Pt. 012

9.3K 289 65
                                    

Pt. 012

[[***Day 05: 9:30 PM***]]

"Ipagpapatuloy mo pa ba ang pakikipagrelasyon kay Fifty III o----hindi na?" ---MR. LOKO na sadyang nakakaloko talaga!

Akala ko talaga patay na siya kasi simula noong ipinadeliver na niya si Baby boy, nawalan na talaga ako ng balita sa kaniya!!!

Pero sa tuwing naalala ko ang 100k worth of load ng jowa ko... Nakikita kong tuwang tuwa itong si Loko habang naliligo sa perang ay sa akin dapaaaat!!!
Sa akiiiiinnnn!!!!

At---nakerrr itong si baby boy!
Ako talaga nanggigil na talaga ako sa lalaking ito!!!
Pagkakataon ko na para maibalik itong lalaking itoo at makuha ko na ulit ng BUONG BUO ang pera kooooo!!!

Napatingin ako kay Fifty.
Ang gwapo pa rin talaga!
Perooo naiinis ako sa kaniya!
Naiinis akoooo!!

Hindi siya nagsasalita.
Nag-aantay din ng desisyon ko!

"Lilinawan ko lang Mr. Loko, kapag ibinalik ko si Fifty sa inyo as in now na, agad agad ibabalik niyo sa akin ang lahat ng pera ko?????" Sabi ko!!

"Yes, Mr. Huelar." ---MR. LOKO!
I told him, it's Misss not Misterrr!
Grrrrr!
Iumpog ko kaya noo nito sa mesa.

At si Fifty???
Dead pan. Nabasa ko yan sa google, ibig sabihin nyan walang ekspresyon ang mukha!! Hirap basahin, ganun!!
Pero nakatingin talaga siya sa akin.

Nalulungkot ka ba?
Iparamdam mo sa akin!!!
Parang hindi...
Bahala ka nga!
Akala mo siguro, bati pa tayo ha!!!
Pweeee!!

Bleeeh!
Dinilaan ko talaga siya!

At isa pa,
Pinalayas ko kasi siya no, lumayas naman!
Kung hindi ko pa iminissage, hindi pa magrereply kanina!!!

Alam ko, gusto mo rin naman ito!!!

"At kung sasabihin kong, itutuloy ko? Walang back to one day??? Tuloy tuloy ang araw hanggang umabot sa 30 days, so meron nalang akong 25 days na makakasama siya?" Pagdudugtong ko.

"Yes Mr. Huelar." Sagot niya!
Puro mister! Mister!!
Pakita ko kaya sa kaniya hello kitty kong made in thailand.
Chhhhaaarrrooot!
Wala pa ako nun, pero kung makukuha ko ulit ang 100k, magpapakabit ako ng hello kitty at magpapalagay ako ng kerokeropi sa dibdib!!
Bakiit ba?

"Pag-iisipan ko!" Maarte kong sabi.
Kailangan paimportante ako no.

"You don't have much time to think Mr. Huelar. We only have 30 minutes left before 10 PM. Kung hindi ka magdidesisyon before 10, maibabalik na sa iyo lahat ng pera mo at iiwanan ka na naming dalawa ni Fifty III rito... Alone. Hindi ka na namin gagambalahin pa o hindi mo na kami makikita pa sa oras na umalis kami." Sabi niya!!!

Tinthreaten mo ba ang ganda ko??

Pero...
That's it?
Ganun na lang iyon?
Akala ko ba mahal niya ako?
Bakit ayaw niya man lang pilitin ako na ipagpatuloy ang pagmamahalan namin??

Pagmamahalan daw oh?
Grrrr!

Teka nga,
"Anong masasabi mo??" Tanong ko kay baby boy.

Huminga muna siya ng malalim.
Nakerrr.

"Hindi kita pipilitin, total naman ayaw mo naman sa akin 'di ba? Lagi mong ipinamumukha sa akin na binayaran mo lang ako para mahalin ka. Gusto kong malaman mo na, wala akong pakialam sa pera na inilaan mo para sa serbisyong ito. Mahal kita pero hindi ka naniniwala. Kung ano man magiging desisyon mo, rerespetuhin ko... Baby ko." Sabiii niya!

Bakit may baby ko pa?
Inaano mo ako riyan!
So, na-hurts siya sa pagkuda kuda kong binayaran ko lang siya??????
Sinagot sagot niya kaya ako!
Heeeeee!
Hindi mo ako madadala sa baby ko baby ko mo diyan!
Tsaka tigilan mo yan pagpapagwapo effect sa akin!
I am not looking at you anymoreee!!

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon