Tinanggal nya yung shades at.... at.... at.... Blue ang mata nya. Gwapo ang lintik! Tangos din ng ilong. Medyo makapal nga lang yung buhok. Kulang sa gupit.

"I forgot to ask your name." Sabi nya.

Lah! Hinabol ako para lang sa pangalan? Adik ata tong si Kuya.

"I'm----"

"Hoy!" Someone shout.

Nilingon ko kung saan galing yun. Si Yuri lang pala. Bigla nalang humarurot yung kotse paalis. Muntik pa kong hikain dahil sa usok.

"*Ubo* Anu ba yan?!"

"Sino yung kausap mo?" Tanung ni Yuri na katabi ko na pala.

Nakatingin sya sa kotseng umalis.

"Hindi ko kilala. Nagtanung lang ng direksyon." Sagot ko.

Hindi sumagot ang Yuri. Nakatingin pa rin sya sa direksyon na pinuntahan ng kotse. Pipidal na sana ako para paandarin ang bike papasok sa school pero bigla nalang hinawakan ni Yuri ang manibela.

"Baba!" Utos nya.

"Ha? Bakit?"

"Basta! Baba na!"

Kahit hindi ako sigurado kung bakit, bumaba pa rin ako. Bigla nalang sya sumakay at pinaandar yung bike.

Akala ko hahabulin nya yung kotse pero dumiretso sya sa gate ng school. Tignan mo tong tao na to!

"Hoy! Aba!" Sita ko sa kanya.

Hindi nya ko pinansin. Dire-diretso nyang pinaandar ang bike papasok sa loob ng school.

Anu pa nga bang gagawin ko? Edi sundan. Takbo, lakad ang ginagawa ko. Kakahingal kaya.

Pinarada nya yung bike sa harap ng room. Sapi talaga si Yuri! Pumasok na ko sa loob at hinanap ang talipandas.

Sakto namang nakatalikod sya kaya agad kong binatukan.

"Aray!" Sigaw nya at tinignan ako ng masama.

"Para yan sa pangunguha mo ng bike ko?" Sabi ko at naupo na sa pwesto ko.

Cross arm pa ko at sibangot na sibangot. Kainis kasi! Kala ko aanhin nyang hinayupak sya.

"Haba ng nguso mo.." puna sakin ni Ci-N.

Inirapan ko lang sya. Dumating na si Sir Alvin at nagsimula ang klase. Hindi rin nya kinalimutan ang padating na Exam.

"Class.. Review review din. Malapit na Exam." Parinig naman ng sunod naming teacher.

"Guys! Mag-reveiw ah!" Sunod na teacher din.

"Mga lecture nyo! Reviewhin nyo!" Sunod na teacher.

Makakalimutan ba namin yan! Paulit-ulit nalang! Para silang mga sirang plaka sa utak ko.

Review...

Review...

Review...

Kayalang mukang ako lang yung nangangamba sa exam. Wala kasi akong nababakas na takot or kaba sa mga ulupong.

Meron pa ngang natutulog eh.

Lunch time na. Wala nga pala akong baon na pagkain. Hindi ko nakuha, kawawa naman kaming tatlo.

Siguro bibili nalang ako kay Ate'ng Lilia. Kayalang baka nagtatrabaho. Hindi nya ko maaasikaso kapag maraming tao.

Asar naman!

"Nagugutom na ko..." Reklamo ni Ci-N.

"Ako rin..." Sabi ko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon