Binuksan nya yun at pumasok. Pumasok din ako since ang sabi nya naman ay 'follow me.' Madilim ang kwarto pero mararamdaman mo ang nakatodong air conditioner.

Nang buksan nya ang ilaw ay nakita ko ang pinagsamang kulay asul at puti na kwarto. Ang ganda ng loob. Napakarelaxing tignan. Kahit ang mga gamit at displays ay maganda.

"This will be your room." Sabi nya. Bakit ba ang seryoso nya? Alam kong dahil yun sa parke kanina.. pero kasi..

"Huh?" Nagulat na tanong ko. "Saakin?" Paguulit ko.

"Everything is set in here." Saad nya bago tumalikod na wala man lang pasabi sabi.

"Wait." Pagpigil ko sa kanya nang malapit na sya sa pinto para lumabas. Humarap sya saakin. "Bakit may sarili akong kwarto?" Tanong ko. Kasi naman, naalala ko yung sinabi nya saakin dati kung bakit ayaw nya ako sa ibang kwarto matulog: 'Para sa oras na kailangan kitang gamitin, madali lang kitang mahanap.' I dont know kung iyan nga ang exact word na sinabi nya. Pero never kong makakalimutan ang mga sinabi nyang yun. Easy access kung baga.

Napatingin sya sa ibang direksyon. "Aren't you asking for your own room before?" Nakita kong nanginginig ang mata nya. Kinakabahan ba sya?

And he still remembers that.. I thought everything I said just goes in and out of his ears.

"I wanna give you some privacy, and I will respect you sa paraang alam ko.. so please be patient with me." Nag-iwas sya ng tingin.

Napangiti ako nun kasabay nun ang mabilis nyang pagtalikod at paglabas ng pinto. Ni-lock ko agad ang pinto at tumuloy sa malambot at malaking kama at nilagay ang mukha ko sa unan at sumigaw. Hindi ko alam pero yung pakiramdam ko kagaya ng boses ko. Gusto kong isigaw pero ayaw kong may makarinig.

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Pilit kong inaalis ang nararamdaman ko, yun lang ang sinabi nya pero sobrang sweet para sa isang katulad nya.

Pauwi na ako ngayon sa bahay, buti naman at pinayagan akong umuwi ni Leila. Kasi naman nagtext saakin si Kris. Ang sabi nya:

From Kris:

Hindi ka pa ba uuwi? Wala ka namang pasok ngayon. Umuwi ka na or else.

See? Baliw diba? Binitin pa ang sasabihin nya. Tska kung makapag-utos sya ah, parang.. ewan lang. Ngayon lang din sya nagtext ng mahaba saakin. Hmm, nakakapanibago.

Sasakay sana ako ng taxi ng may humintong isang pulang sasakyan sa harapan ko, at hindi ko na itatanong kung sino yun. Alam ko kasi ang mga kotse nya.

"Hop in." Sabi nya nang bumaba ang car window. Diretso syang nakatingin at nakaitim na shades. Para syang isang modelo.

"D-diba, nagtext ka sakin na sa bahay ako.. uuwi?" Tanong ko. Hindi parin ako gumagalaw sa pagkakatayo ko.

He just smirked.. sweetly.

"Ahh.. Saan ka pupunta?" Ewan ko ba kung bakit and weird ko. Hindi ko talaga malaman ang itatanong or sasabihin man lang para hindi mag mukhang tanga, pero eto ako ngayon.. ang pinakaweird na babae sa harapan nya.

"Tsk! Pwede bang sumakay ka na lang?" Naiirita nyang sabi sabay kamot ng ulo. Tss. Tignan mo nga to, napakasungit na naman.

Umikot ako sa sasakyan para pumasok sa passenger's seat. Pumasok ako ng sasakyan at umayos ng upo.

Tinignan nya ako at ngumisi sya. "Kaya mo na akong takasan ngayon?" Sabi nya at nagsimula nang magdrive.

"Huh?" Napaiwas ako ng tingin. "Nakipagkita lang ako kay Leila, yung kaibigan ko."

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now