LIL: Break Up

4K 59 3
                                    

LIL: Break Up

 >>>Chealsea Rey Sy on the multimedia<<<

 (Gabriel's POV)

Ilang beses na rin ako iniiwas ni Chealsea. Hindi ko naman maintindihan sa kanya kung bakit sya ganun. Alam ko hindi na nya ako mahal pero sana sinabi na lang nya hindi yung pinapamukha nya at pinagmamayabang na ako yung habol ng habol.

Lalo na kagabi ok lang saking mabasa sa ulan basta sya hindi kasi ok lang sakin magkasakit ako sya hindi. Kaya ngayon, mataas ang lagnat ko. 

"Gabriel, ok ka na ba?"tanong sakin ni mommy. "Medyo ayos na po,"sagot ko. Lumabas muna si mommy para magdala ng mainit na sabaw sakin. Medyo ayos na naman ako. 

Gusto ko sanang puntahan si Shyle para magpasalamat sa kanya kasi naintindihan ko na na hindi solusyon ang paggamit ng tao para mahalin ulit ako ni Chealsea. Siguro may purpose nga ata ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. 

"Anak, tignan natin yang temperature mo."sabi sakin ni mommy tapos nilagay sa armpit ko yung thermometer. After ilang minutes *toot* "Ayan bumaba na pala temperature mo, normal na."sabi sakin ni mommy tapos sinubuan ako ng sabaw.

Napag-isipan ko na din na hindi ko na pala mahal si Chealsea awa lang tong nararamdaman ko sa kanya dahil sa pamilya narin nya siguro. Kaya napagdesisyonan ko nna makipagbreak na sa kanya dahil aanhin ko na girlfriend ko sya kung hindi naman nya ako mahal. Siguro nagsawa na sya sakin kasi hindi ko naibibigay ang kanyang pangangailangan.

"Mommy, aalis po ako mamaya."sabi ko kay mommy, at parang nagulat sya. "Anak, sigurado ka ba? Baka mabinat ka." sabi sakin ni mommy tpos inilapag sa divider yung bowl na may sabaw. "Mommy it's ok."sabi ko tapos pumunta na sa cr para maligo.

(Shyle's POV)

"Jane ang tagal naman ng oras."himutok ko kay Jane nakakaantok kasi yung science eh >.< ayoko talaga nito.

"Konting tiis na lang."sabo sakin ni Jane.

"Oy Shyle, meron nga palang try out sa voleyball! Sasali ako gusto mo?"tanong nung isa kong kaklase sakin, si Gael. Voleyball??? Wow! Gusto ko Yun! Varsity nga rin kasi ako nun at ako pa ang captain ball ng voleyball girls ng school ko last year, ayaw pa nga nila akong pa-graduatin non eh.

"Ahh sige, kelan yung try out?"tanong ko. "Sa isang bukas na"sagot sakin nung classmate ko. Ngumiti ako tapos tumango. Humarap ako kay Jane para tanungin kung gusto nyang sumali.

"Jane gusto mong magtry-out sa voleyball?"tanong ko. "Nope, i like badminton, doon ako magta-try-out."sabi nya. Tumango na lang ako kasi parehas pala kaming sporty ^_^ 

(Gabriel's POV)

"Bro, ba't ka absent kanina?"tanong sakin ni France classmate ko sya sa 3 subject ko, medyo close na rin naman kami. "Ah may sakit ako eh."sagot ko. "Bro, merong try-out sa basketball! Try-out tayo."sabi nya tapos umakbay sakin. Di naman ako marunong magbasketball, Voleyball kaya ang sports ko. Captain Ball ako nung high school ako ng voleyball boys.

"Hindi, ayoko kasi voleyball ang sports ko, at hindi ako marunong ng basketball."sabi ko tapos inalis yung akbay nya. Para kasing bakla tong lalaking to. Pati bro ang tawag hindi naman kami magkapatid -__-

Nakita ko si Shyle, kakalabas pa lang ng classroom nya kasama si Jane, agad akong lumapit sa kanila para magsorry sa kanilang dalawa at magpasalamat na din dahil sa lesson na natutunan ko tungkol sa pag-ibig.

"Dba sabi ko sa'yo di ako napayag sa favor mo."bungad agad sakin ni Shyle pero si Jane nakatingin lang skin.

"Ahmm Shyle hindi yun yung pinunta ko dito, gusto ko lang sana magsorry sa'yo pati na rin sa'yo Jane kasi gagamit pa sana ako ng tao para lang sumaya pero nagpapasalamat din naman ako sa inyo kasi natuto ako, marami akong natutunan sa inyo."sabi ko na nakatingin sa mata ni Shyle. Tumingin naman ako kay Jane at ngumiti din sya sakin. Ang saya pala sa pakiramdam nito.

{100 DCWAGP: Book3} Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon