Episode 10: Chem Laboratory

168 6 0
                                    

Angel's POV

Every Monday nga pala ang Chem Lab namin. Dala dala ko yung mga gamit ko na pinamili namin ni Dylan sa National Book Store (NBS).  Ay oo nga pala.. Nasa kanya pa nga pala yung mga ibang gamit namin. Hmmm.. kunin ko na lang mamaya.

Nasa ground floor ang Chem Lab namin. Meron kaming activities where we'll be using Litmus Paper to determine if yung mga objects na ibibgay sa amin ni Mrs. Abocado ay acid or base. Binigyan niya kami ng calamansi, chalk, baking soda, vinegar, yoghurt, saka toothpaste.

"Class, before we proceed with our experiment, kindly bring out an index card (½) and put your name and section on it. Then after, please get 3 pcs of bond paper and a pencil and eraser." instructed by Mrs. Abocado

Biglang nag punta si Dylan sa tabi ko at nakipag palit kay Stella upang tabihan ako. Nagulat na lamang ako at biglang naghiyawan ang mga classmates at biglang nag init ang mukha ko sa hiya. "Hoy tingnan mo mukha mo pulang pula.. HAHAHAHAH" panunukso ni Shirin sa akin.

"Dre ambilis mo ahhh talagang nilapitan mo si Angel para lang tabihan!" tukso ni Von. "Kasi share kami sa gamit na pinamili namin nung Saturday. Ang hirap naman kung ipapa abot ko pa or baka si Angel pa lumapit sa akin.. edi napaka ungentleman ko nun.." sagot ni Dylan at sabay ngiti. At mas lalong nag ingay ang mga classmates namin sa kilig at pati itong si Mrs Abocado ay di malaman kung saan susuksok sa kilig.

"OH EM JII!! Angel!! Aba! Lumabas pala kayo ni Dylan ng di ka nagsasabi sa amin. Nagdate kayo at wala kang kinukwento sa amin.. aba! magaling!" pang aasar lalo ni Stella "Hoy magkwento ka" sabi naman ni Cristina.

Mas lalong tumindi pamumula ng pisngi ko sa hiya!!! "Guys di kami nag date, okay? It's so happened na nagkasalubong kami ni Dylan sa NBS kaya nagsabay na kami sa pagbili.. And para tipid hati na kami sa mga gamit.." paliwanag ko na ayaw naman nilang paniwalaan

"1-1 na sila ni Kammille!" habol pa ni Justin. Speaking of Kammille.. Napatingin ako kay Kammille at hindi siya nakiki-join.. Parang nakasimangot nga siya ng mga time na yon. Naku po! baka gusto niya si Dylan at baka akalain niya may gusto din ako kay Dylan.. OH NOOOO!!!

Nawala ang ingay ng mga classmates namin ng inawat na sila ni Mrs. Abocado. Nanatili naman kaming magkatabi at naging magkapartner ni Dylan sa pag eexperiment hanggang sa matapos ang subject namin na yun.

"Class.. that will be your  permanent place and partner hanggang sa mag end ang school year natin okay? Paki lagay sa index card ang kapartner niyo then paki staple na lang ang mga index cards at mga bond papers na result ng mga experiments niyo." sabi ni Mrs. Abocado.

Nagulat ako ng marinig yun. So meaning,, PARTNER KO SI DYLAN HANGGANG SA MATAPOS ANG SCHOOL YEAR??? Inabutan ako ng kamay ni Dylan at sinabi niyang.. "Partner??" Nakipag kamay naman ako sa kanya and I nodded to confirm of partnership during our Chem Lab.

At natatawa na lang ako dahil parang papparazi etong mga classmates namin na bantay ang bawat galaw naming dalawa. Though di naman na talaga bago ang pagtukso sa amin dahil since freshmen kami ganyan na talaga sila.. Yun lang.. mas lumaaaalaaaaaa..

I have to be sport... di ako napipikon, natatawa na lang talaga ako.. pero ngayon nagwoworry ako kay Kammille. Baka kasi gusto talaga niya si Dylan.. Hmmm.. Magiging observant na lang muna ako..

Mathematical Formula of LoveWhere stories live. Discover now