Part Fifty-Five

1.7K 48 2
                                    

Magkasamang pumanik si Ash at Ayi. Hawak ni Ayi ang mikropono. Huminga muna siya ng malalim habang nakatingin sa taas. Para tuloy akong naiiyak na rin sa ginagawa ni Ayi. Si Ash naman ay hinihimas ang likod ni Ayi habang tinitignan siya.

"Na-witness ko lahat ng ups and downs ng dalawang yan! Nailihim pa nga ni Shai na may boyfriend siya e. Tita, tito, hindi lang po kayo ang nilihiman niyang anak niyo! Kung hindi pa sila nagkaproblema ni Charles, baka hindi din niya sinabi sa akin! Anyways, sobrang cute ng love story ng dalawang yan. First year college pa lang kami sila na. Ang korny pero nagsimula sa text ang story nila. Hindi ko na masyadong idi-detail at baka antukin kayo. So Shaira at Charles, tama na ang away bati na drama niyo ha! Matatanda na kayo! Pagusapan niyo, hindi yung papatagalin niyo pa. Una pa lang alam na namin na kayo talaga hanggang huli kaya nga di kami nawalan ng pag-asa sa inyo. Tiwala lang ha. Wag kayong susuko agad! Congratulations! Best wishes Mr. and Mrs. Ventura." Hinalikan ako ni Charles sa noo ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa stage at nakita kong pumanik si Jack, Wax at Paul.

"Wag mong sasaktan si Shai, Charles! Kundi lagot ka talaga sa amin!" Nagtabi tabi si Ash, Jack, Wax at Paul at sabay sabay na nagflex ng muscle sa braso nila. Lumakas lalo ang tawanan ng mga tao sa ginawa nilang apat. Napailing na lang ako sa sobrang tuwa sa kanila.

Ibinigay na ni Ash ang microphone kay Jack at bumaba na sila ni Ayi sa stage. Si Jack na ngayon ang magsasalita.

"Shaira, Charles masaya kaming lahat dahil kinasal na kayo. Ngayon wag na kayong masyadong magaaway. Naalala ko pa nung nililigawan ko si Therese, sinabi sa akin ni Shaira na kung magiging kami lagi kong tatandaan na wag na wag akong maglilihim kay Therese, na kung may problema kami lagi naming paguusapan. Kaya ganun ang mapapayo ko sa inyo. Wag kayong matutulog ng magkagalit kayo. Pagusapan niyo lagi kasi may tendency na lumala pa pag pinabayaan niyo." Tinap ni Wax ang balikat ni Jack bago agawin ang microphone. Napailing muna si Wax bago magsalita.

"Bro, alagaan mo ng mabuti si Shaira. Wag na wag mo na yang pakawalan. Siya lang ang kayang magtiis sa lahat ng katarantaduhan mo..." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Wax.

"...Pero seriously talking, wag na wag mong sasaktan yang si Shai. Alam naman nating lahat na hindi talaga maiiwasan ang problema sa isang relasyon. Kaya nga gaya ng vows niyo, sa hirap at ginhawa magsasama kayo. Mag asawa na kayo, wala pa kong experience sa ganyang relasyon pero ang mai-aadvice ko lang wag niyong susukuan ang isa't isa. Yung advice na para sa mag asawa si Paul na bahala dun." Ipinasa ni Wax ang microphone kay Paul.

"Ano bang advice ang magandang sabihin?" Nakapameywang pa si Paul habang nagiisip.

"Basta wag ka lang gagawa ng mali kung ayaw mong ma-outside the kulambo. Pag nagsusungit si Shaira, wag mong sabayan. Pag sinabi niyang tumataba na siya kahit totoo naman sabihin mo pa ring ang sexy sexy niya. Pag naglalambing siya wag mong balewalain, ikaw din, pag nagtampo yan wala kayong loving-loving." Nagtawanan ulit ang lahat ng tao sa sinabi nila. Ako naman ay naluluha pa rin dahil sa saya at sobrang touched.

"Hi Mr. and Mrs. Ventura, finally sa simbahan din ang ending! Ang dami niyong hinarap na pagsubok pero sabi nga nila kung mahal mo wag mo ng pakawalan. Tsaka yun ang advantage niyo, umpisa pa lang sinubok na ang relasyon niyo kaya kapag may pagsubok ulit na darating alam niyo na ang tamang strategy on how you can both deal with it. Ang kaibahan lang ngayon, team na kayo. Dalawa na kayong haharap sa mga yun dahil you're married na. Basta mahalin niyo lang ang isa't isa. If kailangan niyo ng makakausap, nandito lang kami ng barkada para makinig. We love you both! Congratulations!" Nagflying kiss pa sa akin si Coreen at nagflying kiss rin ako sa kanya. Inalalayan siyang bumaba ni Dex. Sumunod namang umakyat ay si Vinz.

"Good evening everyone! Matagal na kaming magkakilala ni Charles, magkasama kami sa banda kaya medyo alam ko na ang mga diskarte niyan sa chics. Ang bansag nga nila dati dyan ay Mr. Perfect, bakit? Student council siya nung high school kami tapos vocalist pa ng banda ng SC tapos magaling pa sa basketball. Kaya hindi na talaga nakakapagtaka kung bakit madaming nagkakagusto sa kanya pero ang nakakapagtaka, bakit kahit ang daming nagkakagulo sa kanya wala pa rin siyang girlfriend. Akala lang pala namin yun, may girlfriend na pala ang loko di nagsasabi. Kaya pala madalas hawak ang phone katext lagi ang girlfriend niya na si Shai. Si Shaira naman nakilala ko sa isang party. Nagkausap kami sandali tapos napalapit na ang loob ko sa kanya. Madalas na kaming nagkakasama hanggang sa we became friends. Sobrang bait na tao. What should I advice? Charles lahat sila sinabi na wag mong saktan si Shai. Yun din ang gusto ko. Alam naman natin ang mga girls medyo moody yan. Habaan mo lang ang patience mo. Tsaka wag mo ding sasabayan siguradong gyera yun. Sayo naman Shai, maging caring sa asawa. Pag pagod si Charles lagi mong i-massage. Gusto ng mga lalaki yun. Huling huli ni Hailey ang kiliti ko tuwing minamasahe niya ko."

"Huy! Censored na yan!" Sigaw ni Wax mula sa audience. Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Anyways, lagi niyong gawing center ng relasyon niyo si God. Alam naman nating lahat kung gaano siya kapowerful. Lagi lang kayong magpray at magsama ng masaya, okay? Congratulations sa inyo! Sobrang saya naming lahat. So I request everyone to stand up." Tunayo kaming lahat. Itinaas ni Vinz ang wine glass niya.

"To Mr. and Mrs. Ventura!" Nagcheers kami ni Charles at sabay na ininom ang wine namin. Biglang umingay din ang audience dahil napuno ng tawanan at kwentuhan.

This is the best day of my life!

Sabi nga nila, ang daming pagsubok ang kinaharap namin. Ang pinakamaganda doon, hindi kami nagpatalo. Oo, may times na naisip naming sumuko pero sa huli lagi kaming pinaglalapit ng pagmamahal namin sa isa't isa.

Sobrang thankful ako kay Lord dahil binigay niya sa akin si Charles. Hinding hindi ako magsasawang titigan siya. Hinding hindi na ako magpapatalo sa mga problema na yan. Ngayong kasama ko na siya, bilang asawa ko, wala ng makakatinag sa amin. Sabi nga ni Coreen, we're now a team. We need to deal with everything together.

No matter what happen, we should stick together. Kasi ang pagmamahal hindi lang naman yan puro saya. Kung mahal ka niya sasamahan ka din niya sa lungkot at pinakapangit na araw sa buhay mo. Ganun ang love.

"Thank you for coming. Salamat dahil naging parte kayo ng whirlwind love story namin ni Charles. Salamat dahil kahit sobrang tagal at paulit ulit hindi kayo nagsawang suportahan kami. Salamat sa mga payong ibinigay niyo. Sa mga pamilya namin na sinamahan kami sa hirap at ginhawa, sa mga kaibigan naming hindi kami iniwan sa panahon ng pagsubok, at sa inyong lahat na nakasaksi sa kabiguan at kalihmgayahan namin, maraming maraming salamat! Hindi pa dito nagtatapos ang istorya namin, simula pa lang ito. Simula ng bagong buhay bilang mag asawa. Kaya sana di kayo mawawala sa tabi namin. Maraming maraming salamat ulit!"

Nagpalakpakan ang lahat ng tao.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sabay sabay na sigaw nila. Natuwa kami ni Charles at nagkiss sa harap nilang lahat. Narinig ulit namin ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao.

"I love you Mrs. Ventura!"

"I love you too Mr. Ventura!"

-The End-

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon