Part Thirty-Three

762 34 0
                                    

"Don't forget to call." Sabi sa akin ni Ayi habang niyayakap ako.

"Wag mo kamjng kakalimutan. Lalo na ako. Napakaswerte mo at may kaibigan kang kasing gwapo ko." Biro naman sa akin ni Ashton na niyakap din ako.

"Thank you Shaira for welcoming me in your life. Text mo ko or skype tayo if kailangan mo ng kausap okay?" Tumango naman ako kay Coreen at nagyakapan din kami.

"Bakit ba kasi aalis ka pa. Wala na tuloy kaming good girl na kasama. Wag kanb masyadong magpakasaya dun, baka makalimutan mo ko." Tumawa ako at hinampas si Wax.

"Bakit naman ko naman kayo kakalimutan? Lalo ka na, ikaw lang kaya ang kilala kong lalaking sobrang hangin." Tumawa kaming lahat. Pati sila Paul ay inasar pa si Wax. Tinatawanan lang naman ito ni Wax.

"O ngayon alam mo na? Bawasan mo na kasi pagiging mayabang mo." Asar din ni Ayi. Inasar na naman nila sj Wax pero pinigilan din ito ni Paul. Baka mas magkapikunan pa tong si Wax at Ayi.

"Ma-mi-miss ka talaga namin Shaira. Balik ka agad ha." Saad din ni Paul. Siniko siya ni Wax.

"Di pa nga nakakaalis pinapauwi mo na!" Nagtawanan ulit kami. Ito ang isa sa ma-mi-miss ko. Ang tawanan at kulitan sa tuwing magkakasama kami.

"Basta Shaira bilisan mong umuwi. Tuturuan ka pa namin ni Jack mag-gitara." Tumango naman si Jack sa sinabi ni Paul. Sa huling pagkakataon ay nag-group hug kami. Sa sobrang baliw baliwan namin lahat na ng tao dito sa airport tinitignan kami.

"Ito na yung bagahe mo. Mag-ingat ka dun." Maluha luha pang paalam ni mama. Yakap yakap siya ngayon ni Ayi. Ayoko mang iwan si mama pero siya din naman ang pumilit sa aking gawin ito. Mas gaganda daw ang buhay ko dun at mas makakalimutan ko lahat ng sakit na naramdaman ko dito.

Niyakap ko si mama. Pati ang mga kaibigan ko ay nakiyakap na rin. Natawa na lang si mama sa ipinapakita ng mga kaibigan ko na pagmamahal sa akin.

"Uy Shai baka magkarokn ka ng kaibigang amerikananpakilala mo ko a. Kailangan ko na ng inspirasyon, lalo na't banas na banas ako sa mukha ni Ayi." Nilingon ni Ayi si Wax. Pinigilan ko namang tumawa at ganun din naman ang iba.

"Hoy Wax! Bagay na bagay sayo yang pangalan mo! Floor Wax! Sarap ingudngod sa sahig! Ang kapal naman ng feslak mo!" Ayan na naman sila ni Wax. Napapadalas na ang harutan nilang ganyan. Kung dati si Ayi at Ash ang madalas mag-away ngayon mas nagkakabwisitan pa itong si Wax at Ayi.

Sabagay, busy na rin naman kasi si Ash kay Coreen. Batatawa na lang ako sa tuwing nakikita ko kung paano tignan ni Ash si Coreen na para bang wala na siyang ibang nakikita kundi si Coreen lang.

"Guys, tama na yan. Baka palabasin taho ng sekyu dito oag ganyan kayo kaingay." Pigil na naman ni Paul. Ang laging namamagitan sa dalawa. Madalas ding taga-pigil kay Wax sa tuwing lumalakas ang trip.

"Alam niyo ganyang ganyan kami noon ng tito niyo. Parang aso't pusa peri sa huli nagkatuluyan rin." Bida ni mama. Tuwang tuwa siya sa ikinikwento niya.

"Tita!" Sabay pang suway ni Wax at Ayi kay mama. Para namang mga kamatis ang mukha nila sa sobrang hiya. Parang ewan talaga tong dalawang to. Pwede talaga tong magkatuluyan kung wala lang Jack si Ayi.

"Tita may Jack na ko." Tumawa si Ayi at hinatak si Jack sa tabi niya. Wala namang relasyon ang dalawang to pero parang mag-karelasyon kung umasta. Napaka cute nilang tignan.

"Ako tita hihintayin ko pa yung amerikanang ipapakilala sa akin ni Shai. Tsaka di ko type yang patpatin na yan." Turo niya kay Ayi. Bumitaw naman si Ayi sa pagkakahawak kay Jack at naglakad palapit kay Wax.

"Ito patpatin? Excuse me!" Umikot pa siya sa harap ni Wax at inirapan ito. Wala na akong ibang magawa kundi tignan lang silang mag-away. Sigurado kasing ma-mi-miss ko to kaya susulitin ko na.

"Teka lang, sabi ni Vinz malapit na daw siya e. Bakit hanggang ngayon wala pa yun?" Tanong ni Jack. Nawala naman sa isip namin ang pag-aaway ni Ayi at Wax dahil kay Vinz. Lahat kami ay abalang lumingon para tignan kung nakarating na si Vinz.

"Nasan na kaya yun?" Sinabi ni Paul na tatawagan niya ito kaya lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya habang hinihintay na sagutin ni Vinz ang phone niya.

Narinig naming tinawag na ang mga pasahero sa sasakyan kong eroplano kaya mas nataranta kami. Hindi man lang ba kami magkikita ni Vinz bago ako umalis?

"Hayaan mo na yun Shai, mag-skype na lang kayo pagdating mo dun." Suggestion ni Coreen. Last call na para sa akin, nagmadalj na kaming tumungo sa daan papunta sa eroplano ko. Di pa ako pumapasok. Lumingon ako sandali para hanapin si Vinz pero wala pa rin. Kumaway na ako sa kanila para magpaalam. Tinalikuran ko na sila at iniabot na ang ticket ko.

"Guys!" Napalingon kami ng marinig namin ang tawag ni Vinz sa di kalayuan. Patakbo siyang lumapit kela mama. Ako naman ay napangiti lang ng makita siya. Niyakap niya isa isa ang mga kabarkada namin. Di ko marinig ang usapan nila.

Nagulat na lang ako ng tumakbo si Vinz paounta sa side ko. Nay iniabot din siyang ticket at patakbong pumasok para yakapin ako.

"I'm coming with you whether you like it or not." Napangiti na lang ako habang yakap niya. Sabay kaming kumaway sa mga kaibigan namin at kay mama. Sabay rin kaming pumasok sa eroplano. Wala ng bawian to at masaya akong kahit papano ay may kasama ako sa bagong simulang ito sa buhay ko.

Nilingon ko si Vinz na ngayon ay payapang natutulog sa tabi ko. Wala akong ibang gustong sabihin sa kanya kundi, salamat. Salamat dahil kasama ko siya ngayon.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon