Chapter Three : the Dreamer girl

28 6 3
                                    

Bigla ko namang nakagat ang ibabang labi ko ng bumaba ang aking paningin sa mga labi niya.
'Ang ganda naman ng labi niya parang kaysarap damhin, sana... sana ma---teneng..!!' naputol ang pagpapantasya ko ng may tumamang bagay sa mukha ko na nalaglag naman sa kandungan ko. Di naman ako nasaktan kasi binilog na isang pilas na notebook lang naman iyon pero dahilan para bumalik ako sa wisyo.

Biglang umingay ang paligid.
May mga ipit na tili akong naririnig.
May mga para ring bubuyog sa pagbubulungan.

Back to the reality na nga pala.

Napakurap ako sa pagkakatitig sa makisig na nilalang na nakatayo sa harapan ko. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sakin na may bahid pang pagkayamot at pagkainip sa mukha niya. 'Anong problema kaya nito?' Katanungang pumasok sa isip ko.

"Miss Zobella stopped daydreaming with Mr. Meyer. Tanggalin mo 'yang bag mo para maka upo na si Mr. Meyer." Tukoy ni Prof sa upuang katabi ko kung saan nakalagay ang bag ko.
Nagbaba ako ng mukha. 'Shucks kakahiya! Kanina pa nga pala sya nakatayo. Asar naman oh.' Namumula kong sisi sa isip ko. Tiyak ko rin na si Prof ang bumato sakin dahil busy ang mga classmates ko specially ang mga babae sa paghaharutan at pagbubulungan habang nakatingi sa bago kong katabi.

Nagsimula ng magdiscuss si Prof ng makaupo na sa tabi ko si ... 'Anong ngang pangalan n'ya? Meyer ba?' Tanong ko sa isipan. 'Daisy siete naman oh, di kasi nakikinig kanina. Pero kahit sino ka pa, yiiee ang bango mo naman. Saka mas gwapo ka lalo kung titingin ka sakin my love,' tila naman narinig niya ang piping paglalandi ko rito dahil bumaling ang mukha n'ya paharap sa akin.

'Yan na naman s'ya. Salubong na naman ang medyo kakapalan n'yang kilay na lalo lang nagpadagdag sa apeal niya. 'Yeah naman Samantha, may apeal ka nang nalalaman huh,' wika ng isang bahagi ng utak ko. 'Shut up ka na lang d'yan, epal ka ei.' Sabat naman ng isa pang bahagi ng utak ko. Napilig ko naman ang aking ulo. Nasisiraan na ba ako ng bait o talagang malakas lang talaga ang appeal ng katabi ko? Pati utak ko nag-aaway away dahil sa kanya.

"Can you please stop starring at me, Miss."-siya.

'Wow naman talaga, pati boses n'ya ang ganda sa pandinig. Ang lamig parang Dj...' Bigla na namang naputol ang pagmumuni ko ng may pumitik sa noo ko. Napakurap ako sa kaharap ko.

Napatawa naman s'ya sa reaksyon ko na dahilan para mapa slow mo na naman ako sa pagkakatitig sa kanya. 'Hanep naman men, lalo s'yang gwumapo. Sana lagi ka lang na lang ganyan. Promise kahit magmukha akong clown sa paningin mo basta makita lang kita tumawa...' Nangingislap ang matang isip-isip ko.

" Miss Zobella what is the solution in number 2? Miss Zobella!" Si Mrs Peralta na pinukpok pa ang lamesa n'ya

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na tawag ni Ma'am sa last name ko.

"Ha?" Nakaka ngangang bulalas ko. Tawanan naman ang mga classmates ko dahil sa mukha akong eng-eng na tila wala sa sarili.

"Hahaaha,yare ang nerd," classmate boy 1

"Haha, sinabi mo pa. Nangangarap kasi ng gising, " classmate boy 2.

"Hmp, buti nga sayo. Masyado kasing feel na feel ang pagtitig kay Ivan ko," wika naman ni Ethel.

"Kapal naman ng Ethel na 'yan, feel na feel ang pagka Ivan ko, sabunutan ko s'ya eh." Bulong naman ni Becca.

Ano ba namang mga taong ito bubulong lang dinig na dinig ko pa. Kung 'yung sagot ang binubulong n'yo naka tulong pa kayo sa akin.

Muli na namang tinawanag ni Ma'am ang apelyedo. Naka pamaywang habang hinihintay ang pagsagot ko.

Pasimple akong tumingin sa kaibigan ko. Talagang hindi ko maaasahan ang isang ito. Eh, pagkit na pagkit pa rin ang pagkakatitig sa hot na transferee.

'Please mag bell ka... Mag bell ka na... Ay daisy otso naman.' Ngunit natigilan ako. Kaka break nga lang pala...! Halos masabunutan ko ang sarili ko. Patay na ko neto... Tiningnan ko ang whiteboard kung saan nakasulat ang pinasasagutan ni Ma'am. Minus ba o plus o times o division kaya? Hahaha, sana nga ganun na lang ung solution na hinihingii eh. Isip-isip Samantha... Pero na mental block talaga ako. At ang mukha ni Meyer ang pumapasok sa isipan ko. Bakit ba kasi sa tabi ko pa ito na upo meron pa naman sa tabi ni nina Erika. Asar, kasira ka ng diskarte tsong..

Napasunod naman ang tingin ko kay Ma'am ng bumaling siya sa gawi nina Brian.

"Yes Mr. Villamatter?" Tanong ni Mrs. Peralta sa nakataas na kamay na si Brian. Ano na naman kaya ang pakulo nito.

Tumayo naman ang binata sa pagkakaupo.

"Ma'am may I answer you're question for Miss Zobella?" bolontaryong tanong niya na tumingin pa sa akin sabay kindat. Na pa 'ohhhww' naman ang iba kong kaklase sa narinig. Tiningnan naman ako ng masama ng pabebe girls lalo na si Eunice. 'Haha,mamatay ka sa inggit, savior ko ang pinapantasya mo,' pasimple ko pa itong dinilaan na lalong kinainis nito. Hahaha, wagi. Napatingin uli ako kay ma'am.

'Gosh, pumayag ka na ma'am! Pumayag ka!' Gusto ko na sanang isigaw iyon pero nagpigil lang ako, hehe baka kung ano pa ang kalabasan. Napa 'YES naman ako ng mahina ng tumugon siya.

"Go on Mr. Villamatter," bumaling si prof sakin."Next time, makinig ka sa Miss Zobella at hindi pag de-daydreaming ang ginagawa mo sa klase ko," mataray na sabi ni prof. Napa 'OO' na lang ako at napatango.
**




(A/N : hayyy, buhay... Tama nga sila, dapat di ako umaasa sa isang bagay para di ako masyadong masaktan.. Huhuhu)

Dear Mr. SupladoWhere stories live. Discover now