Sabi kasi ni Garry sa Chat niya,
"Sis, gora tayis sa condo ni Marcella, may pa-abs!"

So I was intrigue sa pa-abs!!
Nagtanong ako exactly what SHE means.
She talaga???
Oo, shepuputamos.
Ganun!

Sabi niya, "may pa condo party, remember, joindelocks si Marcella sa mga groups ng mga boys na may pa-abs?? Nag offer siya sa baler niya iwithhelding. Go agad ang mga boys! Join mo na rin ang jowambels mo ng matikman ko. Chaaaarot! Basta bakla ka, don't don't us. Okay?"

Ganun!!!
Feeling ko, gusto lang nilang makita si jowa ulit. Keri lang naman na isama ko, pero... Hindi sasama iyon!! At hindi niya ako papupuntahin!!!

Sayang ang mga pa-abs!
Bakiiit???

"Alam mo beks, kung ako lang jowa mo, hindi rin kita pasasamahin. Bad influence yang tatlong bebe na iyan sa iyo sa totoong buhay lang." Sabi ni manang!!

"Charot ka manang! Actually, invited ka. You wanna come too?" Sabi ko.

"Ay go ako diyan!!!!" ----MANANG!!! Malanding to, tumatandang bakla to si manang, "...ay di pala cash and carry mall. May date kami ng jowa ko. Baka sakaling makabuo na kami this time." DAGDAG niya!!!!

Nakeeerrr...
I cannot overtolerating this conversation anymoreeee!

"Kaloka. O siya, basta ha. Keep you lips sealed kay jowa ko ha? Kung hindi, ako magstapler diyan sa labi mo. Slightly sightings lang naman ako doon tapos ramfa na ulit pa baler. Sabihin ko nalang kay jowa nanuod pa ako ng sine kaya ako na-late umuwi." Sabi ko.

Actually, sinabi ko na huwag na akong sunduin, pero matigas ang ulo nun...
Matigas ang ulo??
Saan??
Eeerrrr. Nubeee!
Basta, kahit sabihin ko na huwag, go pa rin iyon!
Kaya mabuti ng naabisuhan ko na si manang.



***6 LONG HOURS LATER***
10 PM na at umuulan pa rin ng alak!!
Eeeehhhh!
Akala ko ba house party?
Naging pa-shower party!!

At kuda nila? May pa-abs daw.
Meron!!!!
Kaso...
Mga ninja turtles!!
Kakaloka!

Meron namang keri na rin.
Pero kasi choosy ako.
Walang wala ang ito sa jowa ko!!

Kanina, may boys pa sila... Pero ngayon, nagtitilian ng mga bakla!
Nakakabakla siguro talaga ang alak.

Iyong iba, pa-discreet!
Pero ang mga daliri pumipilantik.
At kapag nakikipag-usapan sila... Wala silang pinagkaiba sa tatlong baklang bebe na wala rin ang mga jowa nila.

Ang iba, napaninindiga pa rin naman ang pagiging discreet nila. At... Partner partner na ang mga bakla!

Sabi ko kanina pa, uuwi na ako.
Ayaw akong pauwiin nila Marcella.
The night is young pa raw, mga 8 years old.. Kanina pang 8 PM iyon, ngayon 10 years old na!! Ganun!

Kanina may binasag basag ako rito. Umalis na ata, umaarte kasi tapos ako pa talaga ang kinausap, sabi niya pa..

"Grabe sila no? Lalaki sa lalaki."
Ganun!!!!
So tanong ko, "what do you expect?"
"Ah wala, bago kasi ako sa ganito. Hindi naman kasi ako bakla." Sabiii niya.
Gusto ko pang sabihin na, anong ginagawa mo rito? Kumukuha ng information para sa ginagawa mong thesis tungkol sa bagong henerasyon ng mga bakla?
Pero hindi ganun sinabi ko, sabi ko, "...hindi ka bakla? Bi ka?"
Bi??? Label mga baklang bakla makapangbakla lang ng mga tunay na BI. Kagaya ng tatlong baklang bebe.
"Hindi rin. Straight ako pre." Sabi niyaaa!!!
Naloka ako sa STRAIGHT siya pero mas naloka ako sa pagtawag niya sa akin ng PRE!!!
Pweeee!
Iluloblob ko na sana siya sa isang basong red horse eh.
Kaya ang sabi ko, "Ganun ba? Mabuti naman at hindi ka Bi at mas lalong hindi ka bakla. Kung nagkataon kasi, madadagdagan na naman ang listahan ng mga pangit sa LGBT community!!!" Sabi ko. Sabay tayo at paalam na magsi-CR lang ako!!!
Pagbalik ko, wala na siya!!

Perfect Online BoyfriendWhere stories live. Discover now