Natapos naman agad si Raya pero may kaunti siyang mali kaya 9/10 lang siya. Kaya ayan, nakakunot 'yung noo niya habang pabalik sa upuan niya...which is sa tabi ni Ivan.


"Damian, Venice Liann."


OMG ako na! Sana madali lang at sana tama rin yung isasagot ko.


Papunta na sana ako sa board kaso nga lang, may naramdaman akong tumama sa paa ko. At ang alam ko na lang, tumama na 'yung tuhod ko sa sahig.


Pagtingala ko, nasa gilid ko pala si Raya and take note, nakagrin pa siya. So siya ang pumatid sa akin?! Pinilit kong tumayo dahil nagtatawanan na 'yung classmates ko. Nakakahiya. Halos maluha na ako sa sobrang hiya. Ano bang kasalanan ko sa kanya at ginaganito niya ako? Nakuha na niya si Ivan ah? Meron pa ba siyang kailangan sa akin? Nakakainis na!


"Okay ka lang?"


Nagulat naman ako nung may umaalalay na pala sa akin patayo at pagtingin ko ay nakita ko si Roj. Pinilit kong 'wag umiyak sa harap nilang lahat...sa harap niya. Ayoko nang umiyak dahil lang sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay.


"Y-Yeah. Thanks."

"Ms. Damian, are you alright?" Napatingin ako sa teacher ko na hinihintay na akong magsagot sa board.

"Yes, Ma'am." I flashed a smile and sinagutan ko na 'yung tanong niya.


And thank God, hindi siya ganun kahirap. Kahit medyo nagtagal ako ay nasagutan ko naman 'yung problem. I've got a perfect score. Pati na rin si Ziela.

Nung nagbell na para sa break time, tumayo na agad kami ni Ziela dahil sobrang gutom na kami. Ayoko pa namang nagugutom si Ziela dahil nakakatakot siya kapag walang laman ang tiyan. Parang monster kung magalit! Kaya dapat hindi siya gutom pag galit at hindi siya galit pag gutom. Teka anong sabi ko, naguluhan ata ako?


Kaso, eto na namang Raya na 'to ay humarang sa daan namin. Ano ba talagang gusto niyang patunayan?! Naiirita na ako sa kanya ha!


"Ayos ka gumawa ng scene kanina ah? May tagatayo ka pa. Ano yun? Nerd in shining armor? Eww Liann! Pero sabagay, bagay naman kayo nung nerd na 'yun. Swak na swak ang level niyo. Losers," sabay tawa niya sa harapan ko.

"Yeah right, losers!" Nag-chorus pa 'yung mga alipores niya.


Pagkabing-paagkasabi niya nun ay tumalikod na siya pero nagulat ako nung hinila ni Zie yung buhok niya. OMG!


"Ang kapal rin ng mukha mong mang-asar eh 'no? Sino kayang namatid sa kanya? 'Di ba ikaw? Ikaw na mang-aagaw? 'Yung bigla-bigla na lang eepal sa isang relationship? Wow ha, kung makaepal ka wagas eh 'no? Ano ka singit? Sabagay mukha ka namang singit."

"W-what did you say?!" halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya kay Zie.

"Oh ano? Totoo naman 'di ba? Insecure ka lang kasi mas sikat pa rin si Venice kaysa sa'yo. Insecurities nga naman. Wag ka na kasing tumapat sa level niya, di mo kaya. Masyadong mababa 'yang uri mo." then tinignan siya ni Ziela from head to toe habang nakataas ang kilay.


Ito na nga ba 'yung sinasabi ko eh. Dapat hindi hinahayaang gutom 'tong babaitang 'to! Masama na tama nya! Kailangan nang umalis dito. Hinatak ko na siya para makalabas ng pinto kaso biglang pumasok si Ivan na may dalang pagkain.


Hindi kaagad ako nakagalaw. Hindi ko rin namalayan na nasa tabi na rin pala ni Ivan si Raya. At ang maldita, ngumisi sa amin. Pero lalo akong hindi nakagalaw nung biglang...


Hinalikan niya si Ivan...in front of me. In front of my face.


Parang gusto ko nang malusaw ngayon. Hindi ko na maigalaw 'yung mga paa ko. Oo alam ko nasasaktan ako pero bakit hindi ko maiwas yung tingin ko? Bakit nakatingin pa rin ako sa kanila habang naghahalikan?


"Tara na nga Ven. Masyadong PDA rito! Ang lalandi!" sabay hatak sa akin ni Zie nang sobrang lakas.


Bakit ganun? Bakit ang sakit?


***

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now