Chapter Fifty Three

563 14 4
                                    

"Aiden! This is not the right time to joke! Gagaling si Jace!" iritableng sagot nito.

Imbis na sagutin ay niyakap ko na lang aking asawa at unti-unting bumibigay ang sarili ko.

Ramdam kong pinipilit ng asawa ko na makawala sa pagkakayakap ko. Sa amin dalawa ay pinipilit kong magpakatatag para sa anak namin but this time ay natalo ako. Hindi ko na kayang magkunwari pa. Hindi ko na kaya magbalat-kayo na kaya ko pa.

"Aiden tell me you're joking right?! Tell me, nag-jojoke ka lang. Ang totoong sinabi sayo ng doktor ay magaling na siya." nakangiting sagot nito.

Sana nga...

Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim. Unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib ko. "Sana nga baby ganun ang sinabi sakin pero doktor na ang nagsabi na ilan buwan na lang ang i---"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang malakas na sampal mula sa asawa ko.

"Hindi mamatay si Jace! Malakas ang anak ko!" patakbo itong tumalikod samin at agad ko siyang hinabol.

Agad niyang minaneho ang kotse ko at patakbo ko siyang pinigilan ngunit mas lalo pa niyang pinaharurot para hindi ako makahabol. Dali-dali akong tumakbo sa loob at agad na kinuha ang phone ko at hiniram ang susi ng kotse ni papa.

Ring lang ng ring ang phone niya at walang balak na sagutin. Hindi ko na mapigilan mag-alala lalung lalo na buntis pa ang asawa ko.

"Come on, answer me." Paulit-ulit na bulong ko. Walang anu-ano'y nakarating na ako sa ospital. Patakbo akong umakyat at pumasok sa loob.

Doon ko siya naabutan yakap-yakap ang anak ko habang mahimbing na natutulog. Doon ako nakaramdam ng matinding awa sa asawa ko. Unti-unti akong lumalapit sa kanila at agad na niyakap.

"Noong nagkahiwalay tayo ng ilan taon, wala akong ibang inisip kung paano dumating ang time na magkita tayo? Kung paano dumating ang time na magkita kayong dalawa?" panimula niya.

Tahimik lamang akong nakikinig at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanila.
Ramdam ko ang pagkakatulo ng luha niya sa braso ko at nagpatuloy pa siyang magsalita.
"Jace is the most precious gift you give to me. Ilan taon kong tinago siya sayo and I admit that I've been a selfish mother. Ni kahit isa ay hindi siya nagtanong sakin kung sino ang kanyang ama but deep inside he has so many questions. Lahat ng mga pangagailangan niya ay binibigay ko but I know na may iba pa siyang hinahanap. Then one day, he was very happy. Doon niya naikwento sakin about the guy that he met and gave him a toy."

"Kitang kita ko sa mga mata niya ang sobrang saya. Ibang saya na higit pa sa binibigay ko sa kanya. Ayun pala, ay nakilala ka na niya." Muling yumugyog ang mga balikat ko. Tandang-tanda ko yun araw na yun. Ibang saya din ang nararamdaman ko nun nakilala at nagkasama kami.

"Yeah, that was a great time. Hindi ko aakalain na mangyayari iyon." mahinang sabi ko at agad na pinunas ng kamay ko ang mga luhang lumabas sa mata ko.

Maya-maya ay biglang nagising si Jace at halatang pagod. "Mom, Dad you're both here." matamlay na sagot nito.

"Yes, baby. Kami ang magbabantay sayo." nakangiting sagot ni Lana.

"Really?!" manghang tanong nito.

Pareho kaming tumango at ngumiti. Bakas sa mukha niya ang sobrang saya pero kitang kita sa kanya na sobrang pagod na din siya. "Mom, Dad I want to go home. I want to see them." mahinang sabi ni Jace.

Agad kaming tumingin sa isa't isa ni Lana at humarap kay Jace. Tila nababasa namin sa isa't isa ang naiisip namin.

Maya't maya ay kinausap namin ang doktor kung pwedeng sa mansyon na lang ipagpatuloy ang treatment ni Jace. Agad naman na pumayag ang doktor sa kahilingan namin at agad niyang pinadala ang ilan magagaling na nurses para asikasuhin ang anak ko. May ilan papeles din kaming pinirmahan at ilan araw lang ay makakauwi na din ang anak ko.

