Pt. 019

7.6K 257 37
                                    

Pt. 019
[[**Day 06: 9 AM**]]

"Baka kung saan ka na naman magpunta mamaya baby ko." ----Baby boy.
Well, bati na kami ulit kagabi after namin magpillow fight.

Pillow fight??
Charrrot.
Cuddling while talking.
Errr mish neye rew eke eh.
Anubeeee!

"Hindi na. At kung may pupuntahan man ako, sasama na kita para hindi ako malandi ng iba." Sabi kooooo!

Sabi niya pa kagabi, "..sorry na baby ko. I didnt mean it. Its just that---nakakapangselos kasi ang nakita at narinig ko." At pinaliwanag ko sa kaniya ang pagkakaiba ng mga salitang may LANDI na root word!
Wag niya akong nilelecture lecture pagdating sa paglalandi...
Ako pa ba?
Eh nagmasteral ako sa subject nayan!
Aha-ha-ha-ha!!!

Hinawakan niya ang palad ko. "...kita tayo ulit mamaya?" Sabi niya.
Tumango ako.

Lalabas na sana ako ng car niya...
Pero ayaw niya pang bitawan ang palad ko at nagsabing....
"Kiss ko?"

Anubeeeee!
Bakit may pa-kiss request pa.
Nakeeerr.
It cannot.
Baka may makasight.
Errrrrr.

"Ih--kailangan ba talaga?" ---AKO! Nubeeee!!!

"Opo. Please. So I can kiss you all day." Sabi niya.


So may nalaman ako about sa kissing rule keme nayan, sabi kasi ni Mr. Loko basahin ko raw PAKIUSAP. Ganun!!!
Hindi niya ako pwedeng i-kiss hanggat hindi ko siya kini-kiss. At kung i-kiss ko siya, pwede na rin niya ako i-kiss back ng more more more sa buong araw.
It's like... Anubeeee!
Pwede bang siya nalang magkiss agad agad?
Ako talaga mag iinitiate ng kalandian??
Tapos kailangan sa lips pa.
Sabi pa ni jowa kailangan daw 3 seconds!!!
It cannot be!

Pwede niya akong i-kiss kahit hindi ko pa siya kini-kiss sa first and last day.

"Ih... Wit nga keribels magkissing galore. Gora na akis!" Sabi ko!!! Nakakabakla!
He was like ano-raw reaction! Ganun.

"Tagalog baby ko. Kiss mo na ako please? 3 seconds lang." ----SIYA parin!!
Eeerrrr.
Kiss talaga???
Nahihiya ako.

Nahihiya??
Eh ninakawan ko na nga siya ng kisss!!!

"Fine. Pikit ka muna." Sabi ko.

"No. Pipikit ako kapag magdadampi na mga labi natin." Sabi niyaaaa!!

Nakeeer! Kakaloka ang ganitong eksena.



"Hindi ba pwedeng pass muna????" Sabi ko!

"Baby ko, ilang araw na ang nasasayang sa atin at isa pa... Namimiss ko na lasa ng labi mo." Sabi niyaaaa!

Lasa ng labi ko talaga???
Anong lasa?
Sweet ganerrrn?

Napatingin ako sa lips niya.
At ang puso ko, tumutugog tugog talagaaaaa!!!!

Fine.
Let's do this kisss total mapilit naman siya..
Mapilittt???
Deep down inside me, I know naman na bet ko rin.
Chaaaaaaarrrrroooooooooooott!
It cannot be talaga!

"My lips are waiting baby ko." Sabi niya.

Bahala na nga si Darnabels.
Total jowa ko naman siya at we kissed na naman na, umaarte pa ako.

Dahan dahan akong lumalapit sa kaniya.
Its like, nubeee... Kakailang naman na ako pa ang lalapit makiss ko lang siya.

Nakatingin siya sa ganda ko.
Hanggang sa maglapit ang mga mukha namin.
Pagtama ng nose ko sa nose niya, pumikit na ako.
At unti-unti kong naramdaman ang pagdampi ng labi ko sa... Labi niya.

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon