Chapter 48

1M 44.2K 28K
                                    

Sacrifice

Jay-jay's POV

"Anu na? Wala pa rin?" Tanung kay Keifer.

Hindi sumagot ang luko. Ilang araw na ko'ng naghihintay sa plano ni Keifer para mahuli yung salarin.

Kayalang hangang ngayon, Nganga! Naghihintay ako sa wala. Naiinis na ko. Feeling ko hindi na babalik sa dati si Ci-N.

Nabubulok na rin yung pera sa bag ko. Natutukso na nga ako'ng gastusin eh. Kayalang agad pumapasok sa isip ko si Ci.

"Alam mo kung wala ka talaga'ng plano, sabihin mo nalang."

"Tss."

Pisti!

Aanhin ko 'Tss' nya? Buti sana kung may pakinabang yan.

"Naku naman!" Sabi ko at nilayasan sya.

Bumalik ako sa room para tignan si Ci-N. Para'ng lalu sya'ng lumala ngayon. Ayaw na makipag-usap sa iba.

"Jay.. Wala talaga." Sabi sakin ni Eren.

Nanghingi na kasi ako ng tulong sakanila para maibalik si Ci-N sa dati. Kayalang, malapit-lapit na sila'ng sumuko.

Kainis!

Hindi ko kaya'ng maupo lang dito at pagmasdan si Ci-N. Desidido na ko! Gagawin ko na yung una'ng plano ko.

Kinuha ko yung pera sa bag at mabilis na naglakad palabas ng room. Nakita pa ko ni Keifer pero hindi ko na hinintay ang sasabihin nya.

Sa main building ang destinasyon ko. Pero malayo pa nakita ko na yung grupo ni Aries na papunta'ng cafeteria.

Bawal sa Cafeteria ang E!

Baka kung anu'ng iparusa sakin kapag nagpunta ako don. Pero kailangan ko talaga'ng gawin to!

Bahala na si Batman!

Dumiretso na ko sa cafeteria. Pagpasok, agad na tumahimik ang mga tao don. La ko'ng paki sa inyo!

Lumapit ako sa lamesa nila Aries at pare-pareho sila'ng tumigil at tumingin sakin.

"Bawal ang E dito!" Bungad sakin ni Freya.

Pero nakay Mykel ang atensyon ko. Ibinato ko yung kumpol ng pera sa kanya.

"What the----" hindi ko na sya pinatapos.

"Yan ang pera'ng binigay mo dun sa babae!"

"Why are you giving it back to me?" Tanung ni Mykel.

"Baka nakonsensya kaya isinoli na ni Ci-N." Singit naman ni Freya.

"Hindi. Hindi si Ci-N ang nag-nakaw nyan... Ako!"

Aries chuckled. "Trying to be a Hero again for Section E?" He then cross his arm.

"Jay... Wag mong gawin to. Si Ci-N ang tinuturo nung babae." Sabi ni Kiko.

Pati ba naman ikaw?

"Pero hindi nya nakita na kinuha talaga ni Ci-N! Dahil ako kumuha nun at inabot ko kay Ci yung bag! Hindi ko nga lang alam na hindi nya napansin na ako yung nag-abot sa kanya!" Paliwanag ko.

Tanggapin nyo ang explanation ko. Mga pisti kayo!

"Panu mo nalaman na may pera sa bag?" Diretso'ng tanung ni Aries.

Ay shit!

"N-narinig ko'ng pinag-uusapan nila ng boyfriend nya!"

Kaya ko to. Gawa lang ng kwento baka makalusot. Para kay Ci-N!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon