"Ci! Totoo ba yun?!" Ma-otoridad na tanung ni Yuri.

"H-hindi..."

"Walang ninakaw si Ci-N. Hindi rin nya kailanga'ng magnakaw." Sabi ni Yuri dun sa babae.

"Sya lang ang humawak sa bag ko! May pera dito, ako at boyfriend ko lang ang nakakaalam nun!" Pagpipilit nung babae.

"Baka naman boyfriend mo nanguha?!" Sabi ni Kit.

Baka nga.

Agad na tumingin ng masama yung lalaki'ng hawak ni Eren kay Kit. Sya nga pala yung boyfriend.

"Imposible! Sya yun at alam kong sya yun!" Pilit pa rin nya.

Nababanas na talaga ko sa babae na to. Pasampal lang! Isa lang!

"Hahaba lang ang usapan na to. Magkanu ba ang nawala sayo miss?" Biglang singit ni Mykel sa usapan.

"20,000." Sagot nung babae.

Bakit naman nagdadala ng ganun kalaki tong babae na to?

Kinuha ni Mykel ang wallet nya at dumukot ng pera. Inabot nya sa babae.

"25,000 yan... Dinagdagan ko na, Danios para sa perwisyo." Sabi nya Mykel.

Tinanggap naman ng babae'ng maldita yun at umalis na kasama ng boyfriend nya'ng panis.

Humarap samin si Mykel at tinignan si Ci-N na nasa likod ko. "Kung kailangan mo ng pera, manghingi ka sa Nanay mo. Wag kang magnakaw."

"Gago ka ah!" Susugurin ko na sya ng may yumakap sakin mula sa likod at pilit akong binitbit pabalik sa room namin.

"Bitiwan nyo ko! Sasapakin ko lang yun!" Pagpupumiglas ko.

Pagdating sa room, binitiwan na ko ng humawak sakin. Si Yuri pala. Agad ako'ng tumakbo palabas pero hinarangan nila yung pinto.

"Tumigil ka Jay!" Sigaw sakin ni Yuri.

Wala akong magawa. Hindi ako makalusot sa mga nakaharang sa pinto.

Nakakainis! Argh!

Sa sobrang inis ko, sinipa ko yung isa sa mga table at hinarap si Ci-N.

"Bakit hindi mo sakin sinabi?!" Galit na tanung ko.

Nakayuko lang ang Ci-N at hindi nagsasalita. Si Keifer ang nagsalita para sa kanya.

"Wala nama'ng sasabihin si Ci-N sayo, wala naman sya'ng ninanakaw!"

"Hindi yun!" Sagot ko sa kanya at muli ako'ng humarap kay Ci-N. "Bakit hindi mo sinabi sakin na napagbintangan kang nagnanakaw kaya ka napunta sa Section E?" Nagbuntong hininga ako. "Ang sabi mo nagkagulo at sayo nagsimula kaya ka nilipat ka sa Section E. Bakit kailangan mong magsinungaling?"

"K-kasi.. N-natakot akong baka mag-iba tingin mo sakin." Sagot ni Ci-N.

"Hindi mo ba naisip na mas mag-iiba yung tingin ko sayo kapag----"

"Jay!" Sigaw ni Yuri.

"----hindi mo sinabi ang totoo. Para mo na ring pina----"

"Jay!" Sigaw ulit ni Yuri.

"----tunayan na totoo yung sinasabi nila----"

"JAY!" galit na sigaw ni Yuri.

Napatigil ako at salubong na kilay na tumingin kay Yuri. Hindi sya nagsalita pero yung mata nya lumilipat-lipat sakin at kay Ci-N.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon