nakakaasiwa ba mukha ko??

Magsimula sa umpisa
                                    

“ano ba yang pinanonood mo??” derekta kong tanung sa kanya, eehh kasi naman nakaka-curious kaya!!

Imbis na sabihin na lang nya kung anu yung pinanonood nya eehh, iniharap nya na lang ang screen ng cp nya sa akin. .at ang nakita kong pinanonood nya?? Si Mr.Bean pala!! Pfftt!! Naisip ko palang na nanonood sya nun tapos nagkataong wala syang kasama tapos naka-earphone pa sya at tumatawa sya ng todo ng mag-isa, diba mukha syang tanga nun?? Hahaha

“tss!!” yan na lang nasabi ko at iginala ang paningin ko sa paligid. .

“saan nga pala ang bahay mo PORCA??” aniya. . “ihahatid na kita”

“huh??” tapos lumingon ako sa likod ko at humarap ulet sa kanya, nakatanggal na yung earphone nya sa teynga nya at derekta syang nakatingin sakin “sino si porca??” eehh sa POREENE ANN CAROSSA ang pangalan ko eehh. .at ‘orene’ tawag nila sakin. .

“ikaw syempre!! Sino pa bang kasama ko dito??” aniya sabay irap ulet, tsk!! Bakit ba kapag nairap sya imbis na maturn-off ako kasi gawain yun ng babae eehh lalo lang syang nakakaturn-on titigan, ang cute kasi!!

“at saan mo namang lupalop ng utak mo nakuha yang PORCA na yan aahh??!!” ang bantot kaya!! Porca??!!

“POR from POReene at CA sa Carossa” maikling pagpapaliwanag nito. . “cute naman aahh!!” anito sabay ngiti ng mapang-asar. .aahh ganun!!

“anu nga ulet buo mong pangalan??” tanung ko sa kanya, pero binelatan lang nya ako mukhang nase-sense din nya na gagawin ko din sa pangalan nya yung ginawa nya sa pangalan ko. .

“edi habang buhay na ‘hoy!’ ang itatawag ko sa iyo!! Mas panget yun kasi para ka lang bilanggong tinatawag!!” pananakot ko sa kanya. .

“Billdoux Fonnerman” sagot nito habang nakangiti, sandaling nag-isip lang ako sabay ngiti sa kanya ng mapangloko

“wag kang ngumiti, mukha kang aso” anito habang nakangiti at nakahalukipkip. .inirapan ko na lang purkit lalo syang nagwapo kapag nakangiti sya??? At sakin hindi bagay??

“BILFO!!” ani ko sabay turo sa kanya “BILFO na ngayon ang pangalan mo!!!”

“ok” anito sabay tayo sa kinauupuan “tara na! mag-gagabi na, may pasok ka pa bukas!!” kaya tumayo na din ako at sinundan sya papunta sa parking lot. .

Tamang sa kanto na lang ako nagpababa sa kanya, ayaw ko kasing iabot pa nya sa tapat ng bahay namin eehh magugulo pa naman yung pamilya ko. .idagdag mo pa yung mga ususera kong kapitbahay na kahit gabi na eehh naghahanap ng maisisiwalat. .hindi na rin naman nagpumilit si bilfo, sino ba naman kasi ako para pa pag-aksayahan nya ng image nya. .tsk!!

…………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Ilang araw lang napapansin ko na yung pagbabago ng aking mukha, kuminis na kasi ito at wala na rin kahit isang black heads. .ang galing nun aahh!! At pansin ko din pagkatapos nung last na ginawa sa may bilbil ko at braso medyo gumanda yung pangangatawan ko. .tapos yung gamot na pinaiinom sakin ni bilfo ay malaki din yung tulong kasi bihira na ako magutom sa isang araw. .dati kasi apat na beses akong kumakain sa loob ng isang araw pero ngayon at dalawa na lang. .

At sina charlotte?? Ayun!! Lalo akong inaaway, bakit?? Kesyo daw ginayuma ko si bilfo. .tsk!! tsk!! Nasa kanila na nga lahat pinapakailaman pa buhay ko. .

“class may bago nga pala kayong magiging kaklase this month” pagbabalita ng teacher namin at pansin mo sa mukha nito na masaya ito “sobrang swerte nyo class, kasi sya talaga ng pumili nitong section nyo!!” anito, nagsimula na sa bulungan yung mga kaklase ko ng kung anu ano. .

Binasted ni Crush, Sinambot ng HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon