CHAPTER 23

1.5M 31.5K 6.6K
                                    

CHAPTER 23

ISANG SIMPLENG reception ng kasal ni Annette at Cali ang idinaos sa village hall ng Bachelor's Village. Nang makauwi sila sa bahay, mainit ang naging pagtatalik nila ng asawa na buong puso naman niyang tinugon.

At nang magising si Annette kinabukasan, tumakbo siya patungong banyo dahil parang hinahalukay ang tiyan niya. Nagduwal siya nang nagduwal sa lababo habang mahigpit na nakakapit sa gilid niyon.

"Oh, God," sambit niya nang pakiramdam niya ay wala nang katapusan ang pagduduwal niya.

Nang matapos, salamat sa Diyos, nagmumog siya at lumabas ng banyo. Kapagkuwan ay tumuon ang mga mata niya sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog sa kama. Wala sa sariling lumapat ang kamay niya sa tiyan niya.

Naduwal siya. Hindi kaya... buntis siya?

Huminga si Annette nang malalim, saka lumapit sa kama at umupo do'n. Pinakatitigan niyaang guwapong mukha ni Cali. Sana nga buntis siya. Para makapagsimula na silang muli. Para maging masayang pamilya na sila.

Sa isiping 'yon, nagbihis siya, saka lumabas ng bahay at nagtungo sa maliit na pharmacy na nasa loob din ng village. Nang makabili na siya ng pregnancy test, umuwi siya sa bahay at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Mabilis ang naging kilos ni Annette. Umihi siya at pinatakan ng tamang dami ang pregnancy test, saka mahinang nagdarasal habang hinihintay na gumuhit ang dalawang pula.

"Oh, please, God," dasal niya. "Please...."

Gumuhit ang saya sa mukha niya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata nang makita ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test kit. "Oh, my God... Oh, my God!" Nagtitili siyang lumabas ng banyo na siyang ikinagising ni Cali.

"What the—" Bumalikwas ito at nag-aalalang tumingin sa gawi niya. "What happened? Bakit ka sumigaw?"

Hindi mapuknat ang masayang ngiti sa mga labi niya nang sumampa siya sa kama, saka niyakap nang mahigpit ang asawa. "Buntis ako!" Mas humigpit lalo ang yakap niya rito. "Buntis ako, Cali! Buntis ako!"

Cali hugged her so tight, then he started laughing in so much happiness. "Good God," mahina nitong sambit habang yakap siya. "Thank you. Thank you so much!" Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya, saka pinugpog ng halik ang buong mukha niya. "I love you so much, Annette. So much!"

Magkayakap sila nang sobrang higpit hanggang sa hindi na sila makahinga. At nang pakawalan nila ang isa't isa, naglapat ang mga labi nila.

Thanks God because He gave them a blessing. Sisuguruhin niyang aalagaan niya ang nasa sinapupunan niya sa abot ng kanyang makakaya.

Pero naputol ang paghahalikan nila nang tumunog ang cell phone ni Cali. Isa iyong mensahe galing sa sekretarya nito.

"Fuck," mura ni Cali, saka nagsusumamo ang matang tumingin sa kanya. "Kailangan ako sa opisina. May meeting ako sa isang private collector ng mga yacht. I can't miss this one. Sayang naman. Lalo na at magkaka-baby na tayo. Kailangan kong kumayod nang mas kumayod pa lalo para mabigyan kayo ng magandang buhay."

Nginitian niya ito, saka hinaplos ang pisngi. "I understand. Mamaya na tayo mag-celebrate."

"Thanks, Annette." Hinalikan siya sa mga labi ni Cali, saka nagmamadaling naligo at nagbihis.

Siya naman ay masayang hinahaplos ang sinapupunan niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman. Basta pakiramdam niya ay nasa alapaap siya.

A baby. She would have a baby soon.

"Babalik ako agad, okay?" Hinalikan siya ni Cali nang magpaalam ito. "Pagkatapos ng meeting, uuwi ako agad para makapag-celebrate tayo."

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon