Wizard's Tale 3: Chapter 13

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Kaleel! Habulin niyo si Kaleel!" Ayaw pa ring tumigil ni Myera.

"Tumahimik ka!" Tinira ni Night ang sarili niyang kapatid para matahimik ito. At sa isang kumpas ng kanyang kamay, the rest of the crowd stopped making noise. "Let them be! Nalalapit na rin ang katapusan ng buong angkan nila. And when that time comes, you can all kill at will!"

To be honest, I'm afraid of their dark plans. But I'm glad I'm back to myself. Dahil ngayong matutuloy na ang digmaan, lalaban ako para sa mga dapat kong ipagtanggol. Lalaban ako para sa White Light Clan at para kay Yana.


* * *


We went back to the Land of Lux at the Auserwalt Palace. At mahigpit ang naging pagsalubong sa akin dahil malaking gulo ang nagawa ko. Ako ang nagdala sa Prinsesa patungong Atreria at naglagay sa kanya sa matinding panganib.

But they only had me for interrogation. I'm even surprised that they didn't locked me up. And after making sure that I'm no longer under Myera's curse, they announced that I no longer pose a threat. Pinagbigyan nila ako dahil iniligtas ko raw ang Prinsesa. But the fact that I already have a background in Dark Sorcery, I knew that my stay here won't be as peaceful as before.

Ngayon, naghihintay at nakikibalita na lang ako sa sitwasyon ni Yana. Narito ako sa labas ng palasyo, but I'm standing at a spot where I can see her room.

"Master Brylle!" Isang maliit at matinis na boses ang tumawag sa akin. Yumuko ako para tingnan siya at mukha siyang sanggol na nagpipigil umiyak. "Master, naaalala niyo na po ba ako?

"Vander... ang nag-iisang Elemental Guardian ko."

"Uwaaaaah!" Napatalon siya sa sobrang saya at yumakap siya sa leeg ko. "Master ko, Master ko, Master ko! Sa wakas nagbalik ka na. Akala ko ipinagpalit mo na talaga ako dun sa ipis na kasama mo!"

"Vander, gagamba si Gorum."

"Mas mukha talaga siyang ipis!"

Natatawa ako na naiiyak din sa muli naming pagkikita. Well technically, nagkita na kami noon pero ngayon ko na lang kasi siya naalala. "Na-miss kita, Vander. Patawarin mo sana ako..."

"Brylle Zaffiro?" We heard another voice. Pero nang alamin namin kung sino siya, "Fyerie Fury!" Tinira niya ako ng fire spell.

Mabuti na nga lang at nasalag ko ang atake niya. "Sylfer?"

"Buhay ka nga!" Sinigawan niya ako at muling inatake.

Ibinaba ko si Vander para makapagtago siya. Seryoso kasi si Sylfer sa pag-atake sa akin at ang mas ikinagulat ko pa, he's using his Drachen Sword against me. Sunud-sunod siya sa pag-atake, walang tigil hanggang sa matamaan na ako.

"Walang hiya ka, Zaffiro! Pinahirapan mo si Princess Love!" Gigil at galit niyang sinabi."Igneus Pfeile!"

Nasunog naman ang suot kong damit dahil sa ginawa niya. Pero ang nakapagpainit ng ulo ko, "You are still calling her that..."

"Of course, she's my Princess Love! Flatus Mico!"

That's it! Hindi na lang ako basta iiwas at sasalag sa mga atake niya. When he slashed his Drachen Sword against me, I went to his side and took a tight grip on its handle, then threw it away. When we're both unarmed, I gave him what he wanted. We fought until one of us wins.

"Master Brylle at bayolenteng Sylfer! Tapos na ba kayong maglaban?"

"Yeah! You can come out now, Vander," sabi ko habang humihingal sa katatapos lang namin na laban. "Ang laki na ng ipinagbago ng lakas mo, Sylfer."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon