Part 8

48.9K 1.2K 119
                                    


Habang naghahanda ng almusal ay nakasimangot si Grasya. Paano kasi nabasa niya ang mga comments ng mga kangaroo frog niyang haters na pinagtatawanan siya. Dahil sa post ni Teo ay nagkaroon na naman ng dahilan ang mga ulupong na makapamintas sa kanya, ang sarap paghahampasin sa mukha ng bloke ng yelo!

Kung ginandahan lang sana ni Teo ang kuha at caption natuwa pa ako!

Tulad ng nasa picture ay napanganga rin siya sa itsura niya ng makita ang pinost nito! At talaga naman umusok ang ilong niya ng mabasa ang captions na naka lagay.
"Bwisit ka talaga Teodoro! Hindi naman tumutulo ang laway ko!" gigil niyang natadtad ang hotdog kahit na di naman kailangan.

"Baka naman mamatay ako pag kinain ko yang niluluto mo." ani ng medyo paos na boses sa likuran niya.

"Edi maganda!" sagot niyang di nag abalang nilingon ito.

"Are you mad? Ang aga pa busangot na yang pagmumukha mo."

Nag ma-maang maangan pa!

Napilitan akong humarap sa kanya at namewang. "Wow namaaaan. Ikaw nga araw-araw na di maipinta ang mukha mo narinig mo bang nagreklamo ako?"

"Anong magagawa ko kung ganito na ang mukha ko." kaswal na sagot nito.

Eh kung ang mukha niya ang tadtarin ko?!

"Aba malay! Basta ang alam ko lang di tumutulo ang laway ko!"

Sandali itong natigilan pagkatapos ay ngumisi. "Oh.. You must have seen your photo. Kaya ka ba ganyan? Sinunod ko lang ang sinabi mo na kuhanan ka ng picture. You're welcome by the way."

Nakakainis! "Anong welcome! Welcome mo ang mukha mo! Kung sana inayos mo manlang! Nagkaron tuloy ng tsansa ang mga inggiterang mukang paa para pagtawanan at laitin ako." Iminasiwas ko sa harapan nito ang kutsilyong hawak ko.

Hinawakan ni Teo ang kamay niyang may kutsilyo at ibinaba iyon. "Don't worry about what other people say." inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga at pabulong na nagsalita.  "Maganda ka parin kahit naka nganga at tuloy ang laway." ramdam niya ang mainit na hininga nito at amoy bagong sipilyo.

Pagkatapos sabihin iyon basta lang siya iniwan nito sa kusina.

Napangiti ako sa sinabi niya, pero napasimangot din agad. "Sana yon ang nilagay niyang caption mas maganda pakinggan, at di nga ako tulo laway!"

🌸🌸🌸

TEO'S POV

Pauwi na ako. It's only 4pm pero nagpasya na akong umuwi dahil walang sumasagot sa tawag ko sa bahay, natatakot ako na baka kung ano na ang ginagawang kalokohan ni Grasya. Kakaiba pa naman ang takbo ng kokote ng isang iyon.

Kanina nga ay di ko na nakilala ang hotdog na hinanda niya dahil tinadtad niyang lahat ang hotdog. Sinabihan pa niya akong kainin ko yun dahil kasalanan ko raw kung bat ganun ang sinapit ng mga hotdog. Tsk! It's not my fault na masyado syang conscious sa mga pinopost niya sa instagram account niya.

Katatayo ko palang mula sa swivel chair ko ng bumukas ang pinto ng aking opisina.

Uno, Charles and Pablo came into view. The three weirdo's is grinning at me like crazy na para bang may ginawa akong kababalaghan at nahuli nila.

"We got the memo." wika ni Charles.

Ngayon ko lang nalamang nakabalik na pala sila ni Mira mula sa honeymoon nila. Isn't it too early?

Sabay na naupo si Charles at Pablo sa dalawang upuan sa harap ng table ko habang si Uno ay sumandal paupo sa mesa ko.

Napakunot noo ako. "What memo?"

Insta Baby (PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon