LIL: Diana's Revenge

Magsimula sa umpisa
                                    

“Chill ka lang pre. I’m here because I give up.”sabi nya O_O what igigive up nya lang sila Amanda? After 16 years na kasama nya ito?

“What?”tanong ko

“Because I know that Amanda loves you. No wonder kaya may anak kayo.”O_O anak? May anak kami? Edi ba lagi nyang sinasabi na hindi ko anak sila Sean at Shyle?

“Panu mo naman nasabi? Eh lagi nga nyang nilalayo yung kambal sakin?”tanong ko. Gusto ko ng maliwanagan sa lahat ng nangyari before this 16 years. Ano bang nangyari kay Amanda?

“Kasi mas iniisip nya ang kapakanan ng mga anak nya kesa sa sarili nyang kasiyahan dahil pag nalaman mo o napalapit ka sa dalawa gagawa ng paraan si Diana para hadlangan kayo.”sabi nya. Ngayon naintindihan ko na kung bakit panay ang denial nya sakin dahil sa halimaw na si Diana.

“Maraming maraming salamat Raymond!”Sabi ko tapos tumunog yung phone nya .

*ring*

“Wait lang ha sasagutin ko muna to.”sabi nya tapos sinagot na nya yung tawag pero hindi lumayo sakin. Bakit kaya?

“Hello… Ha?! Ano?! Sige pupunta na ako dyan!”sabi ni Raymond sa kausap nya then binaba na nya yung phone. “Sino yun at ano ang problema?” tanong ko agad. Pero nakita ko yung mukha nya na may pag-aalala.

“Kyle si.. Shyle kinuha ni Diana at si Amanda sinundan si Diana.”nanghina ako sa sinabi sakin ni Raymond. Ang taong mahal ko at ang anak ko ay nasa panganib ng dahil sa baliw na Diana na yon! Kailangan ko silang iligtas.

“Tara na!”sabi ko tapos ginamit namin ang kotse ni Raymond at dahil alipores to ni Amanda Beating the red light kami -__- Asahan nyo na yan kapag kasama nyo ang barkada ni Amanda.

Pagkatapos ng sugal buhay na pamamaneho ni Raymond ay nakarating na kami sa bahay nila Amanda at agad pumasok. Nakita namin sila Jane na inaalo si Sean na nakatulala pa rin. At may hawak syang papel.

“Nasaan si Amanda?”tanong agad ni Raymond kay Sean. Iniabot na lamang ni Sean ang isang maliit na papel at agad namang binasa ito ni Raymond.

“Teka diba isang abandoned village yan?”tanong ko  kay Raymond. Tumango na lamang ito tapos tinignan ako.

“Kyle puntahan mo na sila Amanda ako ng bahala kila Sean.”

(3rd Person’s POV)

Habang nag-aayos si Amanda ng kanyang damitan ay biglang may tumawag sa kanya…

*ring*

“Hello”

[Amanda kung gusto mo pang makita ang anak mo pumunta ka sa **** village, wag kang magsasama ng kahit sino kung hindi patay tong babae mong anak.]

“Teka paano ako makakasigurong na sa iyo si Shyle?!”

[Mo….mommy!!! W-ag k-ang p..punta!]

“Anak!”

[Ayan ha kaya pumunta ka na! I will give you only 1 hour para makapunta ka.]

*toottoot*

Sinulat ni Amanda ang address para hindi nya makalimutan, alam na ni Amanda kung sino ang may pakana nito. Alam na nya kung bakit nya ito ginagawa.

Agad pumunta sa lugar na iyon si Amanda, nakita ni Sean ang papel na sinulatan ni Amanda kaya agad nyang pinulot ito para tignan at dahil nga rin sa dumating na si Jane.

“Sean! Si Shyle nawawala.”sabi nito kay Sean.

“Baka naman kung san lang nagpunta iyon, alam mo naman yun broken hearted.”sagot ni Sean kay Jane.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon