"Nakakaloka ka! Alam mo, yang feelings mo, parang almuranas, lumalabas na kaya ka nasasaktan na at pilit mong itanatago pa rin kasi nahihiya kang sabihin!" ----MANANG!!!!

"Iww manang kadiri ka! I cannot overtolerare this conversation!!" Sabi koooooo!

"Bakla ka talaga. O siya, total less ang customers natin at ganun din naman sa kabilang kampo. Magmomodel muna ako sa taas. Mag-grindr ako. More kasing nandito sa Mall." Sabi niya at tumawa ng nakakaloka!

At umalis na siya.

Hmm...

In somehow,
Parang almuranas na nga kaya ang feelings ko?
Errrr.
Kadiri ha.
Perooo..
Ewann!
Hindi ko!

Wala akong nararamdaman para kay Terdy!!
Jowa ko lang siya pero hindi jowang jowa!!
Kung umiyak man ako at nagdrama ng bongga kahapon.
It was just an act of love...

Act daw???
Ewannn!
Hmmm..

Pero basta ang alam ko kasi... Dapat sa akin lang siya, dapat sa akin lang ang atensyon niya. Kahit na alam kong panandalian lang.

Nasaktan ako dahil... Dahil... Dahil...
Hindi ko alam... O alam ko pero ayaw ko lang sabihin.
Hindi naman kasi pwede.
Ilang linggo nalang naman siya sa akin.

Basta dapat... Sa ngayon, sa akin lang dapat siya.
Sa akin lang ang baby boy ko.




***
***Flashback Yesterday Night***

Nandito na kami sa bahay. Pinaghandaan niya ako ng dinner pero hindi ko kinain!
Tinatamad ako no!

Niyakap niya ako sa likuran. Malambing na yakap. Iyong yakap na... Namimiss niya ako. Ganun.

"I love you baby ko. Sorry na po. It was all my fault. Dapat hindi na ako nagtampo sa iyo kaninang umaga. Sorry na." Malambing niyang sabi.

"Inaantok na ako 53. Pagod pa ang katawan at isip ko." Sabi ko at dahan dahan kong inalis pagkakayakap niya sa akin!!!
Dramang scene. Ganun!

"Hindi mo na ba ako mapapatawad talaga?" Tanong niya.

Humarap ako sa kaniya.

"Kung si papa God na marunong magpatawad. Ako pa kaya na tao lang na pinagpalang maganda? Ang awkward lang talaga na nakita ko ang jowanabe ko na nakikipaghalikan sa iba. Sorry ha kung paulit ulit ako, paulit ulit kasing nagpi-play sa utak ko eh. At naiinis lang ako kapag naalala ko. Kaya kung pwede, pagpahingahin mo nalang muna ako. Okay?" Sabi ko.

"Okay po. Sige, tulog na tayo." Sabi niyaaa!!
Pero hindi ko siya pinapasok sa kwarto kooo!!
Ako pa ba?
Its a no no!
The wounds are still fresh!!!
Ganun!

"Hindi ka ulit matutulog na katabi ako. O, hindi kana matutulog ng katabi ako hanggang sa matapos itong kontrata na ito. Boyfriend kita di ba? Pwes, sundin mo kung anong gusto ko. Gusto ko, ako ang masusunod!" Sabi koooo!
I pay for this!
I have the rights!
Ganun!

"Baby ko. Hindi naman pwede ang ganoon. Nandito ako para pasayahin ka, paligayahin ka, mahalin ka----"

"Oo alam ko na iyan. Para ka lang robot na nakaprogram na magmahal. Hindi ka totoo." Sabi ko at... Urrr.
Naiyak ako.
Kawawa naman ako.
Ganito ata ang napapala ng mga desperadang magkajowa magaya ko.

Hinawakan niya ang palad ko kaagad. Gusto niya akong halikan pero... He can't. Hindi ko pa siya nahahalikan simula kanina. At ayaw ko rin no!!!
Nasa labi niya pa ang laway ni Roberta!!! Iwww!!

"Sorry." Sabi niya at yumakap.

Godddd!!
Lumuha ba siya?????

Bigla niya kasi akong niyakap!
Iyong tibok ng puso niya...
Kakaiba, parang... He really means to say sorry.

Perfect Online BoyfriendΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα