Episode 9: Angelique Tan

195 6 0
                                    


Dylan's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dylan's POV

Nakauwi na kami sa bahay ni Stacey, Kinabahan ako, akala ko magdadaldal ang kapatid kong to buti nakuha sa suhol. "Kuya di ba siya yung picture na nasa room mo?" tanong ni Stacey. "Yup siya nga, akala ko idadaldal mo eh kundi lagot ka sa akin." bully ko sa kapatid ko. "Kuya mas maganda pa siya sa personal noh? Nung nagpaulan yata si Lord ng kaputian mukhang sinalo lahat ni Ate Angel ah!" biro ng kapatid ko.

Oo para siyang si Snow White, pinaglihi yata sa snow. Nahihiya nga ako pag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.. kaya lang di ko mapigilan eh. Kahit alam kong hanggang tingin lang ako sa kanya. Madami siyang fan-based sa school. Bakit nga naman hindi? Maganda siya, matalino, may talent din sa pagkanta, charming, cool, God-fearing at top player ng table tennis ng school namin. Tapos lahat yata ng tao kaibigan niya. Lahat binabati. Kinikilig ako kapag tinutukso kami ng mga kaklase namin. Pero need ko pigilan kasi naman baka kapag nalaman niyang gusto ko siya baka iwasan niya ako. Kasi gaya niya studies top priorities namin. Para na din sa future namin. (Ang kapal ko..)

Iniisip ko lang paano pag may naglakas loob ng magsabi sa kanya na gusto siya? Hanggang tingin pa din ba ako? Sa recitation nasasabi ko ang mga sagot, pero ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko masabi. Dinadaga ang puso pagdating kay Angel.

Magkakapuwang ba ang isang tulad ko sa katulad niyang hindi ko maabot? Nahihiya akong i-add siya sa facebook, kunin ang number niya.. walang nakakaalam kahit ang mga kaibigan tungkol sa feelings ko para kay Angel.

Maraming salamat Lord dahil masaya akong nakita ko si Angel kanina sa NBS. Nagkaroon kami ng quality time kahit ako lang nag iisip non. Kabado nga ako kung ano ang gagawin ko kanina kaharap pa ang pamilya niya.

Nagsimula itong nararamdaman ko nung 1st-year high school kami. Nung pinahiram niya ako ng ballpen during our quiz in Math. Nagkaroon ako ng chance mapagmasdan ang mukha niya sa malapitan. Yung killer smile niyang tumatagos sa aking puso. Hayyss.. ang ganda niya..

At tama kayo.. It's been 3 years.. 3 years ng madiscover kong gusto ko siya. 3 years na nakatago sa puso ko at di ko man lang masabi sa kanya ang nararamdaman ko.. Weakpoint ko ang ngiti niya. Natutunaw ako..

At ang picture niya sa kwarto ko? Profile pic niya sa facebook yun.. na hindi ko man lang ma-add.. Bakit ganito ako.. Mahina ako pagdating sa kanya.. Mahina ako..   

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Mathematical Formula of LoveWhere stories live. Discover now