Chapter Thirty

675 18 0
                                    

Aiden

Kinabukasan ay nagtungo kami ni Lana sa bahay nina Abbie. Kabisado ko pa ang daan nito kahit ilan taon na ang lumipas. I'm very thankful to Lana for the understanding. Akala ko nun una ay magiging cause nito ng pag-aaway namin dalawa dahil alam niya na may past kami ni Abbie.

Hindi naman kami nahirapan hanapin ang bahay niya though may mga pagbabgo. Ang dating simpleng puti na kulay nito ay naging color blue. Naging moderno na din ang ayos nito na siyang bumagay sa kulay ng bahay. Maluwag ang labas ng bahay nina Abbie dahil mahilig sa bulaklak at pagtatanim ang mama niya.

"Tao po!" sigaw ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad papasok. Hanggang sa may lumabas na isang dalaga na kasing-edad lang namin.

"Si Abbie?" tanong ko.

"Wala siya. Sino kayo?" tanong niya.

"I'm Aiden and she's Lana. Mga kaibigan niya kami." sagot ko.

"Halika, pasok kayo sa loob. Tatawagin ko lang si mama." sagot nito. Sabay aya samin sa loob. Madami na din ang nabago sa loob ng bahay. Kung dati ay halos walang laman ang bahay nito ngayon ay meron na. Katas nito ang pagtatrabaho ni Abbie sa Korea habang nag-aaral nun mga panahon na kami pa.

Maya-maya ay may lumabas na isang ginang na kaedaran ng mama ni Abbie at malaki din ang pagkakahawig nito. Ngayon ko lamang sila nakita.

"Good afternoon, ako po si Aiden at siya naman po ang girlfriend kong si Lana. Mga kaibigan po kami ni Abbie." pagpapakilala ko.

"Ako naman si Yumi, ang tita niya at siya naman ang anak kong si Gina." sagot naman nito at ngumiti samin. Maya-maya ay dumating si Gina na may dala-dalang tray at binigyan kami ng dalawang baso na laman ay juice.

"Nasaan po pala si Abbie?" tanong ni Lana.

"Nasa hospital siya. Hindi niyo ba alam?" tanong nito samin. Hospital? Pareho kaming napatingin ni Lana sa isa't isa. Nun mga nakaraan araw ay nakausap ko pa siya at parang wala naman sakit.

Mukhang nahalata naman iyon ng tita ni Abbie. "Mukhang wala kayong alam. Nasa hospital ang kapatid kong si Alejandra mga ilan araw na ang nakakaraan. Napag-alaman ng mga doctor na may brain cancer ang kapatid ko. Kaya ang pamangkin kong si Abbie ang hands on sa pagbabantay sa hospital."

Hindi kami umimik ni Lana at tahimik lamang na nakikinig. Maya-maya ang pinsan naman niya ang nagsalita.

"Hindi iniinda ng pinsan ko ang sobrang pagod at puyat. Minsan ay niyaya ko siyang umuwi para makapagpahinga. Pero ayaw niyang umalis at gusto niyang kasama niya lagi ang mama niya. Alam kong ayaw niya ipakita samin na nanghihina siya at nasasktan. Gusto niyang ipakita na malakas siya sa harap namin. Minsan nga ay sinabihan ko siyang pumasok siya sa school at ako naman ang magbabantay pero mas pinipili niyang samahan ang kanyang mama sa hospital imbis na pumasok sa school." pagtatapos nito.

Abbie needs a companion ayun ang  tingin ko. Kahit na may past kami ay ako ay isa sa mga taong naging part ng buhay niya. But how? Maya-maya ay naramdaman kong humigpit ng hawak si Lana.

"Are you okay? Is there any problem?" tanong nito. Ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya para hindi siya mag-alala. Pareho kaming napalingon ng biglang dumating si Abbie.

"Anong ginagawa niyo dito?! Bakit niyo pinapasok itong mga toh?!" galit na galit ito. Halata sa mga mata niya ang pagod.

"Abbie, we take here for the visit. Ilan araw ka nang di pumapasok kaya napagpasyahan namin na pumunta dito." kalmado kong sagot.

"Wala akong pakialam! Lumayas na kayo! Layas!" galit na sigaw nito sabay lapit samin. Pinagtutulukan niya kami palabas ng pinto. Ako naman ay todo harang para hindi masaktan si Lana.

The Princess is Lost Again?! Now What?!Where stories live. Discover now