"Bes, nariyan na naman si Cruel Roel." bulong ni Franchesca sa matalik na kaibigan niyang si Livia at yumuko.
Naglalakad sila sa hallway at papunta na sila sa cafeteria, galing kasi sila sa major class nila. Iyon nga madadatnan na naman nila ang gagong si Roel Royce Andromeda na naninigarilyo.
Eh kasi nga putangina kaya nagagawang magyosi sa loob ng university.
"Vi, ayan na. Madadaanan na natin siya. Kilala mo naman siya, kahit ang dumaan lang sa harap niya ay hindi niya sinasanto." nanginginig na sabi nito.
Napabuntong hininga na lang si Livia. Naging biktima na rin kasi ang kaibigan niya sa kagaguhan ng putang si Roel. Nasagi lang nito ang balikat ng lalaki dahil sa pagmamadali, ipinahiya na nito ang kaibigan niya sa harap ng maraming tao. Hinubad pa nito rito ang eyeglasses na suot nito at inapakan. Napakabastos talaga. Napabili pa tuloy ng bagong eyeglasses ang kaibigan niya. Kaya parang na-trauma na rin si Franchesca.
"Don't worry Fran. Hindi niya tayo aanuhin. Subukan lang niya, matitikman niya kung ano ang mga inaral ko sa boxing." oo, nag-aaral siya ng boxing dahil iyon ang gusto niyang pang self-defense kung saka-sakaling magka-problema. Pero nasa plano na rin niyang mag-aral ng mix martial arts simula noong makilala niya si Roel, kailangan na niyang gamitin sa lalaki ang lahat ng self-defense technique, dahil demonyo ito.
Luckily. Nakalagpas naman sila ng maayos sa kinatatayuan ni Roel.
"Livia." or not.
Tinawag siya ng demonyong si Roel. Hindi ganoon kalakas ang boses nito pero may diin.
Nilingon naman niya ito. Magkakaroon na naman yata sila ng bangayan session na dalawa. Ilang beses na ba niya itong nakaaway? Ah, hindi niya alam at hindi na niya maalala.
"Bakit?" lumapit siya sa lalaki. Hindi naman siya natatakot dito at malakas ang loob niyang harapin ito. Hindi rin naman siya sinasaktan physically. Pero kung mangyari man iyon, sisiguraduhin niyang kahit lalamunan nito ay may latay.
"Vi." tawag ni Fran sa kanya. Halatang natatakot ito para sa kanya. Minsan naiinis din si Livia sa kay Fran dahil hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili nito. Hanggang iyak lang ang kaya nitong gawin.
Hindi na lang niya pinansin ang kaibigan.
Nang makalapit na siya sa lalaki ay bigla na lang itong may inihagis sa kanyang isang box.
"Ano ito?" takang tanong naman ni Via. Isa itong box na halatang isang regalo ang laman.
He gestured her to open the box and so she did.
She looked very surprised at what she saw. Ang bagay na matagal na niyang gusto makuha. A pair of boxing gloves. May nakasulat namang pangalan ng gym sa gloves.
Knock Boxing and Fitness Gym
"I am ordering you to have a match with me tonight. Kung sino ang matalo sa loob ng anim na rounds ay may dare. Dare that one of us will do until death."
Napanganga siya. Hindi siya makapaniwala.
Tumalikod na si Roel.
"Knock out." Narinig niya mula sa lalaki habang nakatalikod at nagsimula na ring maglakad.
Alam niyang napaka-unfair ng laban dahil babae siya at alam niya kung hanggang saan lang ang kaya ng isang babaeng amateur boxer. Pero kumpleto naman siya sa ensayo. Kailangan niyang magpakampante.
Pero kung papalarin man siya at siya ang manalo, may nakahanda na siyang dare para rito, ang magpakatino ito at ang mahalin siya nito... ulit.
---
Whew! First ever story! Hindi ko alam kung magiging successful ba ang takbo ng story na ito. Pero sana, sana matapos ko ito. Please kahit pito lang followers ko, sana may magbasa nitong gawa ko. Umaasa akong mapapabilang ito sa mga recommended ni Wattpad. Hohoho!
Eurekaa, ikaw ang dahilan kung bakit ako na-inspire. Haha! Alam kong feeling close ako, pero hayaan na natin. Salamat at napukaw mo ang aking imahinasyon.
Thank you! To God be the glory! God bless!
-JreaksLOwl
YOU ARE READING
Cruel Roel
Short StoryMasungit, arogante, gago, mapanghusga sa kapwa, halos lahat na siguro ng masasamang salita ay nababagay kay Roel Royce Andromeda. Ipinapahiya ang gusto niyang ipahiya, nambubugbog, nang-iinsulto, nananakot. Siya ang taong walang mararating sa buhay...
