Chapter 27: Something New

Start from the beginning
                                    

"Insecurity huh?" I ask him back,

"Yup."

"Paano mo nasabi?" Tanong ko dito.

"Because I know. Ganyan din ang nararamdaman ko, everytime I saw you with your girlfriend. Naiinsecure ako. Dahil ang swerte niya, at naging girlfriend ka niya. Nakakababa yun ng pride bilang isang lalaki. Yung tipong tinalo ka pa ng isang tomboy. Pero Rhi. I am telling you. Hindi ako susuko sayo" Rafael said. Sinabi ko na dati na wala siyang pag-asa pero pilit pa din niyang sinisiksik ang sarili niya sa akin, gosh.

Sasagot na sana ako ng biglang may nasalita sa likod ko.

"Well sorry bro. Rhian is mine, and only mine!" Pagkatalikod ko, I saw Glaiza, at mukhang galit na galit.

"Tsk! Anytime soon, Rhian will be MINE! So mag-ingat ka Galura.." He said to her.

"Hindi mangyayari yun!" 

"Well, let see. Rhian, see you soon ok? Soonest I should say. And Glaiza, enjoy while it last. Bye guys" Agad akong hinalikan ni Rafael bago siya umalis sa pwesto namin. Nagulat kami pareho ni Glaiza sa ginawa niya. At dahil dun sa ginawa niyang paghalik sa akin...

Biglang sinuntok ni Glaiza si Rafael!

"Hayop ka! Fiancee ko yan gago!" Glaiza said. Halata dito na gigil na gigil siya.

"Tulad ng sinabi ko sayo dati. Asawa nga naaagaw, fiancee pa kaya?!" Agad nanaman sinuntok ni Glaiza si Rafael, tumayo si Rafael at sinuntok din si Glaiza sa mukha,

At dahil dun hindi na ako nakatiis.

"WILL YOU PLEASE STOP?! KUNG MAGPAPATAYAN KAYO, DUN KAYO SA LABAS NG UNIVERSITY! PARA KAYONG MGA BATA!" Sigaw ko sa kanila, at agad naman silang tumigil,. Buti na lang.

"Ano, lumabas kayo at dun kayo magpatayan! Ano na? Sige na labas!" Dahil na din sa galit ko, talagang pinanindigan ko ang sinabi ko., at para hindi na humaba pa, ako na lang ang umalis.

Agad akong lumabas sa library, at narinig kong tinatawag ako ni Glaiza, hinayaan ko lang siya na sumigaw ng sumigaw. Wala akong oras para makipagtalo sa kanya. Kaya bahala siya sa buhay niya...

GLAIZA'S POV

Simula ng nagising si Solenn dahil bigla siyang nahimatay, ayaw niyang iwan ko siya. Wala namana kong magawa, nastuck ako eh! I don't have a choice. Ilan beses din akong tinawagan ni Rhian, pero hindi ko masagot dahil parang linta tong si Solenn na dikit ng dikit sa akin

Kaninang umaga ay hindi ko din nasundo si Rhian, hindi ko din siya natawagan o text man na hindi ko siya masusundo. Siguro hinintay pa niya ako sa labas ng condo niya at ng marealize niya na hindi ako darating ay siya na mismo ang pumunta dito ng mag-isa.

Pagdating ni Rhian sa classroom namin ay tumingin lang siya sa amin, pinagmasdan ko naman kung paano siya lumayo sa akin.

Hawak hawak ni Solenn ang kamay ko, pilit ko man alisin, pero ang higpit ng pagkahawak niya. Tinext ko si Rhian saglit, pero ang cold ng sagot niya. She's really mad, kaya sabi ko mag-usap kaming mamayang lunch. Dahil for sure mamaya, si Solenn nanaman ang kasama ko.

Nagulat na lang ako at biglang nagpaalam si Rhian na pupunta siya sa clinic. Kinabahan naman ako, dahil baka kung ano ang nangyari sa kanya. Kaya ilang sandali lang sumunod ako sa kanya.

Pagdating ko sa clinic wala akong Rhian na nakita.

"Nurse, pumasok ba si Rhian dito?" I ask the school nurse.

"Naku po Ma'am, wala po eh" nagpasalamat na lang ako at agad na lumabas. Nagtanong na din ako sa mga ilang studyante, buti na lang may nakakita sa kanya, nasa library daw siya. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa ay pinuntahan ko na siya.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now