Chapter 3: Music Room

12.6K 385 9
                                    

RHIAN's POV.

Kasama ko si Bianca sa isang coffee shop kung saan galing sila Glaiza at Chynna, sobra pla talaga silang close. Hindi ko alam kung bakit pinansin ko pa yung nerd na yun eh. Kasi parang namumukhaan ko siya, parang siya yung nakita ko sa bar na nahalikan ko. But napakaimpossible, kasi yung babaeng nakita ko dun, maganda and sexy and hot, tapos siya. Nevermind. I don't want to describe her, magkakasala lang ako.

"So Rhi, bakit asan si Jason?"Tanong sa akin ng bestfriend ko.

" well, may practice daw eh"plain na sagot ko. Hindi ko kasi alam, lately kasi, bihira ko lang kasi siyang makasama eh. Pero I understand, mahirap naman kasi maging Captain, Campus King and a Student. Talagang mahirap yun,

"Btw Rhian, sino yung kausap mo kaninag ewness na nerd?"

"Ah, si Glaiza, kaklase ko, actually transferee siya, and MATALINO, alam mo naman, pwede kong magamit yun, lalo na't lagi akong nag ccut." Well I am planning to use her, para naman tumaas grades ko, pero kapag nakikita ko siya, nanginginig yung tuhod ko, I feel safe whenever she's around. Weird.

"Hay! Ikaw talaga bes. Hindi ka na nadala, hahaha!" Umalis na kami ni Bianca at umuwi na din ako.

Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko yung babaeng nahalikan ko dun sa bar, sana makita ko siya ulit, para naman makapagsorry. Haizt.

I decided to check my social media accounts, naipan ko na din na icheck kung may social media ba si glaiza, and tama nga, WALA. Palibhasa nerd. Well, kailangan ko siyang maging kaibigan, para makabawi, grabe ang dami ko na atang bagsak, and I need to be close to her, kasi kahit bago plang siya, ang dami na niyang alam, at sa EU pa siya galing, talagang matatalino lang at mayayaman lang tulad ko ang nakakapasok sa mga ganun,. Mayaman nga ata tong De Castro na to. Itutuloy ko pa rin yung plano ko, magiging friends kami hanggang matapos ang first sem., well. Sorry na lang siya.

Dahil na din sa ingay ng alarm clock ko, agad na akong bumangon para makaligo at makakain ng breakfast. Pero iniisp ko pa din kung paano ko mauuto yung Glaiza na yun. Mukhang mahirap kasi eh. But I know, kaya ko to. Ako pa ba? Rhian Denise Ramos Howell ata to nuh?!

Agad na akong pumasok sa school at agad kong hinanap si Glaiza, pero I can't find her, siya lang ata ang nakilala kong nerd na hindi pumapasok ng maaga, iba to ah. Bago to. Dahil na rin sa pagod, dumiretso na lang muna ako sa music room, at nadatnan kong may kumakanta. At nakita kong si Glaiza yung kumakanta.

May pag-asa pa ba?

Kung susuko ka na?

Larawan mo ba'y lulukutin ko na?

Sa hirap at ginhawa,

Tayo ay nagsama.

Damdamin mo'y tila'y napagod na

Ikaw at ako ay alaala na lang kung

Susuko ka na....

Grabe ang ganda ng boses niya, at ramdam na ramdam ko yung lungkot niya, ano kaya pinagdadaanan nito? Hindi ko na napigilan at lumapit na ako sa kanya at pumalakpak.

"Magaling ka palang kumanta, De Castro" halata sa kanya na nagulat siya pag labas ko.

"Ah eh, hindi naman, libangan ko lang" sabay pagpunas ng luha niya na kunwari ay nagkakamot siya, halata naman sa kanya eh,.

"So para kanino yung kantang mong yun? Feel na feel mo kasi eh"

"Wala." Plain na sagot, pero halata na tense siya at may pinagdadaanan.

"Teka, bakit ka pla andito? Kumakanta ka din ba? Or marunong ka bang tumugtug?"Tanong niya sa akin.

"Actually, wala akong hilig sa music, gusto ko lang tumabay dito, kasi tahimik, wala kasing masadong pumupunta dito, boring kasi."

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt