CEO52 - The Surprise Gift

Start from the beginning
                                    

Parang labag pa sa kalooban nya ang gagawin pero nginitian ko na lang sya.

"Andrea, I thought that you're like the other woman I met before. The kind of woman that would give in everything for money. I was wrong. You're a very nice friend and you're special someone would be so lucky to have you."

He gave me a hug and just like Wendy he told me na wag ko na daw patagalin pa dahil maraming tao ang naabala para sa event na ito.

Natawa na lang ako.

Humakbang ako ng dalawa at si Zia naman ang sumulpot. Nakangiti ito katulad ng ngiti nya noong una kaming magkita.

"Andz, I know I judged you quickly before and I regret every words I said years ago. You will always be my best friend kahit na hindi mo sagutin si kuya." Pagkasabi nya non ay biglang nagfeedback ang mic na gamit nya.

Mukhang may nagalit. Natawa na lang kami at pinagpatuloy ni Zia ang pagsasalita.

"For three years I never forgot the woman who helped me despite of my lies. Sorry and thank you for crossing my brother's life."

After nya magsalita ay niyakap nya din ako. Wala naman syang sinabi na kakaiba.

Sunod na lumabas ay si kuya na nagpasalamat sa lahat ng sakripisyo ko para kay mom at kay dad. Nagsalita din si mom na katulad ni kuya ay nagpasalamat at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa nya. Napatawad ko naman na si Mom kaya there's no need to say sorry.

Sunod naman na lumabas ay ang parents ni Tristan na sinundan ni William.

"Hey there, sister-in-law." Aniya na umani ng tawanan mula sa mga naroon. "Don din naman ang punta nyo ni kuya diba? So, I just want to say thank you. Alam mo na kung bakit basta ito tandaan mo kapag niloko ka ni kuya alam mo kung sino ang mga kakampi mo." Sabay kindat sa ibang naroon.

Nagfeedback ulit ang mic kaya nagpatuloy na si William.

"Make him happy, Andz." Aniya nang yakapin nya ako.

Nginitian ko na lang sya.

Sunod naman na lumabas ay ang Mama ni Tristan at William. Parang kanina kausap ko lang sya sa phone ah.

"Hija, alam ko wala akong karapatang sabihin ito pero sana mahalin mo ang anak ko. Ibigay at iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal na hindi ko naibigay." Hindi na sya nagsalita pa ng iba maliban doon.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

Akala ko si Tristan na ang sunod na lalabas hindi pa pala.

Limang bata ang sunod-sunod na tumakbo palapit sa stage.

"Ate Jen, ikakasal ka na!" Bulaslas ni Sonia. Babaeng babae na ito unlike nong huli kong makita.

Nagtawanan naman ang mga ibang naroon sa sinabi ng bata. Sinaway naman ito ni Joanne.

'Nanliligaw pa nga lang si kuya Tristan diba? Kasal ka naman kaagad." Si Joanne. "Ayun, ate Jen sana maging masaya kayo ni kuya at sana sagutin mo na sya."

Napatawa na lang ako at niyakap sila. Nagpunta ang mga bata sa table kasama si Zia.

Malapit na ako sa stage nang biglang mamatay ang mga ilaw at may tumutok na spotlight sa akin.

A music filled the room.

I know this song.

If you're not the one..

Then why does my soul feel glad.. today.

If you're not the one.. Then why does my hand fit yours this way..

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now