Love Story (Oneshot)

361 14 0
                                    

Love Story

Once there was a girl who didn't experience yet to be inlove with someone.


 At ang babaeng tinutukoy ko ay syempre ako. Sino pa ba diba? Pero may crush ako. Secret na lang kung sino.


Agad akong bumangon sa aking higaan at nag-unat-unat. Inayos ko ang aking higaan. Tupi dito. Ayos doon. Daily morning routines ng isang tao.


Naghanda na ako para pumasok. Pumunta ako sa banyo at naligo. 


"We were both young when I first saw you.
I close my eyes and the flashback starts:
I'm standing there on a balcony in summer air."


Kanta ko at ginawang mic ang shower dito sa banyo. Ako kaya? Kelan ko ma-e-experience na pag may nakita ko ang mahal ko e. Maalala ko lahat nung simula pa lang kami.

"See the lights, see the party, the ball gowns.
See you make your way through the crowd
And say, "Hello."
Little did I know..."


Tapos isasayaw niya ako at mararamdaman kong parang kami lang dal'wa ang nandoon. Na wala ng iba pang nandoon kundi kami lang. Walang tututol at walang mangingialam sa amin.

"Romeo, take me somewhere we can be alone.
I'll be waiting; all that's left to do is run.
You'll be the prince and I'll be the princess,
It's a love story, baby, just say "Yes"."


Nung nasa may chorus na ako ay may pa-headbang head bang pa ako. Pasigaw na ang pagkanta ko. 


"Rain! Bilisan mo na. Male-late ka na." Sigaw ni Nanay sa labas ng pintuan.


"Opo! Sandali lang!"


Nagmadali na akong maligo pagkatapos ay nagbihis na. Pumunta ako sa kusina para makakain na.


Nang matapos na akong kumain ay naglakad na ako papuntang school. Walking distance lang naman ito.


Nagmamadali na akong pumasok. Hindi pa naman talaga ako male-late. Exaggerated lang talaga nanay ko. Alam niyo na para dalian ko.


Pumasok ako sa classroom namin at nakitang iilan pa lang ang nandito. Agad akong naupo sa upuan ko. Nilabas ko ang notebook ko at nag-drawing na lamang dahil wala naman akong magawa.


Dumating na ang time. Kasabay nun ay ang pagdating ng guro namin. Nagdiscuss ito ng nagdiscuss. Ang bilis bilis magsalita na halos wala na akong maintindihan.


"Sorry, I'm late." Hingal na hingal na sabi ng lalaking nasa pintuan. Halatang nagtatakbo ito para lang hindi malate pero nalate pa rin siya.


Nagsi-ingay ang mga kaklase kong babae sa dahil sa kanya. Dahil na rin sa mala-perpekto nitong pagmumukha. Meron itong mga mapupungay na mata, matangos na ilong at napakagandang labi.

Love StoryWhere stories live. Discover now