Crazy for you

Magsimula sa umpisa
                                    

"Di ka pa ba tapos? Gusto ko ng umuwi" as usual nakasimangot nanaman sya. Nagugutom na siguro sya. Hinawakan ko sya sa kamay at hinila palabas. Sa tinagal tagal ng pagbuntot ko sa kanya, kilala ko na rin yung mga trip nya at pag ganito ang pagkakasimangot nya, sigurado akong nagugutom na ito. Nakarating kami ng parking lot, pinauna ko muna syang pumasok at umikot naman ako sa driver sit para magmaneho. Dumaan muna kami sa mcdo drive thru para umorder ng fries, medyo adik kasi ang baby girl ko doon eh. Nagpatuloy ako sa pagdrive, after 30 mins ay nakarating na kami sa bahay ng mga tatlonghari, nilingon ko sya at hayun, ang aking prinsesa ay tulog na tulog. Dahan dahan ko syang binuhat, pinapasok naman ako ng katulong nila. Tinanguan naman ako ng daddy ni Karylle ng madaanan ko ito sa sala. nagtanong lang ito ng kaunti at pagkatapos ay pumayag na itong iakyat si Karylle sa kwarto nito. Pagkalapag ko sa kanya ay tinitigan ko muna ito, hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. Hinalikan ko ang kanyang noo, bago tumayo ay may ibinulong muna ako sa kanya

'I Love You, sa lahat ng kalokohan at pagbibiro ko, ito ang nag iisang totoo kaya sana maniwala ka na'

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto nya. Nagpaalam lang ako sa daddy nya. Nagdrive ako pauwi at ng makarating sa bahay ay natulog pa akong may ngiti sa labi. I was not aware na may mangyayaring magpapatigil sa pagkahumaling ko sa kanya. I was really on a hurry dahil kaninang kanina pa talaga ako naiihi. Sakto walang tao. Nang mairaos ko ang tawag ng kalikasan ay lalabas na sana ako. Napahinto ako ng may maringgang naguusap sa labas ng pinto. Nahimigan ko ang boses ng aking baby girl. Napangiti ako, boses pa lang nya ay lumiliwanag na ang paligid ko. Fuck, this is so gay pero bakit ba eh patay na patay naman talaga ako sa kanya. Di ko alam pero nawala ang ngiti ko, something hit my chest, parang bigla akong kinabahan. Pagkatapos ay parang may bumulong sa akin na lumabas na. I was about to follow my instinct to go  outside when i heard them talking about me.

'Girl, ikaw na talaga, ang haba ng hair mo, mukhang maipapasa mo ang initiation ng sorority'

'oo nga, akala ko nga mahihirapan kang paibigin si Mr.  Student Council President. No sweat lang pala sayo yun'

'Effective pala yung pasuplada effect mo girl, magamit nga yan onetime.'

I'm still trying to convince myself na nagbibiruan lang sila ng mga kaibigan nya. Not until I heard her speak and confirm. And I almost died sa mga sinabi nya.

'Sabi ko naman sa inyo eh, kayo lang wala kayong bilib sakin eh.

'oo nga eh, talo tuloy ako. Oh pano saan ka ba namin ililibre?'

'Syempre sa Red Crab para naman kayong bago bago'

Di ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na ako. I saw there faces turns pale upon seeing me. I gave my baby girl a force smile.  Right now, I feel so numb. Blangko ako. I never foresee this heartbreak. Di ko alam kung paano ako magrereact sa mga narinig ko. I just suddenly felt the world has stop moving. Nagsimulang maginit ang mga mata ko at bago pa man tumulo ang mga luha ko ay lumapit na ako sa kanya at nagsalita.

'Vice...'

'Sana sinabi mo na lang na gusto mo ang mga pagkain sa Red Crab, kaya ko namang bilhin para sayo yun eh'

'I'm sorry....'

'Di ka naman dapat magsorry, sana pala  nagseryoso ako at di dinaan sa biro nung sinabi kong I Love You, siguro ok pa tayo ngayon'

I saw her tears fall. Ang gago ko talaga kasi inspite ng ginawa nya sakin ay gusto ko pa syang yakapin at punasan ang mga luha nya. I looked away. Inihakbaog ko ang mga paa ko papalayo sa kanya. I heard her called my name but i don't looked back. Tama nga siguro ang mommy, Ang love parang roses, maganda lang tingnan pero subukan mong hawakan ang tankay, masusugatan ka.

---------

Time flies, months at ngayon nga ay graduation na namin. I saw her kanina kasama ang father nya. Nagkakatinginan pa nga kami pero ako na ang unang nagbawi ng tingin. After the incident ay nagbitaw ako bilang President ng student council. Di ko na alam kung sino ang pumalit sa akin pero malamang sya kasi sya naman ang Vice President. I also shifted to different course. Ok lang kahit ano basta malayo sa kanya. Malayo sa sakit.

"Oi brad, ano? may grad party sa bahay namin, punta ka" si Billy kasama si Nikki. Buti pa ang dalawang to kahit away bati, sila pa rin talaga in the end. Engaged na kasi ang mga to. Inantay lang magraduate bago magpakasal.

"O cge pupunta ako"

"Okay aantayin ka namin dun, and please wag mo kaming indianin" natawa ako. Simula kasi nun, naging routine ko na ang bahay at school, school at bahay. Bihira na akong magsasama sama sa kanila.

"Oo na, promise"

"O cge una na kami ng honey pie ko, bye"

Maglalakad na ako ng may tumawag sa akin. I looked arround para sinohin ang tumawag sakin. When I saw nothing ay naglakad na uli ako.

"Vice..." This time malapit lang yung boses so I turned arround and there she is. Di na ko nagulat ng makita ko sya sa harapan ko. This is not her first attempt to approach me after the incident. Ako lang talaga ang umiiwas. Pero this time, di ako tatalikod, makikinig ako.

"Why..." nagulat pa sya sa tanong ko. Di nya siguro expected yung actions ko ngayon

"Vice, I just want to say..,"

"Kung sasabihin mong sorry, wag na. "

"Di naman yun ang sasabihin ko eh" nagtaka naman ako sinabi nya.

"eh ano pala" tinitigan ko sya. All i see is yung babaeng minahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko sunod sa aking nanay.

"Come back to me" I felt my heart jump out on it's place upon hearing what she said. I smiled kahit nangangatog ang tuhod ko sa saya.

"Bakit ako babalik? Mahal mo na ba ako?" I tried to hide pero kinakabahan ako sa response nya.

"Mahal naman kita noon pa, Late ko lang narealize" A big smile formed on my lips.

"eh ako mahal mo pa ba" she then asked.

"Hindi na" nakita kong namutla ang mukha nya sa sinabi. At bago pa sya himatayin ay yinakap ko na sya at bumulong.

"I don't just love you, I am crazy for you"


























Song: Crazy for you
by Madonna

Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon