Chapter 1

10.9K 290 69
                                    

CUPID'S HANDCUFFS

Maxine's POV 

LOVE IS IN the air...

Kaya nagtakip ako ng ilong at bibig gamit ng mga palad ko, mahirap nang mahawa, sayang wala akong dalang lovetecide spray.

Expertly kong inilagan ang mga students at outsiders na nakakasalubong ko sa school Fair--one of the perks of being small. Kahit hapon na, madami paring mga tao kasi binuksan sa public ang Fair.

Amoy cotton candy na may halong popcorn, corn dog at plastic balloon ang paligid. Nagsimula naring ini-ilaw ang mga Chinese lanterns na nakapalibot sa Fair pero hindi sapat para ilawan ang buong Fair kapag dumilim.

Maganda ang sikat ng araw kanina, at ngayong palubog na, nagmistulang canvas ang langit, parang natapunan ng orange na paint at dumaloy papunta sa araw. God is so artistic.

February 14 na kasi, isang special event dito sa West high yung Heart Festival kaya laging may Fair dito yearly. Five straight days na walang pasok dahil kailangan daw icelebrate ang 'love'. Ang stupid no?

Pero bakit ako andito gayong stupid naman yung event para sakin? Dahil sa pambihirang rare Heart candy na gustung gusto ng kaibigan ko, tuwing Valentines day lang kasing merong ganoon at sa school Fair lang pwedeng bumili nun kaya kahit ayaw ko sa madaming tao, pinipilit ko pading makakuha ng ganoon.

Napaka-ironic nga eh, kung makapagcelebrate ang school ng Heart's day eh wagas, pero ang totoo niyan, mga salbahe ang karamihan sa mga studyante, mga bullies at social climber. Hindi inuuna ang academics, inuuna ang ranks. Where is the love? Anduuuuun sa basurahan.

Saktong isa nalang ang natira sa Heart candy nung nakarating ako Crazy Candy store, I thanked my lucky stars. Kumuha ako ng pera sa coin purse ko at iaabot na sana sa babaeng nagtitinda pero biglang nagkaroon ng posas yung kamay ko.

Dali akong tumingin sa kung sino man ang naglagay noon at nanlaki ang mga mata ko.

Ang mga Cupids!

Tumingin uli ako sa mga kamay ko at iginalaw iyon para siguraduhing totoong handcuffs nga iyon, nag-ingay iyon ng parang sa bakal kaya lalo pang nanlaki ang mga mata ko.

No way. No way na nalagyan ako ng Cupid's Handcuff!

----========----

Cupid's Handcuff

Mechanics: Someone will pay the Cupids para maiposas sila at nung crush nila or kahit sino'ng gusto nilang makasama. O pwedeng kahit hindi ikaw yung poposasan. Kahit sino, pwedeng sumali. Kapag naposasan, bibigyan sila ng room number kung saan nila hahanapin yung susi, pwede ring sa isang area ng school o sa mga offices sa loob ng building.

Automatic ang mga handcuffs, after 8 hours ay kusa itong naga'unlock.

Minsan hinihintay lang ng mga participants ang 8 hours, minsan pinaghihirapang mahanap ang susi lalo na kung napagtripan lang sila.

Pwedeng umayaw ang mga Victims na maposasan, kailangan lang nilang triplehin ang ibinayad nung nagpaposas, kung nangyari iyon, hindi na mababawi nung nagpaposas yung ibinayad niya.

Cupids – they are everywhere, kung hindi ka taga West high, hindi mo sila makikilala. They blend in the crowd para sa sorpresang pagposas sa mga participants and victims.

Participants - sila ang mga nagbayad sa mga cupids.

Victims – sila ang mga mapoposasan, o yung mga nabayaran para maposasan.

Cupid's HandcuffsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon