manggaling kayo sa Atreria?"

"Hindi. 'Yung mokong na si Sylfer kasi." Tiningnan namin ang direksyon ni Sylfer na nakikipagbunong-braso pa rin ngayon kay Vander. "Sinalubong niya ako agad ng away kanina."

"Loko talaga 'yun!"

"Kamusta na nga pala ang Prinsesa? Nagkamalay na ba siya?"

"Last time I checked, sina King Hollace, Queen Alisia at ang Headmaster ang nagbabantay sa kanya. Pinaiwan ko si Lala sa labas ng kwarto kung may bagong balita."

And speaking of her Elemental Guardian, biglang nangibabaw ang matinis na boses ni Lavender. "Master Kerria, Master Kerria, Master Kerria!"

"Oy bulinggit, tumigil ka na. Nandyan na ang girlfriend mo..."

"Hindi ko siya girlfriend! Rararawr!"

"At hindi ko rin 'yan boyfriend!"

"Lala, anong ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko, maghintay ka ng balita tungkol sa Prinsesa?"

"May dala na nga po akong balita! Sa wakas, gising na ang Prinsesa!"


* * *

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now