"Where do you want to eat later, Creep?" tanong nito nang hindi man lang ako nililingon.

"Paano mo naman nalaman na ako 'to?" tanong ko bago naupo sa tabi niya.

Nagkibit-balikat lang si Jahann sa akin. Kinuha ko nalang din ang phone ko at tinignan ang mga messages ko.

May tatlong galing kay Ian.

Ian:

Good morning.

Are you free today?

If I don't receive any message from you, that means you like me...

Hindi ko napigilang matawa. May pagka-baliw din si Ian minsan.

Nagtype nalang din ako ng message para isend sa kanya.

Good morning, too. Nope, I'm not free. Mahal ako.

Agad ko namang isinend sa kanya iyon at wala pang isang minute ay nakareceive na ako ng reply mula rito.

Ian:

Oo nga. Mahal ka. Mahal kita.

"What the..." kinagat ko ang labi ko bago pa man ako makapagmura ng diretso.

"What's wrong?" agad na tanong ni Jahann sa akin. Umiling naman ako at ibinalik na ang phone ko sa may bag ko. Nauna namang bumaba si Aly kaysa kay Mom at Dad kaya ganoon nalang ang pagkakaproud nito sa sarili.

Papasakay na kami sa sasakyan ni Jahann nang magsalita si Mommy.

"Aly, dito ka sumakay para malaman ko ang details ng party niyo at ang mga kailangan..."

Tumango naman si Aly at lumapit sa sasakyan ni Dad.

"Jahann, drive safely, alright?" paalala ni Dad kay Jahann bago ito sumakay ng sasakyan nito.

"Drive safely, Jahann..." pang-aasar ko dito bago pumasok sa sasakyan.

Binuksan nito ang pinto at tinignan ako. "Kailan ba kita pinabayaan, Creep?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako at saka umiling. "Never pa naman," sagot ko sa kanya.

"You're safe with me..." ngumiti si Jahann bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang naman kami habang nasa daan at sinusundan ang sasakyan ni Dad. Hindi ko mapigilang matawa.

"Nababaliw ka na naman..." komento ni Jahann na sa daan nakatingin.

"Naiisip ko lang kasi si Dad. I am sure, ang ingay ni Aly at ni Mommy..." natatawa ko pa ring sabi. "But he loves Mom so much. Ang cute talaga nilang dalawa, no?" sabi ko kay Jahann. "Gusto ko talaga kapag nag-asawa ako, katulad ni Daddy. Sobrang nakikita ko na mahal na mahal niya si Mommy, eh..."

Hindi naman ako kinibo ni Jahann kaya nanahimik nalang din ako hanggang sa makarating kami sa simbahan. Nakahawak sa may siko ko si Jahann habang naglalakad kami upang makaupo. Nas may kaliwa ko siya habang si Aly ang nasa kanan. Katabi nito si Mommy at katabi naman ni Mommy si Daddy.

Tahimik lang ang lahat habang nagmimisa.

Napalingon ako kay Jahann nang biglang magring ang phone nito.

"Turn that off, Jahann..." mahinang sabi ni Daddy dito.

Nakita ko naman ang pangalan ng tumatawag dito.

Iris.

"Sorry, Dad..." hinging-paumanghin ni Jahann bago pinatay ang phone nito.

"Who's that?" bulong naman sa akin ni Aly. "Iris..." mahinang sabi ko sa kanya. Lumawak ang pagkakangiti ni Aly dahil sa sinabi ko.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon