Chapter 21: Dark's Birthday

Start from the beginning
                                    

"Silly, I'm not going anywhere. Magluluto lang ako ng hapunan o baka gusto mo sabayan pa kita magshower?" A smirk formed on his lips. Dark, you perv.

"Alis ka na nga dito. Kaya ko na pala. Bleh!" He chuckled on what I said.

"Just call me if you need anything, okay?" Tumango naman ako saka pumasok sa bathroom. Woah, parang mas malaki pa to kaysa sa dati kong kwarto ah. Binuksan ko na ang shower and do my thing.

"AAAHHH!" Napasigaw ako ng natamaan ko ang sugat ko.

"What happened? Okay ka lang ba Zyril?" Biglang bumukas ang pintuan ng CR

"KYAAAAAAAAH~" Hinigit ko agad ang towel ko para matakpan ang hubad na katawan ko. Napaiwas naman ng tingin si Dark ng marealize niya na wala pala akong suot na kahit anong saplot.

"A-ah s-sige. L-labas na ako." Feeling ko tuloy sobrang pula ko na ngayon. Nakakahiya!

Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako at bumabang kusina para kumain kasama ang Black Diciples. Medyo awkward pa nga kami ni Dark dahil sa nagyari kanina.

Pagkatapos naming kumain, pinaghugas nila si Andrew kasi siya daw ang pinakamaraming nakain saming lahat. Inalalayan ako ni Dark papuntang kwarto.

"Goodnight my princess. Sleep well." He tugged my blanket for me and kissed my forehead.

"Goodnight my prince." Lumabas na siya at pinatay ang ilaw ng kwarto and I drifted off to dreamland.

 ***

Isang linggo na ang lumipas nang lumipat ako dito sa bahay ni Dark at ngayon ang birthday niya! His birthday was my motivation to work hard and to earn more para lang mabigyan ko siya ng memorable birthday. Pinilit ko talagang magtrabaho kahit hindi pa magaling ang mga sugat ko.

Bumangon na ako at pinuntahan siya sa kwarto niya, para batiin siya pero walang akong nakitang kahit anong bakas niya. Nasan kaya siya?

Bumalik ulit ako sa kwarto ko para kunin ang phone ko para matawagan siya pero bago pa ako makatawag, may nareceive na akong text galing sa kanya 

"Good morning beautiful princess, I have something to settle today. Get ready by 2pm. The boys want to take me somewhere and asked me to ask you along. I've left bacon and eggs on the side, and don't forget to take your medicine. See you later Love!"

Di ko napansin na nakangiti na pala ako pagkatapos kong basahin ang text nya. Ang galing talaga magpakilig ni Dark.

Sinunod ko na ang sinabi niya at hinugasan ang pinagkainan ko. Ano bang pwedeng gawin para maging memorable ang birthday niya. Ugh, ang hirap naman mag-isip.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, napagdesisyunan kong gumawa na lang ng cheesecake, yun kasi ang favorite niya. Sabi ni Kuya Sky ayaw daw ni Dark na nagcecelebrate siya ng birthday but a simple birthday cake won't hurt, right? 

My Gangster PrinceWhere stories live. Discover now