“You told me you don’t love him. Bakit iba ang naririnig ko sa’yo ngayon?” his voice sounded bitterness and anger.

“Nash, I… I can’t leave him alone.”

“Why? Because you think he needs you? You think he can’t live without you?” Lalo pang naging galit ang itsura ni Nash, habang siya ay pinipilit pigilan ang mapaluha sa harapan nito. “You’re being idealistic Sharlene. Hindi ka si Cinderella at hindi siya ang Prince Charming mo.”

“Tama na Nash. Itigil mo na ‘yan…” humugot siya ng malalim na hininga bago muling mag-salita. “Hindi ko iniisip na ako si Cinderella at si Jairus ang Prince Charming ko. Kung naging kasing-yaman at kasing-impluwensiya ko ba kayo ganyan pa din ba ang iisipin mo? Na ambisyosa ako?”

“I didn’t mean to offend you. I just want you to realize what I’m saying. Hindi ka kasi madaan sa maayos na pag-uusap.” Depensa pa rin nito sa sarili.

“Hindi na ako lumalapit kay Jairus. Huling pag-uusap na din namin ni Paul kanina kaya huwag ka nang mag-alala.” She’s really hurt. She feels insulted from head to toe.

Ambisyosa nga ba siya para isipin na kailangan siya ni Jairus?

Na ayaw nitong lumayo na naman siya?

Na siya nga ang nagpapasaya dito?

O akala lang ni Paul na siya nga ang dahilan ng mga ngiti ni Jairus?

Every word from Nash hits her big time. Na kahit ang sarili niya, inaaming parang may punto nga si Nash sa sinasabi nito.

“Papasok na ako.”

“Shar…sorry.” Sabi nito saka naglakad palayo doon.

Mahirap man isipin, pero alam niyang para pa rin sa kanya ang mga ginagawa nito.

Sana lang malinawan na siya sa mga nangyayari, mahirap kasing manghula.

<Nash’s POV>

He punched the concrete wall with all his might. Wala siyang pakealam kung magka-pasa man ang kamao niya o mag-dugo man iyon sa lakas ng impact. He just have to release all the stress and frustration he’s feeling now.

Napa-takip siya ng palad sa mukha. Hanggang sa mga oars na iyon ay nakikita niya pa rin ang lungkot at sakit sa mga mata ni Sharlene nang sabihin niya dito ang lahat ng masasakit na salitang pwede niyang sabihin para lang lumayo ito kay Jairus. Para lang lumayo ito sa sarili nitong bitag.

“Kung hindi lang ako nag-aalala na baka mabasag ko ‘yang mukha mo, baka nasapak na kita ngayon.”

Napalingon siya sa nagsalita. It’s Paul. Alam na nito ang ginagawa niyang pagpapalayo kay Sharlene. Hindi ito sang-ayon sa ginawa niya dahil sa napapansin na naman nilang pagbabago ni Jairus. Mukha ngang may gusto na rin ito kay Sharlene. Pero hangga’t hindi siya nakaka-siguro, hindi pa rin ligtas si Sharlene sa kamay ni Jairus.

“Tigilan mo na ang pag-suporta sa loveteam nila. Hindi din naman ako papayag.”

Nakita niya, sa kabila ng dilim doon, ang pag-ngisi nito. “You know what? You’re starting to sound like Jai’s mom.”

“This is not the time for your jokes Paul.”

“I’m not joking. Sa tingin ko masyado ka nang nakekealam.”

Napa-iling na lang siya. Alam naman niya kung kanino ito kakampi. “Hindi ka ba napapagod na paulit-ulit na lang niyang ginagawa ‘to.”

“Wala na tayo do’n.”

“I’m not going to watch him ruin her. Wala akong pakealam kung itakwil niyo man ako sa grupo na ‘to o magka-galit-galit tayo, po-protektahan ko si Sharlene sa inyo.” Mariin niyang sabi dito.

Hindi na siya papayag na isa na namang inosenteng tao ang masasaktan nila. Ngayon pang nakikita na niyang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Sharlene kay Jairus. Ngayon niya mas kailangan mag-pursigeng paglayuin ang dalawa.

“You know what will happen if Jai find this out. Naging masyadong mainitin ang ulo ng isang iyon kanina pa. “

Of course, he knows Jai very well. Pero hindi pa rin siya natatakot na harapin ang galit nito. Mas natatakot siyang makita si Sharlene na masaktan nang dahil dito.

“Just let me do this Paul. Alam ko naman na sang-ayon ka din dito. Siguraduhin na lang muna nating malayo na si Sharlene sa kanya.”

“Mahal siya ni Jairus. Alam ko iyon kaya pinipilit ko siyang hindi lumayo…” hinawakan siya nito sa balikat at mahinang pinisil iyon. “I trust Jairus. Dahil nakikita ko sa mga mata niya, na handa siyang magbago para kay Sharlene.” Sabi nito bago naglakad palayo sa kanya.

Napayuko na lang siya at napa-pikit.

I think this is time for her to know.

Sasabihin ko na ang lahat kay Sharlene bukas.

He doesn’t have any plans to defy Jairus and to hurt Sharlene. Ang gusto niya lang naman ay gawin nang tama ang lahat para sa kanila.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon