"Hi Lance! May bibigay ako sayo. Eto oh..."

Inabot ni Nicole kay Lance yung paperbag. Ewan lang kung ano yun.

Ngumiti si Lance? Eh sakin cold na cold kanina. "Thanks." Sabi ni Lance tapos ayun naglakad na. Sinabayan pa sya ni Nicole. Di man lang nya ako tinawag?

Nakatayo lang ako dito sa parking. Wow lang. Di talaga ako hinintay ni Lance. Ni hindi nga lumingon. Ano ba kasi kinaiinis nya? Hay! Sige, edi magsama sila ng Nicole na yun!

Huminga ako ng malalim. I'm starting to get annoyed.

"Yumiko!"

Teka..

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Enrique?"

"Sino pa ba? Tch. Na-miss kita."

Buhay pa pala yan? Mula nung nagkita kami sa restaurant never na yan nagparamdam kahit sa tawag eh.

"I really miss you."

Niyakap nya ako. Kumalas agad ako. "Ano ba..." Sabi ko.

"Sorry. Na-miss lang kita. Mula nung nasira yung date natin kasi bigla ka nawala nun, hindi ako nagparamdam kasi naging busy ako. Sa company at sa alam mo na, pagiging artista."

"Then why are you here?"

"Because I missed you. Let's go out?" Sabi nya.

Sasagot pa sana ako kaso...

*boogsh*

"LANCE!!"

Sinuntok lang naman ni Lance si Enrique. Pumagitna ako sa kanila. Pinigilan ko si Lance kasi naman nakahiga na sa sahig si Enrique.

"Gago ka pala eh!" Sigaw ni Enrique tapos tumayo. Susugurin pa si Lance. Humarang na ako.
 
"Enrique please..."

Kumalma naman agad sya. "Pasalamat ka... tch. Yumiko aalis na ako. I'll see you next time."

Ayun umalis na si Enrique. Humarap naman agad ako kay Lance. "Ano bang problema mo? Bakit bigla mo nalang sinuntok si Enrique?" Sigaw ko. Naiinis ako. Bukod sa cold treatment nya kanina, ngayon pati ibang tao isinasama nya sa init ng ulo nya.

"Ipagtatanggol mo pa yung lalaking yun? Fine!" Sigaw nya.

"Hindi ko sya pinagtatanggol! Sinasa---"

Ayun nag-walk-out. Iniwan na naman ako. Aish! Ano ba kasing problema ni Lance! Sumasakit na ulo ko.

I sighed then naglakad na din ako. Pupunta na akong room. Hay. Diko na alam gagawin kay Lance. Bakit ba ang moody nya.

Dito nako sa may hallway nung nakita ko si Lance at Nicole sa may labas ng room. Si Lance nakasandal sa pader si Nicole naman parang may kinukwento.

Psh. That Nicole? Tapos sakin ang sungit sungit na naman. Aish! Naiinis na din ako kay Lance. Kung galit sya sakin, then fine! Mas may karapatan akong magalit. Dahil basta basta nalang nya ako iniwan kanina tapos sinabayan pa nya yang Nicole na yun.

Mula mansyon di man lang nya ako iniimik masyado tapos nung si Nicole kanina, nginitian pa nya. Kainis lang. Dumiretso ako papasok ng room. Diko pinansin si Lance. Naiinis talaga ako.

Pagpasok ko sa room naupo na agad ako sa upuan ko, sa tabi ng upuan ni Lance.

"Hi Yumiko!" Bati ni Chelsea.

"Hi." Medyo wala ako sa mood.

"Problem? Bakit sina Lance at Nicole ang magkasabay kanina papasok?"

Psh. "I don't know. Sorry Chelsea, wala ako sa mood makipag-usap ngayon." Sabi ko.

"It's okay." Sabi nya.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon