#12 : It's My Turn to give Comfort

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang matapos kong lagyan ng gamot ang sugat ay nilagyan ko na ito ng band aid. Now, he really looks like a dumbass gangster but in a hot and gorgeous way. Shet, ang gwapo niya pala talaga. Masama nga lang siya.

Bigla naman siyang tumayo at tinalikuran ako. Thank you would be enough right? But he's a devil, why would he even bother to say thank you? Psh. Tumayo naman ako at hindi na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Who's Trixie?"

Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad kaya tinakbo ko siya at hinarap. Nagulat naman ako nung nakita ko ang mga mata niya. It's not full of anger but sadness. Malungkot siya ngayon at ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

Niyakap niya naman ako habang binaon ang ulo sa leeg ko. I can feel his warm breath in my neck. I can also smell his strawberry mint perfume. Hindi ko alam pero parang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa pagyakap niya.

"The last time I hugged you, you needed my comfort. Now, can you be my comfort?" sabi niya. Bigla namang nanghina ang mga tuhod ko. Parang any minute ay matutumba na ako dahil bigla itong na manhid. Hindi ako makapaniwala na ang isang Tyler Montereal ay hihingi sa akin ng ganitong favor.

Dahan dahan ko namang nilagay ang mga kamay ko sa kanyang likod at niyakap na din siya. He needs me. Kahit na galit at inis kami sa isa't isa hindi ko alam kung bakit ganito na lang kami ka komportable kapag malungkot kaming dalawa.

"I'm here for you." sabi ko.

We stayed like that for 5 mintues now at walang umiimik sa amin. Tyler is just hugging me without saying a word at ganun din ako. This is not an awkward silence. I can feel safety in his arms right now. Hindi ko nga masasabi kung nacocomfort ko siya at hindi ako ang kinocomfort niya.

***

It's sunday night at andito ako ngayon sa kotse ni Pierce. Yes, nalaman na nila kung saan nagtatago ang Dark Shadow Light. Ang galing pala ni Nathan magespiya. Nalaman ko rin na Trixie is Tyler's cousin na nag-aaral sa Villarosa University, pagaari ng lider ng grupo. Kinidnap pala nila si Trixie para gawing pa-in para sumuko ang Black Horizon sa posisyon nila bilang ang pinakamakapangyarihang gang sa Underground Society.

"Sigurado ka bang hindi niyo kailangan ang tulong ko?" tanong ko kay Pierce. Umiling naman ito at ngumiti sa akin.

"You'll be safe here, Rien. Mas okay na to." sabi niya.

Tumango naman ako at iniwan na ako ni Pierce. Pinalibutan naman ng Black Horizon ang pinagtataguan nila at pumasok na sa loob. I hope they'll succeed.

Habang nasa loob sila ay ako naman dito ay nagssoundtrip lang. Gosh, ang boring naman dito sa sasakyan. Parang isang oras na din silang nasa loob. Argh. Matagal pa ba.

"Hmmmm! Hmmmmm!"

Napatingin naman ako sa likod ng sasakyan at nakita ko na may isang lalakeng lumabas ,kung saan pumasok sina Tyler, na may kasamang isang babaeng na may panyong nakatali sa bibig. I think the girl is Trixie. Sh*t, itatakas ba nila ulit ang babae?

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon