Nagulat si Ember sa biglaang pagtawag ng meeting ni Bright na siyang Editor in chief ng Prism University publication kung saan miyembro siya. Kasama niya sa kasalukuyan ang iba pang miyembro. Last week ay hindi maipinta ang mukha ni Bright dahil konti lang sa mga estudyante ng unibersidad ang kumuha ng bagong issue ng magazine.Kaya marami pang kopyang naiwan na nasa office nila.Naalala niya pa ang eksena sa meeting last week.
"So, anong gagawin natin dito?Igagatong na lang?"anito sa mataray na paraan. She pointed the magazine. Kilala talaga ito sa buong unibersidad bilang mataray. And the name "Bright" suited her well. Matalino kasi ito. Consistent Dean's Listee. Competitive sa lahat ng bagay. Kaya siguro ganito na lang ang panggagalaiti nito sa pagkonti ng mga estudyanteng kumukuha ng magazine. Mabuti naman ang performance ng newspaper. Ang magazine lang talaga ang problema.
"Eh di igatong mo. Ikaw magdala sa bahay niyo."sagot ni Jay ang siyang lay-out and graphics editor ng publication. As expected, parang umusok ang ilong ni Bright sa paningin ni Ember. Parati talagang nagka-clash ang dalawang ito.
"Did I ask you Aguirre?You shut up!"
"Eh, nagtanong ka kung anong gagawin natin sa mga 'yan. Sumagot lang naman ako."sagot ni Jay na hindi natinag sa pagtataray ni Bright. Silang lahat ay tahimik lang.
"Sinabi ko bang sagutin mo?"Magsasalita pa sana si Jay ngunit nagsalita ulit si Bright at kami naman ang binalingan. "Puwede na kayong umalis lahat."
"Ember?"
Napapitlag siya. Nakatuon na ang lahat ng mata sa kanya.Masyado siyang nagmumuni-muni. Bago lang siyang miyembro ng publication. Natanggap siya bilang literary editor ilang buwan na ang nakakaraan. Second semester na at nasa unang taon palang siya. Marketing Management ang kurso at sumali sa Prism as a sort of her extra curricular activity.
"Saan na nakarating ang pag-iisip mo?Gosh! We are in a meeting."bulalas nito.
"Sorry Ate Bright.Ano po yung sinasabi mo?"
Bumuntong hininga ito. "Hindi ka nakikinig.Ok.From the start. We are going to interview some students here in the University. I coined them as the "University Boys" or "U-Boys"for short .They're rich and famous in the campus. Ayon sa survey na isinagawa ko, sila ang mga lalaking popular sa mga kababaihan."
"You did a survey?!"bulalas niya. Kahit mga kasamahan niya ay bakas din ang pagkamangha sa mga mukha.
"I need to. Or else hindi ko malalaman kung ano ang problema kung ba't kumukonti ang subscription sa magazine. Walang problem sa mga lalaking estudyante. Nalaman ko sa record ng school na konti na lang ang mga babaeng nagsasubscribe. Kaya, I did a survey among the girls. At nalaman kong kailangan nating magfeature ng mga lalaking hinahangaan nila sa university na ito in every issue of our magazine. Moreover, marami akong nakikitang pages sa facebook intended just for them. So why not get an interview from them right?"
Napanganga siya rito.
In a span of two weeks ay nakaya nitong magsurvey? So magkaka-U-Boys para lang mapalakas ang subscription ng magazine? May choice kasi ang mga students kung kukuha or hindi.
"Panghatak lang 'yon sa ibang di kumukuha. Obviously, mga girls. Kung pampakilig mga U-BOYS sa kanila, they could be someone to look up to by the other boys. Basta, ang goal ay ang pataasin ang magazine subscription. "
"Back to the U-Boys, the first one that we are going to feature is Jethro Aldeguer. And you are the one who will convince him to be interviewed. Magkakilala naman kayo di ba?"
Nanlaki ang mata niya sa mga sinabi ni Bright. Seryoso ba ito sa mga pinagsasabi nito?Ni hindi sila magkasundo ni Jethro aka Jet tapos siya pa mag-iinterview dito?Oh she was doomed!
Sinabi pa nito ang ibang pangalan ng binansagang U-Boys. Ngunit di niya pinagtuunan ng pansin. Ang tanging rumehistro sa kanyang isip ay may inaassign na gawain sa kanya. Of all the tasks, why would it involve Jethro?
---------
A/N Annyeong guys! This will be a series. Una pa lang 'to, so I hope suportahan niyo po. Salamat!!! :)
YOU ARE READING
Trained To Be Yours (U-Boys Series 1: JET)
RomanceFall in love rebelliously! This is the story of one of the U-Boys (University Boys) Jethro "Jet" Aldeguer. "Masakit pa rin tanggapin ang lahat.Lalo na ang kaalamang, inalagaan at inaruga ako para lang kay Jet. Sinanay ako sa mga gawaing bahay at kun...
