Chapter One : Nerdy meets pabebe girl

45 7 4
                                    


Samantha's POV

Heto, tamang naglalakad lang ako with my only one best friend in campus papunta sa room namin, actually ilang hakbang na lang naman at pintuan na ng classroom namin. 15 minutes pa bago dumating ang teacher namin sa Math pero heto kami ngayon tamang tatambay na lamang sa room kaysa magpagalagala sa campus. Mahirap na baka maispotan pa kami ng mg istudyante na walang alam gawin kundi ang mang bully. Like now.

May mga istudyante at classmate namin ang nakatambay pa sa hallway. May nakatayo at naka upo habang hinihintay ang next subject nila sa bawat klase.

May ilang napapatingin samin na grupo ng mga babae at lalaki. May magbubulungan at may nagtatawanan. At isa na roon ang classmate namin na sina Eunice at ang tatlo pang babae na laging kasama nito na naka upo sa tapat ng room namin at tila walang pakialam kung makitaan ng singit dahil sa pabukakang pagkakaupo. The pabebe girls kung tawagin ng iba naming kaklse dahil sa masyadong papansin sa mga lalaki at saksakan pa ng arte. Umiiling-iling pa ang mga ito habang tumatawa na nakatingin sa amin.

"Hay naku. Kahit saan talaga naman..." bulong na anas na kaibigan kong si Melvie.

"Huwag mo na lang silang pansinin," -ako.

Tumingin siya sa akin. "Sabi mo eh," aniya.

Papasok na sana kami sa loob ng room ng mag ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag at sumenyas sakin ng 'wait lang'

Sumandal na lamang ako sa gilid ng pintuan habang iniintay siyang matapos sa pakikipag-usap. Sa gilid ng mata ko ay nakikinita ko ang tatlong lalaki na tanging nasa loob ng aming class room na nakaupo sa bandang unahan ng upuan.

Napatindig ako ng tuwid ng makita kong tapos ng makipag-usap ang pren ko.

"Oh, sino 'yun?" Tukoy ko sa kausap niya.

"Si Leyla, yung hiniraman ko ng book," aniya at kumamot pa sa buhok niyang buhaghag na hangang balikat. Napahagikhik tuloy ako ng makitang may nahulog na malaking insekto sa balikat niya. Puting puti pa naman ang suot niyang uniform plus ang malinaw kong salamin kaya kitang kita ko kung gaano kaitim at kalaki iyon.

"Oh, 'bat para kang nakakita ng artista d'yan," kunot noong tanong niya saakin ng makitang napahahagikhik ako.

"Hihihi, sana nga artista na lang 'yung nakikita ko kaso hindi eh, hahaha," napatawa tuloy lalo ako ng magsalubong ang maykakapalan niyang kilay.

"Hay naku, ewan ko sayo. Para kang baliw," nakairap niyang sabi sakin.

"Hahaha, lumapit ka kaya dito ng malaman mo kung gaano ka gwapong artista 'yung nakikita ko,"

Lumapit nga si baliw, hahaha.

"Oh nasaan? "

"Ito oh," sabay kuha ko ng kuto sa kanyang balikat. "Open your mouth este hand pala,"

"Anong connect,?" Kunot noong tanong pa niya bago inilahad ang palad.

"Tadaahh," at inilagay ko ang gwapong kuto sa kanyang palad na kinalaki ng mga mata niya.

"May gosh! Nakakahiya!" -OA niyang sabi with matching takip ng palad sa bibig. Winagwag niya ang palad kaya naman laglag ang alaga niyang kuto.

Kinutusan ko siya.

"Aray!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit di mo tiniris?"

"Halern, ba't ko naman titirisin. Kita mo naman kung gaano kalusog 'yun di ba saka may pagpapahalaga naman ako sa mga nagiging parte ng buhay ko. Malay mo buntis pala yung kutong iyon edi mumultuhin ako 'nun," timang niyang sagot.

Dear Mr. SupladoМесто, где живут истории. Откройте их для себя