Agad akong bumalik sa kwarto kung saan ko naabutan ang mag-ina na masayang nag-uusap habang kinakausap ni Jace ang kapatid niya.

"Baby, take care of mommy and daddy. I'll promise na magpapagaling si kuya and you promise also that you strong at hindi sakitin. I love you." mahinang bulong nito sabay halik sa tyan ng mama niya. Maya-maya ay napangiti si Lana.

We spent so many hours hanggang sa nakatulog na ulit ang anak ko. Maya-maya ay pinagpahinga ko na din si Lana dahil bawal din siyang mapagod dahil sa kumplikado ang pagbubuntis niya.

********

"Welcome home, Jace!" sabay-sabay na bati samin ng mga bisita sa mansyon. Andoon din sina mom and dad pati na din sina Jin at Abbie. Sa pamilya ni Lana ay present din sina Trish at Kyle.

Abot tenga ang ngiti ng anak ko sa mga nakita niya. Naka-upo siya sa wheelchair na prinovide ng doktor. Maya-maya ay dahan-dahan siyang tumayo at isa-isang hinalikan ang mga bisita.

First time lang makikita nina mom and dad ang asawa't anak ko. "You're so handsome. I'm your handsome lolo. Hehehehe." natatawang sabi ni dad.

"Wow! I have three lolos! Nice to meet you, lolo." sagot niya.

Ilan oras pa silang nagkwentuhan at gumawa pa sila ng sarili nilang fistbump. Maya-maya ay lumapit sa kanila si Lana. Agad na nagustuhan siyang nina dad and mom. May mga ilan topics pa silang napag-usapan bago sila magpaalam.

"It's nice meeting you all but I need to go back in Australia to do some important matters. Thank you for the time." paalam ni dad.

"It's nice meeting you, too. Take care of yourself." sagot naman ni papa, Lana's dad.

Agad siyang nagpaalam and he do a fistbump with Jace again.

Maya-maya ay nagpaalam si Lana sa lahat para makapagpahinga na si Jace at ngumiti naman ang lahat.

"You did a great job, son." puri ni mom sakin. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.

"Thanks mom."

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niyo ngayon. Pareho kayong magpakatatag ni Lana para sa apo ko. Hindi kayo pababayaan ng Diyos, anak."

Tungo lamang ang sinagot ko hanggang sa may narinig kaming sigaw mula sa kwarto kung nasaan ang mag-ina ko.

"Jace!!!"

Agad akong umakyat at pumasok sa loob. Agad din silang sumunod sakin. Naabutan kong pilit na ginigising ni Lana ang anak ko. Eto na ba yun?!

Patakbo akong lumapit sa kanila at agad na binuhat si Jace pahiga sa kama. Maya-maya ay agad siyang inasikaso ng nurse na kasama namin. Pero hindi nagtagal ay agad ko siyang binuhat at lumabas ng kwarto. Agad na sumunod si Lana sakin. Agad kong sinakay sa kotse ang anak ko habang kasunod si Lana.

"Aiden!!!"

Napalingon ako at nakita kong si Lana nahihirapan tumayo. Hanggang sa napatingin ako sa binti niya na may umaagos na dugo. Shit!

Agad ko din binuhat ang asawa ko at pinasakay sa kotse. Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko hanggang sa nakarating kami ng ospital. Agad kong binuhat ang anak ko at inalalayan siya ng nurse. Sunod naman ang asawa ko. Maya-maya ay dumating sina mama at ilan pang bisita.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napahilamos na lang ako sa sarili ko. Puro sipa at suntok sa pader ang ginawa ko. Wala akong pakialam kung masaktan ako ngayon. Ang gusto ko lamang ay parehong mabuhay ang tatlong tao malapit sa puso ko.


To be continued...

Namiss kong mag-update! Hehehehe...Sorry kung natagalan. Inatake na naman kasi ng katamaran ee.

Sa mga naghihintay (meron pa ba?) Sana mag-enjoy kayo.

^_^v

The Princess is Lost Again?! Now What?!Where stories live. Discover now